Akmang hahawakan na ni Cathy ang pulo ng poso nang bigla niyang napansin si Gio na noo'y nakatingin lang sa kanya mula sa kinauupuan. "Ano'ng ginagawa mo diyan, ha?"
"Nakaupo!" pilosopong sagot nito.
"Oo. Alam kong nakaupo ka! Bakit nandiyan ka? Ano 'to live show?" kunot ang noong tanong niya.
Natawa ang binata. Tumayo ito atsaka naglakad papalapit sa kanya. "Iyan na ba 'yong live show na sinasabi mo?" anito na sumulyap pa sa dibdib niya. "Boring naman!" natatawang sabi nito.
"Buwisit ka talaga! Lumayas ka nga rito!" singhal niya sa binata.
Madilim ang mukhang sinimulan niyang bombahin ang poso. Pero hirap na hirap siyang pababain ang pulo nito. Hindi pala ito ganoon kadaling gamitin gaya nang inaakala niya. Sobrang bigat kasi nito. Nang pinilit niya itong ibaba muntik na itong umigkas sa mukha niya. Mabuti na lang at mabilis na naagapan ni Gio.
"Babangasan mo pa 'yang mukha mo," sabi nito nang agawin sa kanya ang pulo.
"Sige na! maligo ka na," tila amo na utos nito sa kanya atsaka nito sinimulang patuluin ang poso.
"What?! Maliligo ako in front of you?" galit na singhal niya sa binata.
"Bakit anong masama? Maghuhubad ka ba?" nakangising tanong nito.
"Bastos!" gigil na gigil na sabi niya atsaka niya ito sinabuyan ng tubig sa mukha. Natatawang pinunasan lang ni Gio ang mukha atsaka nagpatuloy sa pagpapatulo ng poso.
"Tumalikod ka!" singhal niya sa binata.
"Grabe ka, ha? Hindi mo ko utusan. At wala akong balak manyakin ka. Wala namang makikita diyan, oh," anito na ngumuso pa paturo sa harapan niya na puno ng putik.
"Sinabi nang tumalikod ka, eh!" sigaw niya.
Pero hindi naman nagpatinag ang binata. "Ikaw ang tumalikod sa akin. Kung ayaw mong bitawan ko 'to at iwan kitang mag-isa rito. Marami pa namang manyakis diyan sa paligid," nangigiti pang sabi nito.
Dahil hindi ibig magpatalo ng hambog na binata naaasar na tumalikod na lang siya at mabilis na nilinis ang putikang katawan.
Napangiti naman si Gio. "Susunod ka rin pala, eh. Pasaway!" bulong nito.
Narinig naman iyon ng dalaga kaya wala sa loob na hinarap niya ang binata. "Anong sinabi mo?"
Namilog ang mga mga mata ng binata nang tumambad sa kanya ang mayamang dibdib ng dalaga na humahapit sa basang damit nito. Namula ang pisngi niya at agad na napatalikod sa dalaga. "Ano ka ba? Ayusin mo nga 'yang sarili mo," singhal niya sa dalaga.
Natatawa namang nagtakip ng dibdib ang dalaga nang makita ang kakaibang reaksiyon niya na tila siya pa ang nahiya.
"Hmp! Mabuti naman at hindi ka naman pala manyakis," salubong ang kilay na muling tumalikod ang dalaga at ipinagpatuloy ang paliligo.
"Uy, wala ka sa teritoryo mo, ha? Umayos ka!" galit na binitawan ni Gio ang poso atsaka ito naglakad papalayo.
"Hoy! Bumalik ka nga rito! Hindi pa ko tapos maligo!"
"Mag-igib kang mag-isa mo!" sagot nito na hindi man lang lumingon sa kanya. Hindi na siya binalikan ni Gio kay dali-dali siyang naligo. Mabuti na lang at napuno na nito ang malaking batya bago ito nag-walk out.
Habang nagsusuklay sa harap ng tokador doon lang napagmasdan ng dalaga ang buong kuwarto. Maayos at maaliwalas ang kuwarto niya na pinuntara ng kulay rosas. Sa bandang gitna nito ay may malaking kama na may puting bed sheet at dalawang malalaking unan na puti rin ang punda. Sa bandang paanan ng kama, may glass window at sa gilid nito ay may pintuan na tumatagos sa balcony. Hindi nalalayo ang hitsura noon sa kuwarto niya sa Manila. Na satingin niya ay pinasadya ng daddy niya para hindi siya mamahay. Napangiti siya sa isiping iyon na kahit papaano ay iniisip pa rin pala siya ng daddy niya.
BINABASA MO ANG
100 Days With Mr.Arrogant
RomantikMeet "Cathy" Catherine Iguico Roberto.Ang solong anak ng mga Roberto na ipinatapon sa probinsiya upang mailapit sa binatang si Gio. Meet "Gio" Gio Lamberto ang batang haciendero na magpapatino at magpapatibok ng puso ng dalaga.