Isa akong english teacher dito sa japan dalawang taon narin ang lumipas simula ng huli ko syang makita, kamusta na kaya ang mahalko? Palibhasa kasi hindi pa na uso ang teknolohiya ng magkawalay kami kaya naman wala kaming komunikasyon sa isat isa. Mahirap ang buhay dito sa ibang bansa pero sulit ang paghihirap kapag natatanggap mo na ang sweldo mo, na mimiss ko na sya sana naman pagbalik ko hinihintay parin nya ang aking pagbalik.
Two years ago
Mahalko ang saya saya ko ngayon sa wakas graduate na tayo!
Niyakap nya ako, bakas sa mukha nya ang kasiyahan sino ba naman ang hindi magsasaya kong limang taon na kayong magkarelasyon at kasal nalang ang kulang, inaasam nya talaga ang araw na ito ang araw na maari na nyang mahinge ang aking mga kamay sa aking mga magulang.
Kahit nuon pa man pinaplano na namin ang mga mangyayare samin sa hinaharap nais namin magkaron ng pitong anak basta kaya naming buhayin pareho pero bago yon dapat nakabili na kami ng bahay at lupa bago mag pakasal. Nais namin ng simpleng buhay nais namin maging isang mabuting mga magulang at habang tinatahak namin ang daan ng aming pangarap, may mga bagay talaga na bigla nalang susubok sa inyong pagmamahalan.
Nagkasakit si Nanay breast cancer stage 2, hindi namin alam kong san nanggaling ang sakit nyang yon lahat kami ng lumo hindi namin alam kong san kami kukuha ng pera pang pagamot sa kanya, ako ang bunso at wala pang pamilya samin kaya naman sakin lang din sila umaasa may kanya kanya ng pamilya ang mga kapatid ko kaya ako ang humanap ng mga taong pwedeng mapag utangan.Tumulong din si mahal at ang iba kong mga kapatid pero hindi parin sapat yon kaya wala akong nagawa kundi umutang sa mga kaibigan ko, ka kilala at kong saan saan pa.
Salamat naman sa Diyos at naging sapat din ang pera kaya naman inuperahan agad si Nanay, successful ang opersyon pero nag iwan naman ito ng maraming utang sa amin. Pagka graduate ko nag hanap agad ako ng trabaho, palibhasa cumlaude ako kaya nakapasa agad ako sa isang kompanya bilang isang secretary, lahat na ng klaseng pag babadjet ginawa ko na para magkasya ang pang gastos sa araw araw, maintenance ni Nanay pamasahe sa araw araw maging ang pa unti unting hulog ko sa mga inuutangan ko.
One time habang nag aabang ako ng masasakyan nakita ko ang isa kong kaklase nuon ng high school, nagkamustahan kami at nabalitaan kong english teacher sya japan at nanganga ilangan pa sila ng limang teacher sa agency nila 35 thousand a month daw ang sweldo,bigla akong napa isip sa mga sinabe nya pero may pumipigil sakin para mag desisyon kaya naman kinuha ko na lang ang number ng kaklase ko para kong sakali ay kokontakin ko na lang sya.
Kinabukasan kinwento kanila nanay at tatay ang tungkol sa kaklase ko kahapon at pumayag naman sila, para hindi na kami mabaon sa utang isa na lang ang kaylangan kong kausapin.
Pinuntahan ko sya sa bahay nila after ng duty ko, nagulat sya sa pagdating ko kinamusta nya ko, kinamusta nya rin ang lagay ni nanay masaya sya kase ilang araw nalang kukuha na sya ng board exam sa pagiging pulis nya at madami pa syang ikinwento sakin. Hanggang sa natanong na nya kong bakit ako pumunta sa kanila ng walang pasabe.
MAY SASABIHIN SANA AKO MAHALKO
Mahinahon kong sabi sa kanya, hinawakan ko ang mga kamay nya at tumingin sa mga mata nya, sana pumayag sya sa sasabihin ko.
PLANO KO SANANG MANGI BANG BANSA,NAGKITA KASI KAMI KAHAPON NG KAKLASE KO NONG HIGH SCHOOL. NA KWENTO NYA NA NAG JAPAN SYA LAST YEAR TEACHER SYA DON AT NGANGAILANGAN SILA NG LIMA PANG TEACHER. E GUSTO KO SANA MAGBAKA SAKALI, MALAKI DIN ANG SAHOD 35 THOUSAND A MONTH MALAKING TULONG DIN YON PANG BAYAD SA MGA UTANG KO NG MAGKASAKIT SI NANAY.
Habang nagsasalita ako nakikinig lang sya sakin, tumatango lang sya sa mga sinasabe ko pero mararamdaman mong ayaw nyang makinig pero pinipilit nya.
Habang tahimik kami, pinapakiramdaman ko sya malalim ang iniisip na pero hindi parin maalis yong pagkakahawak ng kamay namin sa bawat isa. Pagkatapos ng malalim na pag iisip nag buntong hininga sya saka nagsalita.
HINDI KO AKALAIN NA DARATING PALA TAYO SA GANITONG PUNTO, NA LALAYO KA NG MATAGAL.PERO ALAM KO NAMANG PARA TO SA PAMILYA MO AT NAIINTIDIHAN KO. MAHAL KASI KITA KAYA TATANGGAPIN KO BASTA IPAPANGAKO KO NA PAGBALIK MO MAGIGING BUHAY REYNA KA NA SA PILING KO.
Ngumiti ako sa mga sinabe nya kahit kaylan talaga hindi sya pumalya sa pagpaparamdam sakin na ako lang ang nag iisang babae sa paningin nya, niyakap ko sya sa sobrang tuwa at pagkatapos non ay hinaplos ko ang kanyang mukha ng may paglalambing, at unti unting lumalapit ang aming mga mukha sa isat isa saka ko naramdaman ang halik ng pag ibig mula sa kanya at sa akin.
Ilang linggo akong kumilos sa mga papeles ko para maka alis, nag resign narin ako sa company na pinag trabahuan ko at naiintindihan naman ng boss ko ang pag alis ko. Sa araw araw na pag alis ko palage kong kasama si mahal,sya ang kasama ko sa pag aasikaso ng lahat.
At ito na nga ang araw ng flight ko at ang araw din ng board exam nya, alam kong nagpa alaman na kami sa isat isa kahapon pero iba parin talaga yong makasama ko sya dito sa airport, pinagpray ko na lang na bigyan sya ni Lord ng knowledge at wisdom para masagutan nya ng maayos ang exam. Alam kong hindi sya makakahabol kaya naman nag iwan nalang ako ng sulat sa bag nya at habang umiiyak ay nagpa alam na ko kila nanay at tatay pa alis na kasi ang flight ko. At bago pa ko tuluyang makalagpas ng departure area may narinig akong sigaw mula sa kanya.
MAHAL KITA MAHALKO!
After 2 years sa wakas nandito narin ako sa pilipinas alam nila nanay na darating na ko, pero sabi ko wag na ko sunduin, pagkalabas ko ng airport ay agad akong nag para ng taxi,sinabe ko lang sa driver ang address at dahil sa pagod kaya nakatulog ako. Nagising lamang ako ng gisingin ako ng driver.
Nandito na ko sa gate ng bahay namin, hindi ko akalain na ang laki na ng pinagbago ng bahay namin, lumaki na sya at nagkaroon ng garden pagkapasok ko nakasarado ang mga ilaw pero may mga lamesa sa labas at parang nilagyan ng dikorasyon ang labas ng garden. Namangha ako ng bigla nalang bumukas ang ilaw at lumabas ang isang gwapong lalaki na may hawak ng gitara, ang laki ng pinagbago nya lumaki ang katawan nya at bakas sa mukha nya ang kasiyahang makita akong muli.
Balang araw
magugulat ka
magugulat ka haaa ahh
Akoy babalik...
aking MAHAL...
sanay di ma inip
Akoy babalik...
aking MAHAL...
sanay di ma inip
Akoy babalik...
aking MAHAL...!!!
sanay di ma inip
sa aking pagdating
yakapin mo ako ng mahigpit....
ng mahigpit....
ng mahigpit....
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko kaya naman tumakbo na ako papalapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit sa dalawang taon na lumipas kahit kaylan hindi sya nawala sa isip ko kahit kaylan hindi sya nawaglit sobrang na miss ko sya at pareho na kaming naiyak habang magkayakap, bigla na lang syang kumalas sa pagkakayakap ko at ngumiti sakin. Hindi ko inaasahan ang pagluhod nya sa harapan ko at may kinuha sa likod nya, isa itong pulang box at nagsalita sya.
MAHALKO GUSTO KONG MAKASAMA KA SA PAGTANDA, GUSTO MO BANG SAMAHAN AKO? WILL YOU MARRY ME?
Nagtititili ang mga kamag anak namin at mga kapatid ko kahit sila nanay at tatay parang kinikilig, mahal ko ang taong ito kaya chossy pa ba ko?
YES. GUSTO KITANG SAMAHAN HANGGANG SA PAGTANDA NATIN.
MAHAL KITA
MAS MAHAL NA MAHAL KITA.
The End