Hele (Lullaby) _complete story

1.5K 46 37
                                    

Sa isang malayong lugar ay naninirahan ang dalagang nag ngangalang Teresa. Siya ay nagtataglay ng kagandahan na kinaiinggitan ng mga kababaihan at kinababaliwan ng mga kalalakihan sa kanilang probinsya.

Napagdesisyunan nya na pumunta sa Maynila upang ipagpatuloy ang pag aaral sa kolehiyo. Unang araw palang nya sa bagong paaralan kaya hindi nya alam ang pasikot sikot ng lugar. Habang naglalakad ay may nakabangga syang lalaki kaya nahulog ang mga hawak nyang libro.

"I'm sorry" wika ni Chris habang pinupulot ang mga libro.

"My name is Chris. " inabot nito ang kamay sa dalaga.

"I'm Teresa, pasensya ka na hndi ko tinitignan yung nilalakaran ko".

"Parang ngayon lang kita nakita, bago ka ba dito?" tanong ni Chris.

"Oo, sige kaylangan ko na pumasok", sabi ni Teresa.

Pagdating sa classroom nakita nya ang binatang kakikilala pa lang, magkaklase pla sila. Naririnig nya na nagbubulungan ang mga girls at pinapag usapan si Chris. Sikat pala siya sa buong campus at kilalang kilala ng halos lahat ng kababaihan. Gwapo, mestiso, matangkad at mukang mabait yan ang mga naririnig nya.

Pagkatapos ng klase dumeretso si Teresa sa canteen. Nakita nya dun si Chris kasama ang isang magandang babae, sya si Kim. Parang may relasyon sila kung iisipin. Pagkatapos kumain ay tumungo na sya sa library. Hindi nya napansin na nasa likod pala nya si Chris mag isa lang ito at nilapitan sya.

"Hi Teresa!" wika ni Chris.

Nagkunwari si Teresa na hindi nya ito narinig at tumakbo palabas ng library.

Kinabukasan naglalakad si Teresa pauwi at sinabayan sya ni Chris palabas ng gate.

"Pauwi ka na ba?" tanong ni Chris.

"Oo" sagot ni Teresa.

"Pwede ba kita ihatid?" pagpupumilit ni Chris.

"Hindi pwede baka magalit ang girlfriend mo!" pasigaw na sagot ni Teresa.

"Wala akong girlfriend, kung si Kim ang tinutukoy mo well she's not." patawang sagot ni Chris.

"Wag na lang salamat." sagot ni Teresa sabay sakay sa jeep.

Ilang araw ang nakalipas ay patuloy parin si Chris sa pangungulit kay Teresa at kitang kita sa mga kilos nito na gustong gusto nya mapalapit sa dalaga. Hindi nga nagtagal ay naging malapit na magkaibigan ang dalawa. Sabay na silang kumakain pag breaktime at pati narin sa pag uwi. Nahuhulog narin ang loob ni Teresa pero hindi nya pinapahalata.

Isang araw habang nagbabasa ng libro ay nilapitan si Teresa ng grupo ng mga babae at pilit syang hinawakan sa magkabilang braso.

"Bitiwan nyo ko!" nagmamaka awang sabi ni Teresa.

May lumapit sa harap nya at nabigla sya sa malakas na sampal.

"Sino ka ba sa akala mo para lumapit at makipag landian kay Chris?

Kung ayaw mong may masamang mangyari sayo wag na wag kang lalapit sa kanya okay?!" pananakot ni Kim.

At saka binitiwan si Teresa ng mga kaibigan ni Kim sabay alis na parang walang ngyari.

Nabalitaan ni Chris ang ngyari kaya kinausap niya si Teresa.

"Pasensya ka na kung nandun lang sana ako hindi ko hahayaan gawin nila yun sayo."

Nagsimula ng lumayo ang loob ni Teresa kay Chris at umiiwas narin sya rito. Hindi dahil natatakot sya kay Kim kundi para umiwas nalang sa gulo. Lumipas ang ilang araw at ilang linggo hindi na makatiis si Chris sa ganung sitwasyon at hinarap nya ang taong dahilan ng pag iwas sa kanya ni Teresa. Nasa gym si Kim kasama ang mga kaibigan nito at pinilit nya si Kim na humingi ng patawad kay Teresa. Dahil ayaw ni Kim na mapahiya sya sa harap ng mga kaibigan ay napilitan itong makipag harap kay Teresa.

Hele (Lullaby) _complete storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon