McSpicy (One Shot Love Story)

343 10 3
                                    

McSpicy

HOT ng Kinakain ko!

HOT pa ng Panahon ngayon!

HOT pa ang mga Boys sa Likod ko!

pero ang sobrang nagpa HOT sakin..

Alam mo kung Ano? 

Etong Lalaking Sumira ng Araw ko!

pina HOT nya ang DUGO ko!!

 Grrr! Rrrr! Errr!

dahil kay McDonalds.. BAKIT NGA BA???

------------------------------------------------------

 Jenny's POV 

Eto at bihis na bihis na ako. Naghahanda para sa isang Napaka - Importanteng bagay na dapat puntahan ko.

Talagang pag hahandaan ko to dahil bawat unang labas ay inaabangan ko.

"Magandang Umaga Mommy at Daddy. Happy Fathers Day Dadski!" Bati ko sa Parents ko. Oo nga. Tama kayo. Father's Day kasi ngayon eh!

Eto na nga at talagang gumanda ang umaga ko. Bakit?

Ngayon araw na ito Matitikman ko na rin ang McSpicy na pinagmamalaki niMcDonalds Hot kaya?

Fathers day ngayon at ang unang 100 people ang pumasok sa McDo at bumili ng McSpicy ay makakapagCelebrate ng Fathers Day! (Shh! Totoo yaaan! :DD)

Yun na nga ang surprise ko kay Dadski kaya excited na ako. First time ko din mailalabas ang pamilya ko at treat ko na walang kabayad bayad. 

Oops! Kailangan ko nang umalis! Babush!

"Momski! Dadski! Alis na po ako! May Importante pa akong Pupuntahan!"  sabi ko sa Parents ko. 

"Ohh? Ingat Jenny!" Paalala sakin ng Momski ko.

"Uwi ka ng Maaga ha!" Paalala rin ng Dadski ko. 

Mabilis pa kay Flash akong Tumakbo at nagmistulang Echo nalang ang sinabi ni Dadski at Momski sakin. 

Kelangan kong magmadali baka hindi ako makahabol sa McSpicy na un. Sayang din naman ang premyo eh. 

"Manong Para!" sigaw ko sa Magta-Tricycle.

*Vroooom*Vroooom*

Tumigil ang Tricycle, atsaka pumasok narin ako kaagad. 

ARRRRRGH! TRAFFIC! Bakit kaba sumasabay sa Lakad ko! Ha? TRAFFIC!?

20 Minutes na ang Lumipas.

"Manong Malayo pa po ba tayo sa Mall?" tanong ko.

"Naku 'Neng. Malayo pa pero try ko sumingit baka may naghihintay sayo eh," sagot naman ni manong.

"Salamat Manong!" pagpapasalamat ko.

After 10 Minutes na paghihintay. Andito na ako sa mall. Nasa harap ko na ang malaking billboard ng McSpicy. Nawala bigla ang pagkainit ng ulo ko sa sobrang saya.. dahil narating ko na ang pinakaiintay ko! Omg! :DD

Pumasok na nga ako sa mall.Tthen check first ang bag. Kapa kapa sa bewang, then lakad ulit..

Dali dali na akong pumasok sa McDo at pumila rin agad. Kaso napakahaba ng pila dito..

McSpicy (One Shot Love Story)Where stories live. Discover now