River Ehren Cruzveda's POV
Two weeks... two weeks na kong naguguluhan. Sh*t lang. Two weeks na kong di pinapansin ng kahit na sino sa magpipinsan.
"Anong mukha yan at nakabusangot ka?" tinignan ko naman si Miko na kakarating lang.
"Late kayo." sabi ko kaya nagkatinginan sila.
"Yun ba talaga o baka naman may nanimiss ka lang." sabi ni Neo kaya sinamaan ko lang siya ng tinggin. I know what they are trying to say.
"Kakakita lang namin ng girlfriend ko kanina." sabi ko sa kanila kaya sila naman ang tumingin sa akin ng masama.
"At talagang pinangatawanan mo ang pagiging boyfriend kay Zhyra ah." sabi naman ni Blaze. Tsk... Oo girlfriend ko si Zhyra. Hindi ko siya niligawan pero kasi nung iniwan niya ko, hindi naman talaga kami nag break so technically kami pa din.
"Hindi naman kami naghiwalay." sagot ko tsaka tumayo at kinuha yung gitara ko. Sinimulan ko na tong itono at pagakatapos ng Camping namin, music festival na.
"Ikaw ba ginayuma ni Zhyra o talagang tanga ka lang?" tanong ni Neo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang problema nila kay Zhyra?
"Hindi yan ginayuma. Tanga talaga siya... naniniwala kasi siya sa concept ng first love never die." sabi ni Miko habang kumakain ng chichiria.
"So If I believe?" tanong ko sa kanila. Wala din naman akong magagawa, hindi ko malapitan si Yuwi. And Zhyra loves me...
"How about the concept of True Love?" tanong naman ni Blaze. Bakit ba napunta dun yung topic?
"Tsss... Bilisan niyo na nga baka umalis na yung bus." sabi ko tsaka nilapag yung gitara ko at nagligpit ng gamit. May four days camping kami para sa foundation week ng school tapos sa fifth day yung music festival.
"Mahihiwalay ka na naman samin ng bus River, text text na lang." sabi ni Neo kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tsss... Dalian niyo na." sabi ko tsaka kinuha yung mga gamit ko. Sabay sabay na kaming nagsilabas ng music room tsaka naglakad papuntang field kung nasaan yung mga bus.
"River wag kang papagutom ah. Taas mo yung kamay mo pag nasiCR ka tapos naku wag kang uutot sa bus papaluin kita." natatawang sabi ni Miko kaya hinampas ko sa kanya yung bitbit kong bag. Ako na naman pinagtitripan ng mga to.
"HB neto. Highblood yun ah baka mamaya sabihin mo din Happy Birthday. Tsss... Namiss ko tuloy si Winter." sabi ni Miko kaya napatingin kaming tatlo sa kanya ng makahulugan. So Miko and Winter huh? I wonder how she talks with her, winter is literally cold to people.

BINABASA MO ANG
My Doll like Guardian
Science FictionRiver Ehren Crusveda is the only heir of Crusveda Coorporation. A successful institution which is considered as the biggest coorporation in Asia. For that reason, he always received death threats from different people and assassins. His Mother, Reev...