classroom (love story) (one shot)

38 0 0
                                    

Si Karla, 19 years old, 3rd year student Bachelor of Science in Architecture. Maganda yan, pangarap ng maraming lalaki sa school nila. Dahil sa pagmamahal nya sa tatay nya hanggang ngayon ay isang beses palang sya nagkakaboyfriend. Bata palang kasi sya nun nung namatay yung tatay nya, dahil dun nahirapan syang makisama sa ibang lalaki. Kakahiwalay lang rin nila ng boyfriend nya, magwa-one year na sana kaso nahuli nyang nambababae kasama yung mga barkada nito. Minahal nya yung ex nya o hanggang ngayon mahal nya pa rin nya ata kaso desidido na syang magmove-on na.

Naglalakad si Karla papunta sa school nya ng maramdaman nyang may sumusunod sa kanya, tumalikod sya, maraming tao yung naglalakad sa likod nya pero may napansin syang lalaking nakasuot ng pula na nakatingin sa kanya, nung magkatinginan sila ay dali dali naglakad palayo ang lalaki. Nakatalikod na yung lalaki ng maalala ni Karla ang muka ng lalaki, si Jake. Si Jake yung kababata nya sa probinsya nila, bestfriend nya dati nung bata pa sya at crush nya na rin yun nung bata pa lang sila. Hindi sya pwedeng magkamali, dahil kahit matagal na silang hindi nagkita at lumaki man si Jake ay halos ganun pa rin ang muka nito, sinubukan ni Karla habulin si Jake pero wala na syang makita kahit isa na nakasuot ng kulay pula.

Pumasok na sa klase si Karla sabik na ikwento sa kaklase nyang babae yung tungkol kay Jake.

"Tess, may kwekwento ako sayo" sabi ni Karla kay Tess.

"Ano na naman yun? Nakamove-on ka na kay James? Ilang beses mo na sinasabi yan, ilang beses ka na rin umiiyak" alam ni Karla na pabiro lang na sabi ni Tess yun pero may kirot pa rin sa puso nya pag naririnig nya yung pangalan ni James.

"Hindi yun, nakita ko si Jake kanina. Sinusundan nya ko kaso bigla naman syang nawala"

"Ano? Sinu yung Jake? Sinusundan mo sya tapos nawala? Ang gulo mo magkwento Karla" sabi ni Tess

"Si Jake, yung kababata ko. Nakita ko sya kanina sinusundan nya ko tapos nung nakita ko sya bigla naman sya naglakad palayo"

"Sigurado ka ba yan yung kababata mo Karla? Baka naman isa na naman yan ng epekto nung break up nyu?" tanong ni Tess sa kanya

"Hindi, sya talaga yun sigurado ako. Bata pa lang kami may crush ko na yun eh, nung nakita ko sya kanina gwapo pa rin. Close na close na kami kahit bata palang kami, kung nasan ako nun lagi sya nandun ganon kami kalapit sa isa't-isa"

"So anu yan? Parang yung sa mga movie ba? Ganon ba gusto mo iparating?"

"Eto, lagi mo ko kinokontra? Ako ba talaga ay gusto mo makamove-on?"

"Syempre gusto ko, pero kung gagamit ka ng ibang lalaki para makamove-on hindi ata maganda yan"

"Ano ka ba, syempre hindi naman ako ganun no. Baka pag nagkausap kami uli ni Jake mainlove ako kagad dun. Sana" sabi ni Karla, hindi sya sigurado sa sinabi nya pero gusto nya lang mawala na si James sa isipan nya. Biglang dumating na yung Prof. nila ay nagsimula na yung klase. Pagkatapos nung klase, ay dumeretso muna sa mall si Karla bago umuwi. Pumunta sya dun sa may food court, sakto may nakita syang lalaki na nakasuot ng pulang t-shirt, nasa may bandang gilid nakaupo mag-isa. Nung nilapitan nya ay tama nga hinala nya, si Jake. Nakatingin si Jake sa kanya habang nakangiti, nilapitan nya ito at umupo sa harap nya.

"Jake? Ikaw ba yan?" tanong ni Karla

"Hi Karla, hindi ka pa rin nagbabago, maganda pa rin. kamusta ka na?" nakangiti lang si Jake sa kanya habang nagsasalita. Kitang kita nya na ng malapitan ang muka nito, nagtataka si Karla dahil kahit malaki na at kahit tumanda na si Jake ay ganun pa rin ang muka nito sa pagkakaalala ni Karla nung bata pa sila.

"Ikaw ang kamusta jan! Ang tagal na nating hindi nagkikita ah, hindi ka man lang nagparamdam" may pananabik sa tono ni Karla nung sinabi nya ito

Tumawa lng si Jake "Anong ako? Sinu ba yung nang-iwan at pumunta ng maynila? Naisip mo man lang ba ako kahit isang beses nung pumunta ka ng maynila?" hindi man lang malungkot yung muka ni Jake nung sinabi nya ito. Biglang napatigil si Karla, halatang guilty. Nagtaka sya kanyang sarili dahil totoo yung sinabi ni Jake, ni hindi man lang nya naisip si Jake kahit isang beses magmula nung dumating sya sa maynila, ni hindi nya rin alam kung bakit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

classroom (love story) (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon