Second Chances [ONE SHOT]

515 17 5
                                    

SECOND CHANCES

 

“Promise, hinding – hindi ko sasayangin ang second chance na ‘to, Maria.” Sabay patay sa tv, walang kwenta yung pinagsasasabi nung bida eh.

“Alam mo ikaw, ang bitterella mo talaga, andun na eh, magkakasundo na sina Maria at Pedro tapos papatayin mo. Parang ikaw lang ang nanonood.” Himutok ng bestfriend kong adik na adik sa teleseryeng kinauumayan ko naman.

“Pwede ba, di naman talaga ako nanonood saka isa pa, walang sense yung sinasabi niya. Hindi sasayangin? Not all do, because some thinks that they can always have another, and another, and another, and another. Or maybe, they just don’t care at all because they finally realized that they never really need that second chance kaya willing silang itapon na lang ulit yung pinulot nila. Not everything that happens, happen according to your plan or how you picture it.” Litanya ko.

“If this is about him again, suko na ako. Sa lahat na lang ng mangyayari, mapanood mo man o marinig, lagi ka na lang makakahanap ng koneksiyon para tumbukin siya. Hindi na ako magtataka kung minu – minutong nabibilaukan yang walanghiya mong ex eh.” OA lang talaga kung makakomento. Pero kung mabibilaukan nga siya at tuluyang malalagutan ng hininga, ay bakit hindi? Yung hinayupak na yun. Oo,tama naman ang best friend ko ng sabihin niyang bitterella ako, pero may basehan naman no. Hindi pa ako naloloka na maging kapeng batangas ng dahil lang sa wala.

“Dapat lang yun sa kanya no. Kulang pa nga yun eh, dapat nadadapa, natatalisod, at nauuntog din siya. Haha.”

“Hay naku, naloka  na naman. Punta ko 7-11, may papabili ka?”

“Bee---“

“Maliban sa beer. Wala ako sa mood uminom, para ka namang sira kung mag-isa ka na naman.” Pangunguna niya sa sasabihin ko sana.

“Beef mami, Ria, beef mami, kala mo palaging beer basta may ‘B’ sa simula ang word na babanggitin ko.” Makalusot lang, baka tuluyan na talaga akong ipatapon sa mental niyan pag ipinilit ko pa ang beer.

“Oks. Sige, magnilay – nilay ka muna tungkol sa second chance mo, bibili lang ako. Nilay-nilay lang ha, bawal ang laslas, bigti, o kahit anong patiwakal mode. Oks?”

“Sige na, sige na, nakakasuya yang ngisi mo, layas na.” ang daming alam eh, sarap imurder mode.

Bitterella? Siguro, ah hindi, oo, sigurado, bitter ako. Natural lang siguro yun pag nasaktan ka. Apat na buwan na daw sabi ni Ria pero mukha pa rin akong pinagsakluban ng langit at lupa. Bakit hindi? Nadouble whammy eh, buti sana kung minsanan. Saka apat na buwan pa lang naman, yung iba nga taon na, pero hindi pa nakakamove-on at kung makadasal ng lahat ng aksidente para sa ex nila, wagas.

Four months. Four months pa lang. Anong laban ng four months sa four years naming dalawa ng siraulo kong ex? Wala pa, malayo pa ang agwat, pareho lang ng number pero hindi ng duration. Hindi ko pa kayang idiretso ang utak ko at tanggapin na wala na talaga. Don’t get me wrong ha, hindi ko hihintayin magfour years at bumalanse bago ako magmove on at wala din akong balak na makipagbalikan pa. Hindi ko hihintayin dahil hindi ako ganun katanga, tama na yung katangahan ko nung kami pa, hindi ko pa lang talaga kaya. Parang may mali pa sa sistema ko na kung hindi ko aayusin at kukumpunihin, mas lalong masisira ang buong makinarya. Wala akong balak makipagbalikan kasi alam kong tapos na, wala ng babalikan at wala ng dudugtungan. Wala akong balak makipagbalikan kasi alam ko na din na hindi siya para sa akin. Hindi siya para sa akin dahil hindi ako para sa kanya.

Second Chances [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon