"AWWW!" Ako
Natigil ang practice namin nang bigla akong sumigaw sa sakit.
"Best!" Jennifer, Hyacinth, Queenie, at Nicole
"Becca!" Kaclub ko
Umupo ako sa sahig at hinimas-himas ang paa ko.
"Okay ka lang best?" Hyacinth
Nilapitan nila ako.
"Ang sakit ng paa ko. Mali kasi ang naapak kong paa kaya agad kong binago pero na out of balance ako at mali ang pagkakabagsak ko." Ako
"Dalhin natin siya sa clinic." Ella
"Kami na lang ang maghahatid Ella. Ipagpatuloy niyo na lang ang practice." Jennifer
"Okay. Balitaan niyo kami." Ella
"Kaya mo bang tumayo?" Queenie
Sinubukan ko namang tumayo pero hindi ko kaya kasi masakit talaga ang paa ko.
"Alalayan ka namin best." Nicole
Nung pinatayo na nila ako.
"Anong nangyari?"
Pagtingin namin sa pinto, nasa labas si Alex.
Pumasok siya sa room."Dadalhin namin sa clinic si Becca. Masakit daw ang paa niya." Jennifer
"HAH? Samahan ko na kayo." Alex
Binuhat niya ako na parang prinsesa.
"Oi! Ibaba mo ako." Ako
"Wag ka nang umangal best. Di mo kayang maglakad." Queenie
"Piggy back na lang." Ako
"Wag ng maarte." Nicole
Di na ako nakaangal dahil sa mga kaibigan kong palihim na kinikilig sa ginawa ni Alex sa akin.
Bakit ba kasi andito si Alex?
Paglabas ng room, pinagtitinginan kami ng mga estudyante.
Eto kasing si Alex eh.
Tiningnan ko si Alex. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Oi! Ang OA mo kung mag-alala jan. Para naman akong mamamatay sa nangyari sa akin." Ako
Imbis na sagutin niya ako, tinignan lang niya ako at tumingin ulit sa daan at binilisan ang paglalakad.
Nakita ko sina Kim, Ricco, at TJ.
"Anong nangyari?" Kim
"Masakit daw ang paa ni Becca kaya dadalhin namin siya sa clinic." Queenie
Sumama naman silang tatlo sa amin.
Bakit ang daming sumama? Pwede namang isa lang ang maghahatid sa akin.
Sa clinic.
"Doc!" Alex
"Okay. Ipaupo mo siya jan." Doctor
Inupo naman ako ni Alex sa kama.
"Sa labas na muna kayo maghintay." Doctor
Lumabas naman ang mga kaibigan ko.
"Anong nangyari?" Doc
"Sa pagsasayaw ko po, namali ata ang pag-apak ko sa sahig at natumba ako." Ako
Tinignan niya ang paa ko.
"Masama to." Doctor
"Bakit po?" Ako
BINABASA MO ANG
He's Mine. She's Mine.
أدب المراهقينSundan ang story ng mga magbabarkadang sina Rebecca, Queenie, Hyacinth, Jennifer, Nicole, Charilou, at Emerald kasama ang pitong nagagwapuhan na mga lalaki na sina Tristan, Kim, Christopher, Alex, Oliver, Jack, at Ricco.