Chapter 16-- His side

208 11 5
                                    

Chapter 16-- His side

Errol's POV

Tanghali na, bakit wala pa din si Kams? Parang dati lang ang aga niya lagi kasi may ibibigay siya, tapos ngayon wala na. Ano ba naman yan. Sino na nga yun friend niya? Yung kinukwento niyang classmate niya sa lower section?? Christine ba yun? Sa kanya ko kaya itanong kung asan si Kams?

Psh, wag na nga, yoko makipag-usap kung kani-kanino. -__-

Kanina pa ko dito sa sasakyan, natapos na yung klase pero wala pa ding nagpapakitang Kamille. Asan na ba yun? Ts. Tanungin ko na nga lang si kuya Ken..

Calling Kuya Ken..

["Hello?"]

"Hello kuya, si Errol po ito."

["O bakit bro, may problema ba?"]

"Pumasok ba yung BABY nyo kuya? Hehe." Talagang inemphasize ko pa yung "BABY" eh no. Haha wala. Close na naman kami ni Kuya Ken eh kaya medyo nakikipag-biruan na ko dito.

["Loko ka ah! Hahaha. Eh hindi ko pinapasok si Kamille, may sakit eh. Bakit?"]

Kahit nakakahiya ng kaunti, sige na sasabihin ko na!

"Kuya, pwede ko ba siya puntahan?" I don't know ha. Pero para kasing hindi okay yung araw ko kapag hindi tumatawa or hindi ko nakakausap yang Kams na yan. Ang harot kaya nyan!

["Sure. Bilisan mo lang. Alis kami eh."]

"Sige thank you po."

And I ended the call. Bakit naman kaya nagkasakit si Kamille? Agad ko sinabi kay manong na pupunta kami kila Kams, eh parang mas excited pa sa'kin si manong? Hehe.. 

Mabilis naman kami nakapunta sa bahay nila Kams. Pagpasok ko, yung si manang ang naabutan ko.

"Magandang hapon po. Nandyan po ba si Kams?"

"Ah nasa taas eh. Upo ka muna sa sala, tatawagin ko lang."

"Ah sige salamat po."

Umupo naman ako dito sa sala nila. Hinintay ko din siya ng ilang minutes. Paglabas niya..

"Kams! Bakit hindi ka pumasok?"

"Ay wait!" Sabi niya saka bumalik na naman sa kwarto niya. Ayaw niya ba ko makita?

Pagkalabas niya ng kwarto, "Anong ginagawa mo dito Errol?"

“Kamusta ka? Bakit di ka pumasok? May sakit ka daw sabi ni Kuya Ken?” sinalat ko siya sa noo pero hindi naman siya ganun kainit saka sabi niya ayos lang daw siya. Pero bakit nga siya umabsent? Parang hindi siya okay eh.

"Bakit ka nga umabsent? Namiss agad kita Kams!" ako na ulit yung nagsalita kasi parang ang tamlay niya talaga. Pagkataos nun, niyakap ko siya ng mahigpit. Mga ilang segundo din kami ganun at niyakap niya na din naman ako. Bakit ba siya nakaka-miss agad..

“Ito nga pala oh, pinapabigay niya. Ayan na, pwede ka na umuwi.” Saka siya nag-abot ng Cd sa'kin, na parang nung dati lang. Akala niya ba yung Cd lang ang pinunta ko dito? Ang labo nito. Haha.

“Galit ka ba sa’kin Kams? Ano, may nagawa ba kong mali? Naasar ba kita? Ano?” Kasi kanina ko pa talaga napapansin na ibang iba yung kilos niya.. Pero sabi niya hindi naman daw siya galit at nagmamadali lang siya. Alam niyo kung bakit? Kasi, pupuntahan niya daw si DYLAN sa ospital. Ts! Si Dylan na naman. 

My Love Messenger (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon