•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
The next day was Saturday.
It was already around 5 pm and I was on my way to the university to pick up baklita. Yun daw kasi ang end ng Saturday classes nya. As for me, kagagaling ko lang ng agency para sa photoshoot for two clothing lines. Hindi ko na muna sinama si baklita dahil maliban sa may klase sya, hanggang ngayon pinagbubulungan pa rin doon ang nangyari nuong isang araw. You can't even imagine how irritating it was for me to always see people staring and whispering about me at the corner of my eyes. Kung sinama ko si baklita, malamang napaaway nanaman yun.
"Hey bes," bati ni baklita pagpasok sa sasakyan. And surprise, neon orange naman ang suot nya ngayon. Halatang pinipilit nya na lang magmukhang cheerful pero halata ko sa mukha nya na stressed sya. Kaya pinalagpas ko na lang muna yung paggamit nya ng "bes" word.
"Bakit mo ko sinundo? Saan tayo punta?"
"Shopping."
"Huh? Maghapon ka sa photoshoot diba? Di ka pa ba pagod?"
I just ignored him and looked out the window. I don't really want him to know the real reason kung bakit pinu-push ko ang shopping ngayon kahit pareho na kaming pagod. Though, medyo expected kong magpupumilit syang sabihin ko na lang, kaya nagtaka ako nung tumahimik na lang din sya. I looked at him and realized that he was asleep. Hmm, mukhang pagod nga ang baklita. Ano bang pinaggagagawa nito sa uni?
At dahil unang beses ko syang makitang tahimik, syempre, ako naman itong sinuri ang buong pagkatao nya. To be honest, may itsura si baklita. Kahit na laging on point yung eyeliner nya, I could still see his muscular features. Matangkad, makinis, medyo chinito, and surprisingly, medyo muscular pa din sya. Not in a bulky way, but more on the "lean and fit" way. Siguro taga-igib at taga buhat ng bigas to sa kanila. Kung tuwid lang siguro itong si baklita, baka hearthrob na din sya sa school. Uso pa naman ang mga chinito ngayon.
Umalog yung sasakyan nang mapadaan sa humps, at biglang napamulat si baklita. I quickly looked away and cleared my throat. Baka mang-asar nanaman kasi pag nahuli nyang nakatitig ako sa kanya. Sabihin nabighani ako sa pagka-dyosa nya o kung ano.
"We're here," I said as we arrived the mall. Humihikab at lulugoy lugoy pa si baklita habang bumababa ng sasakyan. I sighed exasperatedly and rolled my eyes. Well then, first things first. Coffee.
"Welcome, ma'am, sir," matamis na bati ng guard pagpasok namin ng Starbucks. Nodding, I went straight to the counter and partly faced baklita. Nag-abot ako sa kanya ng 500 peso bill.
"Here, get whatever you want."
"Ah, hindi na. Hindi naman ak--"
"Don't feel so grateful." I cut him off. "It's part of my duty as your employer since it's one of the benefits of the contract. I insist."
Tinitigan nya muna ako ng mga 3.5 seconds. Tapos kinuha nya yung pera sa kamay ko at lumabas ng Starbucks. WTF? Ano nanamang trip nun?
"Your usual, Miss Kate?" The cashier suddenly asked, at muntik akong mapatalon sa gulat. Ano ba naman ito, kelangan ba talang mang gulat? Pwede namang bumati muna ng hello o good afternoon para prepared ako diba.
"Y-yes. To go, please." I distractedly said, since busy akong sinusundan ng tingin si baklita. Nakita ko syang dumiretso sa food stalls 'di kalayuan dito. Saglit lang din dumating ang coffee ko at saktong paglabas ko ng pinto, kakabalik lang ni baklita. May hawak syang bottled soda at isang bagay na hindi ko mawari.
"Gusto mo?" Alok nya, but I just rolled my eyes at him. Ayokong ma-stress pa lalo. Kunwari na lang walang nangyari.
"Uy girl, may sukli ka pang 445 pesos."
"Keep it," sabi ko na lang, referring to the change. He just shrugged and dropped it into his pocket as we started walking.
"Grabe, ang mahal pala ng turon dito ano? Sa amin, 15 pesos lang to eh. Naloka pa ako kay manang, sabi golden oil daw kasi yung pinang-prito. Ang weird naman nun diba? Bakit kasi kelangan golden pa yung oil..."
Tapos nagsimula na syang magkwento ng saloobin nya. Ayan, gising nanaman ang diwa ng baklita. Turon lang pala ang katapat nito eh.
Habang busy sya sa pagsasalita, tuloy lang ako sa paglalakad at sya naman 'tong sumusunod lang. Hindi ko gets kung paano niya napapagsabay magsalita habang kumakain ng turon. Di ko na rin namalayan kung saan napadpad yung sinasabi nya. Bakit daw ang laki ng mall pero wala daw gaanong tao, bakit daw glass ang kisame pero ang lamig pa rin, bakit daw hindi nya alam na may lugar palang ganito. Marami pa syang sinabi pero di ko na inintindi.
Eventually, nakaabot na rin kami sa trusted kong clothing store. Ilang beses na din kasi akong nag-model para dito kaya alam kong high-quality ang products nila.
"Kate, ikaw ba yun?!!" Halos mabulunan na sabi ni baklita habang tinuturo ang isang malaking poster ng store. Linapitan pa nya para masigurong ako talaga yun. "Wow, grabe! Kaiba itsura mo dito oh! Mukha kang mabait dito!"
Ewan ko sa'yo, ayaw kita kausap.
"Good afternoon Miss Kate, how can I help you?" Matamis na bati ng isang saleslady.
"Casual, smart casual, and basics for that guy." I nodded towards baklita, and for some reason, her smile widened.
"Ah, for your boyfriend ma'am?"
"NO-" I bit my tongue halfway. Muntik ko nang maisigaw na "NO WAY!!!"
Boyfriend daw? Si baklita? The hell??
"No, just a... companion."
"Oh, sorry ma'am," the girl blushed as she bowed. Linapitan nya si baklita na busy pa ring tinitingnan yung poster habang kumakain pa rin ng turon. "Excuse me sir, this way po."
"Huhh? Bawal ba kumain ng turon dito?" Medyo nag-panic pa sya. Luhh, ang weird talaga mag-isip nito ano. Pero sa bagay, baka na-trauma lang sya dun sa nangyari sa agency.
"Ah, okay lang po yan sir. Sa fitting room lang po tayo."
Tumingin si baklita sa akin, nagtataka. "Akala ko ikaw ang magsho-shopping?"
"Well, I am shopping for your clothes." I whipped out my phone and continued sipping my coffee as I made myself comfortable on the couch. "Para naman hindi laging neon ang suot mo."
Bago pa sya makapag-protesta, tuluyan na syang dinala sa fitting room. I fixed my gaze onto my phone as a thought lingered in my head.
At para hindi ka na nila pinagtatawanan.
•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
BINABASA MO ANG
[ WANTED: BFF ]
HumorKung may isang kontrata kung saan pwede kang magkaroon ng libreng damit, makakilala ng mga sikat na tao, at makatikim ng kape ng Starbucks, tatanggapin mo ba? Pero paano kung ang ibig sabihin nito ay maging best friend ka ng isang mayaman at sikat...