Yanna's P.O.V
Nandito kami ngayon sa canteen upang mag lunch at nakakahiya nga eh dahil isinabay pa talaga ako ng dalawang maganda.Pwede naman sanang sa loob na lamang ako ng classroom kumain pero mapilit talaga tong dalawa.
Yanna hindi kaba bibili?
Ha? a-ah eh,may baon naman ako eh kaya hindi na kailangan at tsaka wala rin akong perang pambili para sa mga mamahaling pagkain dito sa canteen nyo.
Ano ka ba! ok lang yan noh,kahit kami nga na sinasabi nilang mayaman ay mas pinipili pang magdala ng baon.
Talaga? bakit naman? eh diba kaya nyo namang bumili?
Kaya nga naming bumili pero mas masarap kayang kumain kapag lutong bahay kaya heto kami nagdadala ng lunchbox! parang bata pero cool.
Third person's P.O.V
Habang busy sina Abby at Sabrina sa pagkain ay may nahagip ang mata ni Yanna na siyang nagpatulala sa kanya.Hindi nya alam kung bakit pero parang may kakaiba sa lalaking ito.At ang nakapagtataka ay nag-iisa lamang ito sa pinakasulok ng canteen at wala man lamang kasama.
Hoy !Abby! tingnan mo nga tong si Yanna kanina pa nakatingin kay Thunder!uyyyyy! siguro crush nya?!
Tama nga noh! kanina ko pa din siya napapansin na panay ang sulyap kay Thunder.
Teka, teka, sino bang Thunder ang sinasabi nyo?
Eh di yang kanina mo pa tiningnan!
Hoy! ano ba kayo? hindi ko naman siya tinitingnan noh!
Alam mo Yanna, ok lang naman ang umamin eh dahil halos naman lahat naman talaga ng babae sa school na ito ay may crush kay Thunder kahit nga kami eh, pero malas lang dahil kahit sino pang babae ang lumapit diyan ay wala talagang pinapansin.Kahit halos 3 years na naming kasama yan dito sa university ay wala pa rin yang nagiging kaibigan kasi hindi yan halos nakikipag-usap, sumasagot lang yan kapag masyadong importante ang tanong mo o kaya naman ay oral recitation nila.
At ito pa Yanna, maraming mga lalake ang may galit sa kanya kasi pakiramdam nila ay inaagaw niya ang mga girlfriend nila, kahit wala naman talaga siyang ginagawa ang mga girlfriend lang talaga nila ang haliparot na lapit ng lapit sa kanya.
At dahil crush mo sya ay hindi na namin sya crush kasi kaibigan ka namin.Kaya ok lang.
Thunder's P.O.V
Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin sa akin ng tatlong babae na kumakain pero dinideadma ko nalang kasi baka kasama lang sila ng mga fans ko dito sa school na patay na patay sa akin.Kahit tatlo sila na nasa table ay mas kapansin pansin talaga yung sinasabi nilang transferee na kanina pa nakatulala habang nakatingin sa akin.Ngayon lang ba siya nakakita ng gwapo?o baka naman wala talagang gwapo sa school nila?pero kidding aside maganda at cute sya.Teka!teka!sinabi ko ba yun?kalimutan nyo na lang.
Bago ko makalimutan hindi pa pala ako nagpapakilala ng maayos ako nga pala si Thunder Ledesma,18 years old at NGSB dahil hindi talaga ako nangangarap na magkaroon kahit isa man ang pero hindi ibig sabihin nyan ay bakla na ako dahil kapag lumabas na ako sa school na ito ay marami talaga akong chicks pero wala akong naging girlfriend dahil ayaw kung mag seryoso sa babae at kung nagtataka kayo kung bakit ayaw kung magkaroon ng kaibigan dito ay simple lang! ayaw ko lang at kung bakit galit ako sa babae ay.....
Flashback.....
Kaya mo ba kami iiwan ng anak mo ay dahil nakahanap ka na ng ipapalit sa amin?
Kung oo may magagawa ka ba? eh ayaw na kitang kasama kasi wala akong mapapala kapag tumira pa ako dito dahil baka mamatay lang ako sa gutom.Ikaw ng bahalang magpalaki sa anak natin.
Honey pag-usapan natin ito!please wag mo kaming iwan!please!
Pero umalis pa rin sya kaya simula ng pangyayaring yun ay ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako magmamahal dahil alam kung iiwanan lang ako kapag nagsawa na sila at mas lalo akong nagalit nang namatay ang papa ko dahil sa depresyon kaya wala na akong kakampi,wala na akong pwedeng takbuhan pero buti na lamang ay bago siya namatay ay may naipundar siya para sa akin kaya hindi ako naghirap.
Ayan ha! alam nyo na kaya bakit ganito ang ugali ko! tahimik,mailap,suplado at syempre gwapo.
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
yehey!may p.o.v na rin si thunder....hehehehe
thanks for reading...
BINABASA MO ANG
He's the missing piece(당신없이 난 불완전 오전)
Fiksi RemajaShe's broken ,alone and empty.An orphan without someone to lean on.Paano kung sa paghahanap niya ng mga sagot sa kanyang mga katanungan ay iba ang matagpuan niya?.Ang inaakala niyang kukumpleto sa kanyang buhay ay siya palang magbibigay ng pinakalam...