Multo sa Classroom

1.5K 35 11
                                    

6:00 pm

Itatago ko nalang sa pangalang Miko ang guard.
...................

Isang araw, may Volleyball training sa Paaralan nila. 5:30 pm na silang natapos. Tapos hindi pa sila sinundo. Kaya pumunta ang tatlong babae sa guard house. Sina Lezeil, Desiree, at Janice.

Tamang-tama at nandun ang guard nakatambay sa Guard House. Bago palang yung guard sa paraalang iyon. tapos nakipag-kwentuhan ang tatlong babae sa guard. Hindi nila inakala na Horror pala ang i kukwento ng guard.

Nagtanong si Lezeil:

"Guard, hindi kaba natatakot na ikaw lang mag-isa dito tuwing gabi?'

"Hindi. Kasi hindi ako matakutin."

Natahimik kami saglit. Nang biglang nagsalita si guard

"kayo, kapag medyo madilim na wag itigil nyo ang paglalaro nyo"

"Huh? Bakit naman guard?"
tanong ni Janice

"Kasi.... eto na sasabihin ko na sa inyo...
Tuwing gabi, chine-check ko ang mga classroom para i off ang mga electric fans at isara ang doors. Mga 8:00 pm ko chine-check tapos binabalikan ko tuwing 2:00 am. Isang araw, inoff ko na lahat ng electric fans. Binalikan ko ulit mga 2:00 am, tapos nagulat ako kung bakit on ang electric fan sa isang  room inoff ko na iyon. tapos pagbaba ko, may nagulat ako ng may tumulak sakin sa hagdan. Eh wala namang tao kasi 2:00 am na. Tapos biglang tumayo ang mga balahibo ko at nanlamig ako. pero hindi ko na iyon pinansin"

Hindi ko na pinatapos si guard kasi natatakot na ako.

Sabi ni guard
"Wag kang matakot"

"Ituloy mo na guard"
Sabi ni Janice

Kaya tinuloy ni Guard.

"Yun, hindi ko na pinansin yun. Bumalik na ako dito sa GH, Para matulog. Then next next day, inoff ko na lahat ng electric fans. 2:00, bumalik ulit ako para icheck. Doon ako dumaan sa likod ng paaralan tapos hindi ko ginamit ang flashlight ko. Umakyat ako sa itaas pinasok ko ulit yung room na yun. Tapos naka on nanaman ang electric fan. Bago ko inoff may sinabi ako na kapag tapos na silang gumamit, i off nalang nila"
.
.
.

"Teka guard, sinong sila?"
Nagtatakang tanong ni Lezeil

"Ang mga hindi karaniwang tao"

na shock si Lezeil, at tumabi kay Desiree

Tapos pinatuloy na ni guard ang storya

"Alam nyo rin ba, na tuwing hating gabi, yang pintuan ng isang classroom  na yan.."

Sabay turo sa isang classroom

"Kapag hating gabi, parang may tao sa loob tapos isinara ang pintuan ng malakas. Chineck ko. Tapos wala namang tao. Hinayaan ko nalang"

Natatakot na talaga si Lezeil

"Guard, bakit naman nangyayari yan? May History po ba itong paaralan na ito?"
Tanong ni Lezeil

"Hindi ko alam kung meron kasi bago palang ako dito eh"
Sabi ni Guard

"Uhmm, alam ko kung ano ang History nang paaralan na ito"
Sabi Ni Desiree

Kaya kinuwento ni Desiree

"May isang batang lalaki nuon na estudyante sa classroom na iyon. Tapos patay na siya. Kaya may nagpaparamdam duon. At yun lang ang alam ko"
Sabi ni Desiree

"Naku, nakakatakot talaga"
Takot na takot na sabi ni Lezeil

Pippppp pipppl pipppp..

Yan na. Sinundo na kami.

BYE

Multo sa ClassroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon