Girlfriend kong adik kay Daniel Padilla

311 7 3
                                    

                                             Girlfriend kong adik kay Daniel Padilla

                                                         © 2013 by Leicheese

"Emerged! Ang gwapo gwapo talaga ni DJ!"

Naririndi na yan nalang ang parati kong naririnig sa bibig ng bestfriend ko. Magkasama nga kami, puro naman ipod ang inaatupag niya para makita ang latest pictures ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Minsan gusto ko nalang mag umalis habang naggaganyan siya para makaramdam naman siyang may nagseselos sa tabi tabi. Ano bang nakikita ng mga babae sa Daniel na yun! Mukha namang... nevermind. at kung iniisip niyong may gusto ako sa bestfriend kong si Dinzinne, tama kayo dun. Kaso bestfriendzoned ako, inshort, na-Khali Ramos ako. 

"Hoy sino yang chick na yan? Shiiiit ang ganda" Sita sa akin ng kabarkada ko na kasama namin dito sa shed. Pusang gala! Ang ingay! Nakita kong pasimpleng tinitignan ni Dinzinne ang cellphone ko. Wala namang malisya to eh, siya nga may Daniel Padilla =____=

"Anak ng kaibigan ng mommy ko, mabait yan... marunong pa magluto. Sarap nung niluto niyang    meatballs nung isang araw, pakilala ko sa 'yo?

"Dinzinne Lupisan! Bakla! Nakita mo na yung trailer ng Got to Believe? My god! Ang gwapo gwapo ni DeeJ dun sa nung nasa sasakyan siya!" hayyyyyy. Isa pa to. Magbestfriend talaga sila. 

"Talo naman yun sa suntukan! Isang suntok ko lang, tulog na yun!" Pagyayabang naman nitong si Alvin. Mas mabuti na ang manahimik pagdating diyan kasi kung hindi... 

"ANG KAPAL KAPAL MONG ALVIN KA!!!!!! HINDI SIYA LAMPA KATULAD MO NOH!" sabi sa inyo eh. Ayan tuloy, napagtulungan ng mga fangirl.

 Masamang magsalita ng salungat sa kagustuhan ng isang babaeng nagpafangirl. Tried and tested. Ako ngang bestfriend, pinagpalit sa basketball game eh. Pusanggala lang, inaya pa akong samahan siya. Tapos ako rin lang makikipagbati kasi hindi niya ako pinapansin kasi di ko raw siya sinamahan, anong klaseng bestfriend daw ako. Ang gandang buhay! 

From: mommy

Nak, diretso ka kina Tita Ana mo pagkatapos ng klase, dun tayo magdidinner. Galingan mo sa klase ha? Ingat! 

Nagreply nalang ako ng "opo". Sakto dumating yung teacher namin kaya nagklase na kami. 

"Wag ka ng magtampo, Dinzinne. Bawi ako bukas. Si mommy kasi eh" Pinapasama niya kasi ako sa mall tour daw ni DJ. tss. Ilang beses na ba siyang umattend sa mga yan. Kailangan ba talaga pag fangirl ka always present ka sa mga ganyan? tss. 

"De sige okay lang. Lagi naman eh" sabi niya sa tonong nagtatampo. Pusanggala! 

---------

Valentine's Day.

Uso aminan. Pinapunta ko siya sa Agri farm. Maganda kasi ang ayos nun. May greenhouse kasi dito sa school namin. Dun ko siya papupuntahin pero dahil aamin ako, may pakulo muna ako. May mga rosas sa daan na may pick up lines, syempre nanggaling yun sa mga palabas ni Daniel Padilla. Alam ko namang kilig na  kilig yan dun eh. 

 .

Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko... 

Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko... 

Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat

Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat



"A-Ano to? Tsaka bakit nakamaskara ka ng mukha ni Daniel Padilla?" 

"Baka sakaling sagutin mo ako pag nagpanggap akong si Daniel Padilla. Dinzinne Lupisan, na sa'yo na ang lahat, boyfriend nalang ang kulang... pwedeng ako nalang?" 

"Sira ka talaga! Pasalamat ka, mahal din kita, kahit hindi mo gayahin si Daniel Padilla!" 


Sinagot niya rin ako ng araw na yun. 6 months na nga kami eh. Inamin din niyang kaya sa akin siya nagpapasama parati tuwing magpafangirl siya kay Daniel Padilla ehkasi gusto niyang lumabas kaming dalawa. Hayyy. Ang sarap ng mainlove sa taong mahal ka rin. 

Pasulyap sulyap ako kay Dinzinne na pasulyap sulyap lang din sa akin. Nagngingitian kami pag nagkakahulihan. Nasa klase kasi kami ngayon. 

To: Dinzinne 

Miss na kita :*

From: Dinzinne

Miss you too :** Bakit kasi alphabetical yung seating arrangement eh :( 

 Nakatalikod naman kasi yung teacher kaya nakakapagtext kami. Sinusulat niya kasi yung itetest namin. Tumingin ulit ako kay Dinzinne tapos sinabi kong 

I love you 

pero walang boses. Napangiti nalang ako nung hinampas niya yung balikat ng katabi niya. 

To: Dinzinne

Kawawa naman yang katabi mo. 

From: Dinzinne 

Wag panira ng moment, please? Kinikilig na ako eh.

Pag si DJ kaya ang gumawa nun sakin? Hayyyy. Kinikilig talaga ako.

I love you too pala *^___^*


Puto kutsinta! DJ na naman. Pati actions ko, DJ pa rin. Pero kahit na pa, mahal ko yan. 

Siya yata ang girlfriend  kong adik kay Daniel Padilla.

------

Hi Dinzinne :)

bookcover photo source: http://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http://cdnimages.abs-cbnnews.com/slideshows/050113_Daniel/DSC_8505.JPG&imgrefurl=http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/05/01/13/slideshow-daniel-padilla-holds-successful-first-concert&usg=___KQBh7uafgQEQ0qPnMUuzPHSPU8=&h=332&w=500&sz=204&hl=en&start=36&zoom=1&tbnid=Wsg9YAFyrA_L1M:&tbnh=86&tbnw=130&ei=wU3qUZq0Cai0iQe_joHwBg&prev=/search%3Fq%3Ddaniel%2Bpadilla%2Bconcert%26start%3D20%26sa%3DN%26biw%3D1024%26bih%3D509%26site%3Dimghp%26tbm%3Disch&itbs=1&sa=X&ved=0CEkQrQMwDzgU

Girlfriend kong adik kay Daniel PadillaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon