Dogtag: True to Life Story of a Bromance

323 1 0
                                    

Ako po Si Bernard Asuncion, ako po'y Banquet Waiter sa isa pong Hotel. Isa lang po ang minimithi ko sa Buhay na Magkaroon ng Magandang kalagayan ang Pamilya ko, pati magkaroon ng Isang Pamilya na pinapangarap ng Bawat lalaki sa Mundo. Graduate po ako ng Culinary Arts sa The Philippine Women's University, na halos hindi ko ipagmalaki sa lahat, dahil sa kagustuhan kong maging Front of the House. Nais kong Ikuwento sa iyo bahagi ng Kasaysayan sa aking Buhay, ang Pagkatao ko at ang pagahahangad ko ng isang simpleng Buhay.

Nung nag-apply ako as a Waiter sa samu't saring Restaurant, lahat ay halos bigo. Hindi ako natatanggap dahil ako'y kulang sa Experience, hindi sapat ang Kaalaman ko sa Pagiging waiter o di kaya dahil sa Malaki kong Pigura. Aaminin ko pinipilit ko lang na maging waiter dahil gusto kong sundan ang Yapak ng Idolo ko na isang Bisor noong OJT pa ako, at gayun din maipagmalaki din niya ako naging Anak-anakan niya ako, dahil Tatay ang tawag ko sa kanya. Hindi ako Tumigil, sa mga Pagpapanata sa Ama araw-araw laman lagi ng mga Personal kong Panalangin ay matanggap ako. Dahil na rin sa lakas ng aking Pananampalataya nanatili akong Positibo at Malakas ang Loob na matatanggap ako. Salamat dahil ako'y Iglesia ni Cristo. Makalalipas na Apat na buwan nagmessage ang Kaklase kong Kapatid sa Iglesia ni Cristo na mag-apply ako sa Isang Agency, lalo kong nabatid ang Pag-asang makakatrabaho ako. Natanggap ako sa isang naturang Agency kumukuha sila bg Tauhan para sa Mga Hotels. Una kong sabak sa Interview ay hindi ko napasa, pero sa Pangalawang Subok nagmistulang Hulog ng Langit dahil nakapasa ako sa EDSA Shangri-La bilang waiter pa din, makalipas ng Dalawang linggo sa inakala ko na matatanggap na ako, para akong sinabuyan ng Langit at Lupa, hindi naipasa ang aking Training. Kumakapit pa din ako sa Ama at Patuloy pa ding naglilingkod, kumpleto pa din ang aking mga Pagsamba, at mga Pagpapanata sa Kapilya. Dumating pa nga sa Punto na sinisisi ng aking Ina ang pagpapalit ko ng Relihiyon kaya hindi Natatanggap, at magbalik loob ako bilang isang Katoliko. Isa po akong Convert sa Iglesia ni Cristo, hindi na mahalaga pa kung bakit dahil nararamdaman ko na doon ako Pinalalakas ng Ama sa mga Lakad ng Buhay.

Sa Ikatlong pagkakataon, kumuha ako ng Exam para sa Makati Shangri-la at waiter pa din ang Inaaplyan ko doon, nakapasa sa Mga Exams, Interviews makalipas ng Tatlong Araw sa Wakas Naipasa ko ang AkingTraining at nakabuo ng bagong samahan, na kasabay ko ang mga 3 kumpare sa trabaho. Alam ko On-call lang ang magiging takbo ng trabaho ko dun sa Hotel, pinipilit kong Magsunog ng Kilay dahil pursigido ako na maregular balang araw sa Makati Shangri-La. Sa una waiter po ako, opo waiter ako, pero sobra naman ang Bilang ng mga waiter at Nalagay ako bilang Set-up team. Nakakapanlumo ang aking sitwasyon dahil malayo ito sa tinapos kong HRM, hindi ko kaya ang trabaho ng isang set-up team, at nakakapangwala ng Tiwala sa sarili na nalagay ako dun at Alam kong Tapos ako hg Pag-aaral, hindi ko talaga alam kug Bakit ako nalagay bilang Set-up team, may nagawa ba akong hindi bang kaayaya, o kaya hindi naman kailangan lang Tauhan. Pero isinapuso ko ang sabi ng Boss ko kaya ako'y nalagay diyan para May marating ako, hindi pa din makuha ang kaniyang punto, nagulat ako at naninibugho pa din. Pero sa isang Iglap, sa kabila ng pag-aadjust ko at hirap sa pakikisama, Doon ko po Nakilala si Kuya Raymond, isa ding kaanib sa Iglesia ni Cristo.

Si Kuya Raymond ay Iba sa lahat ng aking kasama, mula nang malaman niya na INC din ako hindi niya ako Tinatawag sa Apelyido ko which is standard, sa Banquet Department. Ang dami kong Tanong kay Kuya Raymond, bakit merong nalalagay sa Set-up team, sabi niya Dahil paborito ito ng mga Boss. Dun ko naramdaman na may Pag-asa pa ako, nagkaroon ako muli ng Tiwala sa Sarili, simula ng Makilala ko si Kuya Raymond kami ang hindi inaasahang magkakasundo at siya lang ang magiging matalik kong Kaibigan sa trabaho. Sa isang iglap nakita ako ng Boss ko, may ginagawa ako at Kinausap niya ako. Pinagusapan namin yung talagang bakit ako nasa Set-up team sa halip na Waiter, yun pala ipinakita niya ang Narating niya sa buhay, hindi siya nakatapos ng Pag-aaral at Nag simula siya sa Shangrila bilang isang Set-up team. Lalo akong nagkaroon ng kumpiyansa, inisip ko mararating ko ang katulad ng kay Boss. Naikuwento ko yun kay Kuya Raymond, ganun din ang kuwento sa kanya ni Boss. Napagtanto namin na isa pala siyang dating INC, kaya pala malapit sa amin si Boss. Iniisip ko hindi na mahalaga ang sweldo kundi yung mga nararating ko sa Buhay. Dumarating sa oras na kulang naman ang mga waiters, hay salamat nakaranas din ako ng pagiging Waiter. Forecast ako ng Forecast kahit wala akong Pasok, ipinapakita ko sa lahat na gusto ko ding maging waiter same time as set-up team. Kapag nagkakasama kami ni Kuya Raymond magaan ang Loob namin sa bawat isa dahil alam ko Kapatid ko siya sa Pananampalataya. May dumadating mga pagsubok sa akin na lagi akong Nalalait, nakukutya at pati na rin namumura ng kapwamkong casual na matagal, lalo na ang mga Kapitan sa Banquet.. Laging andiyan si Kuya Raymond na nagpapalakas ng aking Loob na Pagpasensyahan ko sila, talagang itinuturo niya ang Tama itinuturo niya sa akin ang tamang pagiging INC sa Kilos at sa Puso. Likas akong Maramdamin, bugnutin at humina ang Loob pero sa Awa ng Ama nalalampasan ko iyon. Malaking biyaya na Nakilala ko si Kuya Raymond, hindi ko nababatid na siya ay magiging mahalaga sa Kasaysayan ng aking buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dogtag: True to Life Story of a BromanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon