1 week later......
Pat at Aly salamat nga pala sa pagpapatuloy nyo sakin dito ha?kahit di nyo ako kilala ay tinanggap nyo parin ako.
Ano ba Yanna?! kahit sino naman sigurong nasa sitwasyon mo ay tutulungan namin lalung-lalo pa na kababayan ka rin namin. At ang saya mo kayang kasama.
Thank you talaga girls! ng dahil sa inyo naging maganda ang pagpunta ko dito sa Korea kahit wala akong nakuhang impormasyon tungkol sa mga magulang ko ay may nakilala naman akong mga bagong kaibigan.
Yanna's P.O.V
Heto ako ngayon balik na sa dati kung tirahan, eh ano pa nga ba? eh di ang ampunan.Pero mas ok naman to noh dahil kahit na dito ako lumaki ay inalagaan naman ako ng maayos nina sister Flor at Emy.At dahil malapit na ang pasukan kaya hindi ako pwedeng magtagal sa Korea dahil kailangan ko pang magpa-enroll kaso lang nakakatamad kasi ang dami ko na namang kailangang gawin dahil kailangan kong mag transfer dahil nakapasa ako sa exam na pinatake sakin ng dalawa kong nanay-nanayan.
Ah excuse me po kuya?pwede po bang magtanong?san po ba ang OSS office nyo dito?
Scholar kaba miss?bago ka dito?
Malamang kuya! di ba nagtatanong nga! tanga naman! pero hanggang utak lamang yun dahil nakakahiya naman.
Opo kuya.
Ganun ba, pag nakapasok kana ay blah...blahh...blah.....blah......blah....nakuha mo ba miss?
Opo kuya! pero goodluck na lang sa akin dahil parang wala akong naintindihan.
Yanna's P.O.V
Nang pumasok ako ay parang lumuwa ang mga mata ko dahil sa ganda at laki ng school nila, kung nagtataka kayo kung bakit na shock pa ako sa nakita ko gayung naka take naman ako ng scholarship ay dahil hindi ko alam kung anong ginawa nila sisters kaya napayagan akong sa ampunan lamang mag take ng exam na inioffer nila kaya first time ko pa talagang makapasok dito.
Hay sa wakas! natapos na rin ang walang pakundangang inerview na ginawa nila sakin at makakauwi na rin ako kasi kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ko dahil two days na lang magsisimula na ang pasukan.
2 days later......
Yanna's P.O.V
Hanap,hanap,hanap! wahhhhhhh! huhuhu ang sakit na ng paa ko dahil kanina pa ako nalilito kung saan ba talaga ang section 3-A dahil sa laki ba naman ng school na ito.
Excuse me miss?are you lost?
Ako ba tinatanong nila?
Oo ikaw, cute mo naman.Mind if we help you?
Wow! ang gaganda naman nilang dalawa pero pakapalan na lang to ng mukha.
Oo eh, Alam nyo ba kung saan ang room at section na ito?
Ah yan ba?halika sumabay ka na sa amin dahil dyan rin naman ang punta namin at sigurado kaming kaklase ka namin.By the way what's your name cute girl?
Alyanna Seung.
Sabrina nga pala at ito namang kasama ko ay si Abby.
Yanna's P.O.V
Pagpasok namin sa classroom ay masyadong nakakahiya dahil pinagtitinginan kami or mas magandang sabihin na ako lamang ba? at may iba pang nakairap,pero deadma na lang kasi hindi ko rin naman sila kilala pa kaya bahala sila.Oy classmates tumahimik na kayo dahil parating na si prof.Kalbo!
Ang mean naman ng ibang mga students dito.
Ok class siguro naman hindi nyo na kailangan pang magpakilala dahil simula pa nung 1st year ay magkasama na kayo dahil block section naman ito kaya ikaw nalang miss transferee go here in front and introduce yourself.
Hi my name's Alyanna Seung,18 years old at isang scholar.Hope na maging magkaibigan tayong lahat.
Kaya naman pala ang poor niyang tingnan! kasi scholar - Girl 1
Oo nga! - Girl 2
Ganito ba talaga lahat dito?porke't mayaman sila at mahirap ako panget na ako sa paningin nila?
Ano kaba Yanna, wag mo ng pansinin yung dalawang girls kanina ganun na talaga ang ugali nila simula pa nung 1st year kami kaya sanay na kami sa kanila kaya ikaw kailangang sanayin mo rin ang sarili mo,pero wag kang mag-alala titigil din yan kapag napagod.
Ah ok.
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
kung nagtataka kayo kung puro p.o.v muna ni yanna ay tiis-tiis lang dahil malapit naring magka p.o.v c thunder...
thanks for reading:)
BINABASA MO ANG
He's the missing piece(당신없이 난 불완전 오전)
Novela JuvenilShe's broken ,alone and empty.An orphan without someone to lean on.Paano kung sa paghahanap niya ng mga sagot sa kanyang mga katanungan ay iba ang matagpuan niya?.Ang inaakala niyang kukumpleto sa kanyang buhay ay siya palang magbibigay ng pinakalam...