Gary and Katy's Fight

339 3 0
                                    

Nanalo si Gary sa kanyang laro. Masayang masaya siya pero halatang may hindi siya matanggal sa isip niya. Ang lungkot pala kapag galit sa iyo iyong taong mahal mo. 

Habang nasa press conference naalala niya noong ginulo ni Katy ang press conference niya dati.Nakakalungkot isipin na dahil sa pagiging judgemental niya nasaktan niya na naman si Katy. Gusto niyang puntahan si Katy para magsorry pero naisip niya na ito na siguro ang tamang paraan para makapagisip siya. May mga bagay kasi na kahit pilitin niyang maayos ay kusang nagugulo. ayaw na niyang masaktan pa si Katy.

Sa kabilang banda, si Katy naman ay nalulungkot. Tatlong buwang na rin kasing di nagpaparam si Gary. Nagdeactivate ito ng facebook at dinelete niya na ang instagram niya. Sobra siyang nasasaktan sa tuwing binubuksan niya ang telepono o social media accounts niya. Pakiramdam niya ay nasasayang ang oras niya sa isang taong di naman siya tunay na mahal.

Lumipas ang mga araw ng paulit-ulit. Para pa ring may kulang sa buhay ni Katy. Kailangan niya na rin magdesisyon dahil hindi pa rin tumitigil si Mr. H.

Katy sa cellphone: magusap tayo ng personal H.

Mr. H: Magkita tayo sa katipunan sa restaurant malapit sa condo ko.

Katy: Sige. Pupunta ako

____________________________________________________________________________________

Habang nasa restaurant ay tahimik ang dalawa.

Katy: Bakit hindi mo ako tinitigilan?

Mr. H: Hindi ko rin alam. Gusto kong mapagod pero hindi ko magawa. Siguro mahal kita.

Katy:May mahal na akong iba.

Mr. H: Alam ko, wala akong pakialam.

Katy: Wala kang pakialam?! Bagay ba ako?! Kailangan bang guluhin mo ang desisyon ko?

Mr. H: Katy mahal kita! nilinis ko ang pangalan mo, mayaman ako, hindi ako pangit, mabait akong tao, Bakit ayaw mo sa akin?!

Katy: Hindi ko alam! Kung may choice lang ako ikaw na ang minahal ko. Para matapos na lahat ng panggugulo mo sa akin.

Mr. H: Pangugulo ko?O para di ka na masaktan kasi hindi ka niya mahal.

Katy: Oo para di na ako masaktan.

Mr.H: Subukan mo Katy. Subukan mo akong mahalin.

Katy: I am sorry. I can not be unfair to both of us. Makakakita ka rin ng iba. 

Mr.H: Katy, I love you. Kahit na minsan nagiging possessive ako sayo, kahit na minsan akala mo hindi kita mahal at gusto lang kita. Kahit na ang tigas ng ulo mo. Kahit na nawawala na ang ego ko dahil sa pagreject mo sakin. Mahal na mahal pa rin kita. You never gave me the chance Katy. Hinayaan mong mainlove ka sa iba kahit na may relationship na tayo pero tinanggap ko iyon.

Katy: Kung ano man yung nararamdaman mo iba ang pinaramdam mo sakin. Pinamukha mo sa akin na dahil mayaman ka kaya mong makuha lahat ng gusto mo. Naisip mo ba minsan na tao din ako. May karapatan din ako piliin yung mga bagay na gusto ko. Ginawa mo akong bagay. Kung ano mang sakit ng ego ang sinasabi mo, mas sinira mo yung respeto ko sa saril. (umalis na si Katy ng mainit ang ulo)


The Pornstar and the BoxerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon