Pero ayos lang yun...

26 1 0
                                    

Dati hindi kita kilala, hindi nga ako interesado sayo.
Ewan ko anong nangyare bakit ganito....

Dati hindi naman tayo friends sa Facebook, pero noong in-accept mo ko kinilig ako ng bongga. Noong una finollow kita sa twitter hindi mo ko finollowback, pero dahil makulit ako in-unfollow kita tapos finollow ulit, ayun finollow back mo ko...

Sobrang saya ko kasi kahit sa ganyan lang mapansin mo ko.

Crush kita, pero alam ko normal lang naman sakin yun. Hanggang sa ikaw na yung bukambibig ko, hanggang pag tulog ko ikaw na iniisip ko....

Dahil pinsan mo isa sa best friends ko medyo naging malapit din ako, katulad ng nakasama ka sa group chat namin. Ang saya kasi tinawag mo ko sa totoong pangalan ko.. Kahit na sa iba insulto sakin yun.

Ginawa kitang inspirasyon ko magpa-hanggang ngayon. Hindi ako nag eexpect ng kahit ano pa man sayo, basta masaya na ako kung ano man nangyayari sakin ngayon....

Tapos unang beses mo kong chinat kasi nagtatanong ka ng notes, ewan ko kinilig ako na may halong dissapointment, pero naisip ko na sa oras ng pangangailangan mo e naisip mo ko. Binigay ko yung kailangan mo, and todo pasalamat ka. Mabait ka naman, kaso sobrang misteryoso mo talaga.... Wala akong makita mo na friends mo sa school, kasi alam naman namin na transfery ka.
Nag-iisip pa nga kami ng dahilan ng friends ko bakit lumipat ka, ang ganda kaya ng university na pinanggalingan mo.

Magdedebut na ako, gusto sana kitang inbitahan kaso hindi pa naman tayo ganon ka close, kaya binibiro biro lang kita, kaso parang ayaw mo naman kaya ayaw naman kitang pilitin... Pero ayos na yun kasi kahit man lang sa ganon nakausap kita. Sobrang saya ko kapag nakakausap kita. Ewan ko ba. Hindi naman nangyare sakin dati sa ex ko yung ganitong feeling, pero sayo iba.... Masyado ka atang nakakaadik.. Pero ito iba kasi hindi naman ako nasasaktan kasi alam kong wala, masaya lang talaga ako...

Onga pala, palagi kaming nagkakakitaan sa simbahan kasi iisang barangay lang kami. Tuwing hapon nagsisimba sila ng family niya, ako naman magisa lang. Palagi kami nagkakakitaan sa mata, pero parang nagkakahiyaan kami... Bakit kaya?
Hindi ko alam pero tuwing magkakakitaan kami, sobrang kinakabahan ako, tapos dagdagan mo pa na nasa likod ko siya. Nakakahiya... Pero alam niyo gustong gusto ko naman siyang pansinin e, kaso siya talaga tong nahihiya kasi umiiwas siya ng tingin, minsan hindi talaga siya titingin. Pero ayos lang yun, kasi nakita ko nanaman siya.

Palagi kaming magkachat, pinaguusapan lang namin is about studies... Pero dahil makapal mukha mo iniiba ko yung topic, madaldal siya infairnes, ang dami niya ding nasasabi. Masarap siyang kausap. Sa pamamagitan nun mas nakilala ko siya..

Tinanong ko siya kung masaya ba siya sa buhay, ang sagot niya "hindi haha", nalungkot ako bigla. Hindi pala siya masaya. Pero ang ginawa ko pinasaya ko siya, kahit man lang sa mga banat ko sakanya mapangiti ko siya... Pero mukhang mas ako itong napasaya niya, ang saya ko kasi sobrang lalim na ng conversation namin. Nakakaexcite na hanggang napunta kami sa pamilya niya, at sa babaeng huli niya nagustuhan.......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just my confessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon