Ang Girlfriend kong Siga [1]

31.5K 642 61
                                    

Sa labing-pitong taon na pamamalagi ko rito sa mundo ay normal lang ang takbo ng buhay ko hanggang sa dumating na lang siya at ginulo ito.

“Hey, buhatin mo nga ‘tong bag ko!” Sabi niya sa akin sabay abot sa akin ng kulay pink niyang Jansport na bag.

Siya si Mayumi Kawahara, kalahating Pinoy at kalahating Hapon. Isa siya sa mga sikat dito sa school dahil sa angkin kagandahan niya.

Sa unang tingin, aakalain mong isa siyang anghel. Napakaamo ng kanyang mukha at tila ba hindi nito kaya gumawa ng kahit anong kasalanan. Masyado siyang maputi kaya’t konting babad lang sa araw ay namumula na siya agad. Mahahaba ang kanyang pilk-mata at mapula ang maninipis na labi. Madalas din nakalugay ang buhok niyang alon-alon na abot hanggang balikat.

“Why are you staring at me like that? You want me to punch you? Come on, slowpoke! Ang bagal bagal mo!”

Pinandilatan niya pa muna ako ng kanyang mga mata na kasingkulay ng malalim na dagat bago tumalikod at maglakad papasok sa pinapasukan naming University.

Tama talaga ako, sa unang tingin mo lang talaga siya magpapakamalan na anghel dahil ang totoong Mayumi ay mala-diyablo. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig nito na hindi mo akalain na manggagaling sa kanya.

At dahil na rin sa ugali niyang yan kaya nabansagan siyang siga ng school na ito. Hindi siya gangster, siga lang talaga. Hindi ko pa naman siya nakikitang may hawak na batuta at nakikipaghabulan sa kahit kanino, hindi ko pa rin naman nakikita na may tropa siyang mga naka-motor at leather na jacket. Siga lang talaga yung pananalita pati yung aura niya.

Maraming ilag sa kanya dahil nakakatakot talaga kapag tumingin siya sa iyo. Kahit nakatingin lang siya sa iyo makikita mo sa mga mata niya ang itsura ng impyerno kapag ginalit mo siya. Kaya ako hangga’t makakaya ko ay umiiwas sa kanya dahil ayoko makita ang itsura ng impyerno kapag nagagalit siya.

“Ivan, pakipulot naman yung bola tas pabato rito!” Sigaw ng isa naming kaklase na naglalaro ng basketball sa court. Akmang pupulutin ko na ng biglang sinipa ni Mayumi papalayo ang bola.

“Inuutusan mo ba si Ivan? Inuutusan mo ba ang boyfriend ko?! FYI, hindi utusan si Ivan! Kayo ang may dahilan bakit napunta ang bola dyan, kayo kumuha!” Tapos hinila na ako agad ni Mayumi bago pa ako makasagot.

Natawa ako sa tinuran ko, paano ako makakaiwas kung girlfriend ko siya? Ako si Ivan Amorsolo ay girlfriend ang isang Mayumi Kawahara.

Tumigil siya maglakad at hinarap ako. “Ikaw, huwag ka nga masyado mabait! Hindi ka utusan kaya ‘wag ka susunod sa utos ng kung sino basta-basta!”

Tumalikod na siya at lumakad na ulit kaya’t wala akong nagawa kung ‘di sumunod na lang sa kanya.

“Hoy Ivan! Wala ka sa park kaya pwede ba bilisan mo lakad mo? Saka ayusin mo nga yang tindig mo, bakit ba hukot ka kung maglakad? Nagmumukha ka lalong kaawa-awa eh, kaya ka pinagtitripan ng mga tao. Sasapakin na kita eh!” Nagulat ako kaya dumiretso bigla yung likod ko at napalakad ako ng mabilis.

Nakarating na kami sa classroom at hingal na hingal ako. Ang bigat ng bag ni Mayumi, mga tatlong kilo ata ‘tong bigat ng bag niya. “Lagay mo na lang yung bag ko sa upuan, I’ll just go to comfort room.”

Napailing ako sa naalala ko. Ang lakas ng loob niya magalit sa mga kaklase namin kanina na nakiusap na iabot yung bola pero kung makapag-utos siya sa akin akala naman niya ay pinapalamon niya ako.

Pagkalagay ko ng bag niya tumungo na ako sa upuan ko na katabi lang naman din ng kanya. Umupo agad ako dahil sa sobrang pagod ngunit kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang mga taong pasimpleng nakangisi dahil sa nasaksihan nila kaninang pag-uutos sa akin ni Mayumi.

Ang Girlfriend kong Siga [Two-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon