Krissana's POV
"Huwaaaaaaaa! Ba't hindi paren sya nagre-reply!? Kaynis! Huwaaaa T_T"
"HOY KRISSA! PWEDENG MANAHIMIK KA!? ANSAKIT MO SA TENGA! SAKA NAKAKAHILO KA. KANINA KA PA PABALIK-BALIK NG LAKAD DYAN AH!?"
Natauhan naman daw ako sa pagsigaw ng bestpren ko. Tas lumapit ako sa kanya with matching nakakaawa face pa.
"Eh kasi naman besh, si Leo hindi pa nagt-txt saken! Magi-isang buwan na yon. Hindi nya ba naaalala? Monthsary namen ngayon eh! 5th freakin' monthsary namen ngayooooon~ It's Dec. 17 for Pete's sake! Halos lahat na yata ng multo't santo nagparamdam na saken, sya nalang ang hindi! Besh, pangit na ba ko? Huhuhu. Baka ayaw nya na saken"
May punas-uhog pang kasama yan habang sinasabi ko. Naga-alala na talaga ako. Wala naman akong matandaan na nag-away kami eh. Hindi kami nag-away! Nagka-tampuhan lang kami. Pero, srsly!? Isang buwan na yon halos eh! Nag-sorry na nga ren ako sa kanya. Pero hindi nya paren ako pinapansin. Kaya hindi ko ren muna pinapansin. Huwaaaaaaaa. Naman eh!? Antagal na non. Hinayaan ko nga lang yon eh. Pag nagkikita kami, umiiwas sya. Ano na bang nangyare?? Kami pa ba? Mahal pa ba nya ko? Kase ako, oo. Ayyyts! Andrama ko na *3*
Tinignan naman ako ni Miya na may 'kadiri-ka' look. Problema na naman nito? Buti nga shinare ko sa kanya eh!
"Krissa, alam mo ikain mo lang yan. Napaka-nega mo eh! Saka ang OA mo ren alam mo yun? Baka hindi nagpaparamdam yon kase may surprise sayo! Tsk tsk. Drama mo eh"
Sabi nya tas tingin ulit dun sa pinapanood nya. Srsly? Crazy Little Thing called Love? Peborit nya yan. Pramis. Oooh. Eniwey haywey. Balik tayo!"Talaga? Sa tingin mo isu-surprise nya ko? *o*"
Tumingin ulit sya saken na nanlilisik yong mata. Skeyriiii. Huhu T_T
"Sabi ko 'baka' lang. 'Wag ka masyado umasa. Masasaktan ka lang. Saka anuba! Malay mo naman, busy lang sya sa paga-asikaso ng company nila. Ano naman daw sinabi ng multo't santo mo? Oa much Besh. At isa pa. Last na! Hindi ka panget! Sadyang loka-loka ka lang. Tsk. Kaloka ka. Manood ka na nga lang! Bwisit. Nalagpasan ko tuloy yung magandang scene. Aish!"
Oo nga noh? Bakit hindi ko naisip yon? Sya nga pala ang successor ng company nila. You know? Sya kase ang inaasahan ng daddy nya, kasi yung Kuya nya, inaasikaso na yung isa pa nilang business. Dami noh? Yaman talaga ng boyfriend ko! Ahihihi. Fogiii pa.
Pero pero pero! May surprise nga kaya syaaaa? MyG! I can't weyyt na. Baka nga masyado lang akong negaaa! Hays. Kakain nga muna ako. Kagutom.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kakatapos ko lang maligo. Hmmm. Ang bango ko! Wahahahaha 0^◇^0)/
Nagsuot lang ako ng simple Red dress kasi lucky color daw to. Tas pinartner-an ko ng white doll shoes. Nag-polbo at konting lip balm lang ako tas perfumeee. Waaaa! I look, gorgeous! Yikes. Ang yabang ko. Hahahaha.
Saan ako pupunta? Omigash! Iniisip ko palang, kinikilig na ko. Yiiiieee. Kasi naman eeee. Nag-txt saken si Leo kanina.
| Let's meet. 8 pm. Park |
Ang simple lang mg message nya pero, grabiii yung kilig ko! Eto na ba? Isu-surprise nya ba kooo? Woo. Kalma Krissa! Kalma.
I took one last glance at myself in the mirror, then im off!
Meanwhile...
Hayy. Ang ganda paren dito sa park. Parang walang pinagbago. Ngayon ko lang na-realize, antagal ko na pala hindi nakakapunta dito. Nakaka-miss si Leo. Hayys.
BINABASA MO ANG
Meron Nang Iba (ONE SHOT)
Teen FictionHindi sa lahat ng oras, dapat malungkot ka. Porke naghiwalay--este nakipaghiwalay sya sayo, forever malungkot ka na!! Kase, sabi nga nila, WALANG FOREVER. Makakahanap ka ren ng iba. Mas magmamahal sayo ng sobra sobra pa. Tiwala lang :) Meron Nang Ib...