panganay si John sa limang magkakapatid na Ana,Darwin,Andrea at Arnel ng mgaasawang Rosi at Carlo.Mahirap lamang ang kanilang pamilya,ang kanilang ina ay nasa bahay lamang at ang kanyang ama ay isang kargado ng mga gulay
Dalawa lamang sa kanilang magkakapatid ang nag-aaral dahil sa kakapusan sa pera.Gustong-gusto ni John na magpatuloy sa pag-aaral
pero sapat lamang ang kinikita ni Mang Carlo para sa kanilang pagkain
kaya si Andrea at Arnel lamang ang nag-aaral dahil nasa kinder at unang baitang pa sila sa elementarya.Nakapag-tapos si John sa elementaryA samantalang sina Ana at Darwin ay parehong nasa grade four lang.
Isang tanghali ,umiiyak na umuwi si Andrea at Arnel mula sa paaralan."kinutya at pinag tatawanan kami ng aming mga kamag-aral dahil wala daw kaming bag"humahagulhol na sabi ni Andrea
"plastik lang daw ang lalagyan ng aming mga gamit"dagdag pa ni Arnel. awang awa si John sa kanyang mga kapatid kaya naisipan niyang maghanap agad ng mapagkikitaan para para mabiljan ng bag ang kanyang mga kapatid.Dahil sa murang edad ,walang ibang naisip si John na mapagkikitaan kundi ang mamulot ng basura at ibininta sa junkshop.
hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ng kanyang dalawang kapatid nang umuwi siyang may dalang bag at pagkain.ipinagpatuloy niya ang pamumulot ng basura at kung minsan ay may maiuwi siyang pagkain minasan naman ay wala.
Isang araw,nagimbal ako sa di inaasahang pangyayari sa aming pamilya.Nagulat ako sa aking nasaksihan.gigisingin na sana ni Ana si Itay upang mag-almusal subalit namangha at laking gulat niya sa kanyang nakitang nakahandusay na at walang malay na si tatay
"Inaaayyyyy...!!!!!!!Inaaayyy....!!! si Itaaaaayyy...!!!!"pabulyaw na sabi ni Ana.
Napasigaw siya nang napakalakas at di mapawari kung ano ang gagawin.
"pakiramdam ko noon,parang gumuho na ang mundo sa aminng pamilya"humihikbing sabi ni John.Matalgal na pala itong may dinaramdam ngunit hindi niya sinabi kaninuman ,kahit na sa aking ina upang di ito mag-alala at sa kawalan din ng perang pampagamot.
Iyon na marahil ang pinaka mabigat na pangyayaro sa buhay ng kanyang pamilya. ang pagka wala ng "Padre de Pamilya o haligi ng tahanan".
Tulala at wari malayo ang iniisip ni John habang nag-sisipag iyakan ang kaniyang ina't mga kapatid.
Mabuti nalang at may mga mahabaging puso na mga kapit bahay ,pinahiram sila ng pera at maayos na naipalibing ang kanyang ama.
"magtatrabaho ako nang mabuti para mapag -aral ko ang aking sarili at makapagtapos.papag-aralin ko naman ang aking mga kapatid."sambit ni John sa kanyang sa sarili.
Noong namatay si Mang Carlo ay marami-rami rin ang tumulong sa kanila.May naitabi pa silang pera at ito'y ginamit nila sa pagpapatayo ng maliit na tindahan.Si Darwin ang nagbabantay sa tindahan at si Ana naman ang gumagawa sa mga gawaing bahay,habang ang kanilang ina ay naglalabada at paminsan-minsan ay nakakaekstra sa isangkarinderya.Si pedro naman ay nakapasok sa isang Carwash Shop.Maliban sa sweldong natatanggap ni John kada buwan ay may naiipon din siyang pera mula sa mga tip na ibinibigay sa kanya ng mga kostumer na nag papalinis ng sasakyan sa kanya at unti-unti nilang nabayaran ang kanilang utang.
"iho,gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral???"tanong ng kanya kanyang amo kay John.Biglang natigil,napatingin at natulala si John sa sinabi ng kanyang amo subalit ang bagay na iyon ay parang napaka-imposible para sa kanyang kinanatayuan.Iniisip niya na mahirap pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho.
"iho,gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-aaral???"pag-uulit nito.
ngunit sa pagkakataong yaon,hindi niya na pinalagpas ang pagkakataon na iyon,at sinunggaban niya na ang oportunidad na makapag-aral muli..
"gustong-gusto ko po talagang makapag tapos ng pag-aaral upang mapag-aral ko rin ang aking mga kapatid"sabik na sagot ni John
"ngayong pasukan ay papasok kana sa paaralan,sa gabi ka nalang papasok para naman hindi maapektuhan ang pagtratrabaho mo" sabi ng kanyang amo.
Masayang -masayang si John s narinig at sa gabing iyon ay hindi siya makatulog dahil sa pananabik na makapag-aral muli.
ang kinikita niyang sweldo ay doon niya kinukuha ang panggastos sa pagpapa-aral ng kanyang mga kapatid.
Nalaman ni John na may anak pala abg kanyang amo na kasinf edad niya pero namatay ito sa murang edad at sumunod naman ang kaniyang asawa dahil sa iasang malubhang sakit kaya ganoon na lamang ang ipinakitang kabutihan nito sakanya.
Ganoon paman ,kahit mahirap hatiin ang oras sa pagtatrabaho sa araw at pag-aaral sa gabi ay umaasa pa ri siyang mapagtapos niya ang kayang mga kapATid at makakuha siya ng titulo sa kolehiyo.
Sa paglipas ng panahon ay natypad niya ang matagal niya nang pinapangarap.Nagtapos siyang may karangalan at inaalay niya ang diploma't medalyang natanggap sa kanyang amang yumao na ,sa kanyang ina,mga kapatid,sa kanyang amo at sa mga pagsubok na dumaan sa kanyang buhay.Hindi niya mapigilang lumuha sa tiwa.Ang mga pagsubok na iyon ay kaakibat at daan upang makamit ang matagal na niyang inaasam-asam na pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.Oo ngat nabago at nagkaroon ng kaginhawaan sa buhay ng kanyang pamilya.Lahat ng kanyang kapatid ay nakapagtapos din sa pag*aaral at nagkaron ng magandang trabaho.Nasambit ni John ang mga katagang "ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagkamit ng tagumpay ,bagkus kapag sinamahan mo ito ng pagsisikap,sipagat tiyaga,ito'y susi upang maabot ang makikinang na tagumpay sa buhay"
taos pusong pinasasalamatan ni John hindi lamang ang kaniyang mga mahal sa buhau,mga kapatid at higit sa lahat sa Dakilang Poong Maykapal
*******************
thanks for reading(hindi lahat ng story lovestory)
LoresaP