"Paano nga ba mag-move on?"
Iyan ang lagi kong tanong sa sarili ko. Lalo na kapag nakakapakinig ako ng mga malulungkot na love songs. Gaya nga ng sabi ni Ne-yo, I really am so sick of love songs. Yung tipong nirerelate mo lagi sa sarili mo yung message, pati yung malungkot na melody ng kanta. Gaya nga ngayon, nag-iisa ako sa sinasakyan kong jeep at itong si manong driver ay tila broken hearted yata na puro malulungkot na lovesongs ang nasa playlist niya.
While listening sa "Only reminds me of you" na version ng MYMP, hindi ko mapigilan maluha. Yung luha na nasa gilid lang ng mata. Umeemote ako ngayon sa jeep papunta sa bahay ng kaibigan ko. Tumawag siya kanina habang nasa trabaho ako. Hindi raw siya nakapasok dahil mugto ang mata niya kakaiyak dahil break na raw sila ng boyfriend nia for 8 yrs. Kahit ako nalungkot for both of them. Buong akala ko sila na talaga sa bandang huli. Imagine since 2nd yr namin nung college sila na. Mag-aanim na taon na kami sa mga trabaho namin at saka naman sila nagbreak. Hindi mo talaga masasabi if sino ba talaga ang nakalaan for you. Kahit sobrang tagal niyo na. Or 1 month pa lang kayo magkakahiwalay at magkakahiwalay kayo kung hindi talaga kayo ang para sa isat isa.
Ayan malapit na ako sa bahay ng kaibigan ko. Finally, hindi ko na maririnig ang playlist ni manong na sobrang tagos na sa puso ang sakit.
"Kuya sa tabi lang po"
Tumigil naman ang jeep na sinasakyan ko sa tapat ng 7eleven malapit sa simbahan. Habang naglalakad papunta sa bahay ni Zia, naisip ko bakit nga ba kailangan masaktan sa pag-ibig? Na... umibig ka lang naman bakit kailangan kakambal nun ay sakit?
Nasa tapat na ako ng bahay nila at kumatok. Pinagbuksan agad ako ng mama niya na kilalang kilala na ako dahil sa tagal na namin na magkaibigan.
"Oh yung kaibigan mo andun sa kwarto nagkukulong" sabi ng mama ni Zia.
"Haha.. sige po tita ako na bahala. Tinawagan nga po niya ako kanina. Akala ko nga kung ano na nangyaring masama"
Pumanhik ako sa bahay nila papuntang kwarto ni Zia. Kumatok dahil nakalock ang pinto ng kanyang kwarto. Aba at kinarir na talaga ng kaibigan ko ang maging drama queen sa mga teleserye. Agad naman niya binuksan ang pinto.
"Hala ka! Anong nangyari sayo? Wala kang mata hahaha"
"Siraulo ka tlga Samantha! Tinawagan kita para icomfort ako hindi para asarin pa ako sa itsura ko" habang umiiyak na tugon ni Zia.
"Oh joke lng... easy girl. Ano ba kasing nangyari?"
"Ano pa? Edi nagbreak na kami ni Kim..."
"Alam ko... ang tinatanong ko kung bakit?"
"Yun na nga eh. Bigla bigla nanlamig sa akin. Tinatanong ko kung may iba ba? Sabi niya wala. Hanggang sa sinabi niya na gusto raw niya hanapin sarili niya at hindi ako ang may kasalanan... yung gasgas na linya sa mga pelikula na 'its not you, its me'... bakit ganon? Wala naman ako makitang mali na ginawa." Nakadapa sa kama at umiiyak si Zia. Nahabag naman ako sa kaibigan ko.
"Girl.. atleast alam mo sa part mo na wala kang ginawang kasalanan. Its not your fault. I know that its very easy for me to say these things because I am not on your position right now. But honestly my friend, nasasaktan ako na makita kang ganyan. Sa mga pagkakataong ganito... yung pwede ko na iapply na advice sayo yung walang kamatayang advice ni John Lloyd sa One More Chance. Na... baka kaya iniiwan tayo ng mga taong mahal natin ay baka dahil may paparating na taong karapat-dapat sa atin" Seriously, hindi talaga ako magaling mag-advice.
"Ang sakit sakit Sam. All along akala ko siya na. Everything was perfect. We're both even planning for our future pa nga... and then in just one night.. isang gabi lang... umayaw na siya sa aming dalawa."
"Oo naman friend alam ko naman yun. Bumili pa nga kayo ng bahay sa Cavite para after niyo ikasal atleast may bahay na kayong dalawa.. we dont know his reason. Pero alam ko.. one of these days malalaman natin yan."
"Ang hirap kasi na maiwan sa ere... alam mo yan db?"
"Luh! Bakit napunta sa akin?"
"Sus! Alam ko naman na hanggang ngayon kaya hindi ka pa rin naiinlove at hindi mo pinapansin ibang manliligaw mo dahil inlove ka pa rin sa best friend mo. Tigilan mo ko..."
"Heh! Mas mahirap kaya magmove on sa taong kahit kailan hindi naging kayo. Kaya nga hanggang pretend na lang ako na okay na ako na friends lang kami....teka nga wag mo ipasa sa problema ko yang pinagdaraanan mo... pagbibigyan kita ngayon ilabas mo lahat yan.. pero yang pinagdaraanan mo...daanan mo lang yan.. bawal ang tambay. Maganda ka girl. Tara! Gumimik tayo hahaha"
"Saka na... tignan mo nga itong mata ko naging intsik ako eh mukha nga akong bumbay... haha"
"Oh ayan finally tumawa ka na.. hindi pa ako kumakain at dito ako dumeretso galing work. Pakainin mo naman ang super duper BFF mo"
"Tara na nga... ginugutom na rin ako.. nakakapagod din pala ang umiyak..."
"Hindi lang... nakakagutom pa kamo"
--------------------------------------------------------------------------
Para sa kaalaman ng lahat.. ako nga pala si Samantha Kaye Solis. Matagal na akong single. Since I graduated college. At isa pa lang ang naging boyfriend ko. After him.. wala nang sumunod. Kung nakamove on na ako sa kanya? Hindi ako nagmove on dahil kasalanan ko kung bakit nawala siya sa akin. Pero mas lalo lang madaragdagan ang kasalanan ko kung itutuloy ko ang relasyon namin na alam ko hindi ko siya mahal. Napakaunfair din kasi sa part niya na magpanggap dahil may iba akong mahal.
He's very good to me. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. Rico was a criminology student. Matalino, mabait, mapagmahal sa kanyang ina at tiyahin dahil wala na ang kanyang tatay. Bata pa lamang siya nang mamatay ang kanyang ama. I thought that all of these qualities of him will help me to love him. Pero mahirap talagang turuan ang puso. Hindi ko siya natutunang mahalin because I am madly inlove with my bestfriend. And now, I am looking on his facebook profile. Alam ko masaya na siya. Kaya hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko noon dahil alam ko hindi siya magiging masaya sa akin. May asawa at anak na siya. Isa na rin siyang ganap na pulis. Minsan nga sumagi sa isip ko.. siguro kaya hindi ako masaya ngayon dahil lahat ng ito ay karma. Dahil sinaktan ko ang isang tao na sobra akong minahal noon. Haaaay...
"Huy! Ang lalim ng buntong hininga mo.. anong iniisip mo? Si Aldrin na naman? Hindi ka mahal nun wag mo na isipin" Sabi sa akin ni Zia habang nanonood kami ng She's The One sa Cinema One.
"Eh kasi naman yung pinapanood natin... patayin mo na nga yan"
"Oh eh akala ko ba sinasabi mo na ok ka na... hindi pa rin pala.. ay sus!"
"Bahala ka na nga diyan.. uwi na ako may pasok pa ako bukas... ikaw okay ka na hah? Pumasok ka na.. wag mo hayaan na pati work mo maapektuhan dahil sa breakup niyo ni Kim"
"Oo na... thank you Sam ah... gumaan yung nararamdaman ko.. sige papasok na ako bukas.. idadivert ko attention ko sa iba para mabilis aq makacope up sa mga ganap na ito... nakakaloka"
"Oo tama yan.. there you go.. welcome back my friend... oh siya.. goodbye na.. incase na need mo ng kausap message mo lang ako.. im always here for you. Kaw pa ba?"
"Sure thanks"
At umalis na ako sa bahay nila. Sumakay uli ng jeep pauwi sa aming bahay. Good thing masasaya ang mga kanta sa jeep na nasakyan ko. Biglang tumunog ang CP ko. Si Aldrin nagtext.
"Hi Sam... kita tayo ngayon... please?"
BINABASA MO ANG
Paano nga ba mag-move on?
RomancePara sa mga taong gustong magmove on.. ayaw magmove on.. pamoveon na nahurt pa rin...