Chapter 13

1.7K 66 8
                                    

Rhianna POV

Tinignan ko sa salamin ang aking sarili bago bumaba sa kotse ko. Huminga ako ng malalim at sinuri ang bahay na nasa harap kung saan ako nakapark.

Bahay nina Trek iyon.

Bumaba na ako ng kotse dala ng regalo ko at dahang lumapit sa bahay. Maraming mg bisita lalo na mga bata. Halatang napakasaya ng buong party. Nilakasan ko ang koob kong maglakad papasok sa bahay.

Agad kong hinanap sina Sarah at ang iba ko pang kaibigan na invited sa party. Nakita ko silang nakaupo sa isang round table malapit sa garden area. Agad akong tinubuan ng takot sa katawan nang makita ko silang lahat.

Ang mga barkada ko.

Sina Sarah, Ivan, Colleen kasama si Jolo, si Chiara, Troy, Dave, Josh at iba pang players, sina Ellen, Trek at si... Raine.

"Rhian!!" Nabalik lamang ako sa katinuan nang tinawag ako ni Ellen.

I immediately fake a smile.

Lumapit siya sakin at niyakap ako nang mahigpit.

"Akala ko hindi ka na darating." Sabi niya.

"Pwede ba yun eh birthday ng anak mo." Sabi ko at bahagyang ngumiti.

"Halika ka na." Sabay hila sakin papunta sa mesa nila.

Agad akong napayuko nang makalapit na kami. Alam kong alam na nilang lahat na bumalik ako. Ang hindi ko lang alam kung galit din ba silang lahat sakin.

"Finally kompleto na ang barkada!!" Hiyaw ni Ivan.

Lahat naman sila napasigaw sa saya. Well except for Raine ofcourse.

"Grabe Rhian ngayon ka lang nagpakita namiss ka namin!!" Agad silang nagsitayuan at niyakap ako ng sabay.

Juicekolord!!!!!

Lumaki yata ang katawan nila. Hindi ako makahinga.

"A-ah guys i cant breathe." I utter. Mabilis naman silang lumayo.

"Grabe Rhian ang laki ng pinagbago mo, hiyang yata sayong tumira sa America ah." Sabi ni Troy.

"Oo nga Rhin, 4 years na din pala no." Josh.

"Akala nga namin susundan ka ni Rai--" Dave paused.

"Dave!" Strike cut him.

"Ooops." Nasabi na lang ni Dave.

Napatingin ako sa direksyon ni Raine. Nakatiim bagang umupo lang siya at umiwas ng tingin. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya. Tsk! Kung bakit pa kasi ako pumunta dito eh! Gulo lang ang abot nito.

"U-uhm Ellen asan si Sky?" Pag iba ko ng topic.

"Ah eh... teka-- sky baby come here!!" Tawag niya dito.

Agad namang lumapit sakanya si Sky.

"Mommy!!" Yumakap si Sky kay Ellen.

"Hi Sky happy birthday." Bati ko sakanya.

"Waah Tita Ganda youre here!!" patakbong lumapit sakin si Sky. Lumuhod naman ako para mapantayan siya.

"Happy birthday." Bati ko ulit at binigay yung gift niya.

"Thank you po Tita Ganda!"

"Grabe tol close sila ni Sky." dinig kong bulong ni Troy kay Dave.

"Oo nga eh, satin mailap yang batang yan, pati nga kay Deane eh." Bulong ni Dave.

Deane?? Yun ba ang pangalan ng girlfriend ni Raine?

Parang may tumusok sa dibdib ko ng ilang daang kutsilyo.

Back For You (TLG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon