Wala Nga Bang Forever?

155 8 9
                                    

Author's Note: Maraming salamat sa lahat ng nagbasa, tumangkilik, sumuporta, bumoto at nagkomento sa Ang Captain Kong OC. Upang ipabatid ang aking taos pusong pasasalamat, naisipan kong gumawa ng sequel.

Belated Merry Christmas and Happy New Year!

**

"Ackerman, ano lagay?"

Taas kilay na nilingon ni Mikasa ang kanilang kapitan nang marinig ang tanong nito.

"Ayos naman. Walang nagbabadyang panganib sa paligid." tugon niya, pilit itinatago ang pagkaboring sa pagbabantay.

Gusto niyang itanong kung ano ang ginagawa ni Eren. Kung kumain na ba ito o minaltrato nanaman ng kapitan ngunit isinantabi na lang niya ang usaping iyon. Gusto din sana niyang irequest na samahan siya ni Eren sa pagbabantay upang hindi naman niya maramdamang nag-iisa lang siya, walang kasama sa gitna ng dilim at patuloy na umaasa sa wala. Sa dami ng drama at mga hugot na tumatakbo na isipan niya, hindi niya nakalimutang seryosong tao ang kaharap niya kaya hindi na lang siya nagsalita pa matapos niyang sagutin ang tanong nito.

Malamig ang simoy ng hangin at kasalukuyan silang nasa misyon na ipinag-utos ng komander. Kahapon lang ay masarap pa ang tulog niya sa kastilyong headquarters ng Recon Corps. Samantalang ngayon ay halos mangatog ang mga tuhod niya sa ginaw sa labas ng luma at abandunadong kwadra ng kabayo sa labas ng sagradong pader ni Rosa (Wall Rose). Saglit na katahimikan ang pumailanlang sa madilim na kapaligiran, sa kabila ng mga sanga ng matataas na puno ay mararamdaman ang lungkot at lamig na nanunuot hanggang buto. Hindi nakakapagtakang walang nabubuhay doon. Kung hindi titan ang dahilan ng pagkamatay ng anumang buhay na nilalang sa labas ng pader, malamang ay dahil ito sa lamig at gutom. Liban na lang kung kasing diskarte ni Ilse Langnar na best runner of the year noong 38th expedition outside the walls. Mabuti na lang at pinagpilitan ni Sasha na tangayin nila ang isang sakong patatas mula sa kusina, hindi sila magugutom. Kahit ba puro carbohydrates ang patatas, good source of vitamin B complex din ito. Samantalang ipinush naman ni Levi na dalhin ang mga nalabing kahon ng black tea. Mataas ito sa caffeine at hindi kaya ng kanilang budget ang kapeng barako kaya nagtitiis na lang sila sa tsaa.

"Baka inaantok ka na." walang tonong wika ni Levi. Siya lang naman kasi ang may insomnia sa kanilang mga nandoon.

Hindi lubos na makita ni Mikasa ang muka nito kaya kailangan pa niyang tumitig bago maaninag na walang ekspresyong nananalaytay kahit sa mga kilay man lang ng kapitan. Walang kafeelings feelings, parang bato.

"Magtsaa ka muna." dugtong pa nito.

Nagulat siya sa sinabi ni Levi. Narinig niya ang tunog ng tasang inilapag sa may patag na bato sa kanyang tabi.

'Concern? Kakaiba 'to.' aniya sa sarili at hinarap ito. "Levi Heichou..." kalmado niyang sinabi.

"Hm?" tanong ng kapitan.

"Alam mo yung tinatawag na Pasko?"

Napakunot ang noo ni Levi. Anong kalokohan nanaman ba ang tinatanong ng batang iyon? May kaugnayan ba ang misyon sa Pasko? O kaya ay ang tsaa? Kahit minsan puro kalokohan lang ang tinatanong nito sa kanya tulad ng OCD, hindi niya ito magawang pagsalitaan ng hindi maganda. Pakiramdam niya kasi ay kamag-anak niya si Mikasa, nararamdaman niya ang lukso ng dugo, kaya kahit paano ay nagmamabait siya rito. Kaunti na lang ang mga Ackerman sa mundo kaya kailangan niya itong i-friendship kahit alam niyang bitter ito sa kanya dahil sa pag-aalipusta niya kay Eren noon sa tribunal. Ganoon siguro talaga ang mga Ackerman, matagal maka-move on pero magaling magdala ng nararamdaman kahit nasasaktan na. Idinadaan na lang sa displacement, isang uri ng defense mechanism.

"Oo. Pero wala na tayong panahon para magdaos ng pagdiriwang."

Napatango si Mikasa. "Kaya pala." kumbinsido niyang sabi.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Wala Nga Bang Forever? (Levi- Attack on Titan Fanfiction) 🎉
Wala Nga Bang Forever? (Levi- Attack on Titan Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon