Nandito na naman ako. Nandito na naman ako sa lugar kung saan ko siya madalas nakikita, napagmamasdan. Hindi ko naman talaga ugaling kumain dito sa canteen na ito, pero simula ng nakita ko siya dito, lagi na lang akong nagmamakaawa sa mga kaibigan ko na dito na lang kami kumain pag lunch. Alam ko kung saan siya madalas umuupo, alam ko kung anong oras siya pumupunta sa canteen at alam ko kung saan siya lagi tumatambay pag vacant time niya kasama ang kanyang mga kaibigan. Kahit hindi niya ako kilala, kilalang kilala ko siya.
Kapag nagkaroon ka talaga ng crush sa isang tao, gagawin mo ang lahat makilala lang siya. Naalala ko pa noong una ko siyang nakita dito sa canteen. Umo-order siya noon ng kanyang lunch. Nang makita ko siya, may kakaiba kaagad akong feeling na naramdaman sa kanya, crush ko siya, ang ganda kasi ehh. Alam kong sa mga simpleng sulyap ko sa kanya ay hindi niya ako napapansin. Kahit gutom na ako noong mga panahong iyon, tinititigan ko pa lang siya ay busog na ako sa kagandahan niya.
Doon siya umupo sa gawing dulo ng canteen kasama ang mga kaklase niya. Ako naman, sinadya kong umupo sa lugar kung saan ko siya makikita, matatanaw o masusulyapan ng patago. Habang kumakain ako may iba pa akong ginagawang agenda, sulyap ako ng sulyap sa kanya. Pinagmamasdan ko ang bawat kilos at galaw niya, kung papaano siya kumain, kung papaano siya tumawa sa biruan nila ng mga kasama niya, pero sobrang turn on talaga ako sa kanya, crush ko na siya.
Ilang saglit pa ay mukhang napansin na rin niya ang pasulyap sulyap ko, tinignan niya ako ngunit ako naman patay malisya. Kungwari hindi ako interested sa kanya pero ang totoo sobrang interesado ako sa kanya. Tapos na silang kumain at umalis na sila ng mga kasama niya dahil mukhang may klase pa. Nanghihinayang ako dahil hindi ko man lang siya naga wang makilala. Torpe kasi ako eh, kaya hanggang ngayon hindi pa ako nagkakagirlfriend ay dahil sa ugali kong ito. Haisst.
Sa mga sumunod na araw ay lagi ko ulet siyang inaabangan sa canteen na iyon at hindi naman ako nabibigo. Minsan kapag sinusulyapan ko siya, nagkakatinginan ang aming mga mata. Hindi naman ako makatitig ng matagal sa kanya da hil pag ginawa ko iyon, tiyak na malulusaw ako sa kilig. Pero isa lang ang masasabi ko, sa mga titig niyang iyon, nababasa ko sa kanyang mga mata na interesado rin siya sa akin, na gusto niya rin ako, kaso natatakot ako na baka mali ang kutob ko.
Kahit mukha na kong tanga sa lubos na paghanga sa kanya, hindi ko talaga magawang pigilan na kiligan sa tuwing nakikita ko ang taong nagpapasaya ng bawat araw sa buhay ko.
Isang araw, lubos akong nabigla ng nakita ko na isa sa mga friend requests ko sa facebook ay ang crush ko. Shemss… Isa na yata ito sa pinakanakakakilig na araw sa buhay ko. Hindi ko malaman ang gagawin ko noong mga oras na iyon. Inadd ako ng crush ko at hindi ako makapaniwala.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, dali dali kong innaccept ang friend request niya. Sino ba ako para iignore siya? Kanin na ang lumalapit sa manok, palalampasin ko ba ang pagkakataong ito? Siyempre hindi!
Nang inaccept ko na siya, tinignan ko kaagad sa chat box kung online ba siya at online nga siya. I-chachat ko na sana siya at sasabihing thanks for the add ngunit ng gagawin ko na iyon ay offline na siya. Haisst…
Hinintay ko ulit siyang mag-online, pero dalawang oras na akong nakababad sa facebook kahihintay na mag-online siya ay wala pa ring nangyayari. Kung kailan pa kami naputulan ng internet connection ay saka pa nangyayari ang mga bagay na ito. Pabalik balik tuloy ako sa computer shop, naghihintay na mag online siya, ngunit lumipas na ang sabado at lingo, hindi pa rin talaga nag-oonline si crush. Nakarating na nga ako hanggang December 2009 sa facebook wall niya sa sobrang pag-sstalk sa kanya eh.