Act 2

149 29 8
                                    


Reid Stephen Lee ------------->





Reid's POV


Pagkabell na pagkabell lumabas agad ako ng room. Pupuntahan ko na si Lindsey. Sobrang saya ko kasi pumayag sya na ligawan ko sya, gagawin ko talaga ang lahat mapasagot lang sya. Nandito na ako sa pinto ng room nila, malapit lang naman sa room namin since Section B siya at Section A ako magkatabi lang ang room namin.

"Hi" bati ko sa kanya.

"Ahm. Reid ano kasi eh. Kay Luis muna ako sasabay mag Lunch. Okay lang ba? " salubong nya sakin.

Hindi manlang sya mag Hi or Hello?! Ganon agad? Dami namang nagkakagusto sa kanya. Madami tuloy akong karibal! Badtrip naman oh.

"Ah. Okay lang " ngumiti ako kahit labag sa loob ko.

"Thank you" lumabas na sya ng room nila kasama yung Luis nayon. Nakita ko pa ang pag ngisi nung Lokong yon. Akala nya ha! Gagawin ko lahat makuha lang si Lindsey.

"Reid!"  Tumalikod ako para makita kung sino ang tumawag sakin. Sila Klea pala. Lumapit ako sa kanila.

"Klea, pupunta na kayong cafeteria?" Tanong ko sa kanya.

"Ah yes." Mabilis nyang sagot

"Oh Tol, akala ko sabay kayo ni Lindsey?" Sabi ni Ace.

"Kay Luis muna daw sya sasabay." Walang buhay kong sagot. Ang labo namang kausap ni Lindsey eh, akala ko pa naman makakasabay ko syang kumain ngayon. Pasalamat sya gusto ko sya Haha.

"Labo naman non Tol. Samin ka na nga lang sumabay atleast kami loyal sayo." Pang aasar ni Derrick.

"Gago" Kahit kelan talaga tong lalaking to oh. Palibhasa ayos sila ni Klea. Tagal nadin nilang dalawa.

"Let's go na. Im hungry na oh." Sabi ni Klea

Bakit parang kulang kami? May absent ba sa Barkada namin ngayon? Tsk. Wala naman yata, gutom lang to.

Habang naglalakad tahimik kaming lahat. Ewan ko ba, parang may kulang talaga eh. Kapag magkakasama kami hindi kami natatahimik, hindi kami nauubusan ng topic. Pero ngayon halos lahat yata kami tinakbuhan ng dila namin eh. Daig pa namin pipi.

"Ano sayo Baby? Ako na oorder." Tanong ni Derrick kay Klea.

Nakakabakla talaga tong si Derrick eh. Baby? Ano girlfriend nya? Sanggol? Mahal na Mahal isa't isa. Tch.

"Half rice and chicken. Tapos yung drinks c2 and water." Sagot ni Klea

---

Tapos na kaming kumain, nagpapahinga nalang kami kasi medyo busog pa. Akala ko maglulunch sila Lindsey at Luis? Eh kahit anino nga nila hindi ko nakita dito sa loob ng cafeteria. Tch.

"Baby? Okay ka lang? Kanina ka pa hindi mapakali jan eh." tanong ni Derrick kay Klea. Oo nga kanina pa hindi mapakali to. Parang may hinahanap eh. Baka may ka-Affair to? Nako

"Eh kasi naman. Sabi ni Besty una na tayo, it means susunod sya dito right? Eh tignan mo oh, were done eating tapos wala padin sya!" Nag aalala ang tono ng boses nya.

Ng mag sink in sa utak ko ang sinabi ni Klea.Ayun! Kaya pala feeling ko kulang kami, wala pala si Yella. Bakit hindi ko napansin? Kaya pala tahimik kami kanina kasi wala sya. Pero nasan kaya yon? Ngayon lang siya hindi sumabay samin kumain. Busy kaya? Pero first day of class ngayon eh, Ano yon may ginagawa agad siya?

"Balik muna ako sa room, naiwan ko pala phone ko" paalam ko sa kanila.

Actually dala ko phone ko ginawa ko lang yung excuse para hanapin si Yella. Hindi pa sya naglulunch, anong oras na oh! Mag aala una na. Malilipasan sya ng gutom nyan eh.

Let's Act  (Wag Kang Mafa-Fall)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon