Gaby's POV
Parang gusto ko magpalamon sa sahig.
"Ms. Dela Cruz, pasok daw po kayo sa office ni Mr. Da Silva.", sabi nung secretary nya.
Nakooo! Eto na ba 'yun?
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Haaaaayyy!
Goodbye work.
Goodbye office.
Goodbye team.
Dahan dahan akong pumasok sa office ni "Mr. Leon" este ni "Mr. Da Silva" pala.
"Have a sit.", sabi nya.
Oh no! Eto na ang moment of truth!
"So first day of work, late?", sabi nya.
Naku patay! Eto na nga ba talaga ang sinasabi ko eh.
"Y-yes sir. Eh kasi po---", di nya na pinatapos yung explanation ko.
"Eh kasi? You see, kahit ano pa man 'yang explanation mo, late ka padin. Lagi ka bang late?",
"Hindi po, ngayon lang po.",
"Sabi dito sa resume mo, professor mo si---",
"Si Sir Rodriguez po.",
"Tinawagan ko. Late ka pala talaga lagi.",
"Naku sir, kung tatanggalin nyo po ako tanggalin nyo na po ako now na. Kesa pinagpapaligoyligoy nyo pa po ako, diba! Direchuhin nyo na po ako sir.",
WHAAAT?!! Sinabi ko ba talaga 'yun?
"So it's true...",
"True po?"
"Na tigre ka pala talaga, Ms. Gabriella Dela Cruz.",
"Uhmmm. Hehehe.",
"Gusto kong mag isip ka ng mga articles and concept na gagamitin ng Pages para sa next month issue. Present mo 'yan sakin the day after tomorrow.",
"So di nyo po ako tatanggalin?",
"Ano ba sa tingin mo, Ms. Gabriella?",
"Uhmmm. Opo mag-iisip po ako ng concept po na ipapasa sainyo.",
"Good...
...
...
...
...
... and one thing more. Please come on time. You may go.",
"Kala mo naman sya hindi late.", pabulong kong sabi.
"May sinasabi ka Ms. Gabriella?,"
"Wala po, labas na po ako sir.",
"Ako lang ang pwedeng malate. Kasi boss mo ako.",
Narinig nya pa 'yun? Ibang klase pala talaga 'tong boss ko! Akalain mo 'yun, sya yung makakasama ko five times a week, 8 hours a day, pwera pa ang mga overtime at keme diba.
Hay nako! Maagang konsumisyon!
Maaga akong nag out, at nag paalam kay James, Laila at Kiko.
Gusto kong umuwi ng maaga. Feeling ko kasi, pagod na pagod ako kahit wala pa naman akong masyadong ginagawa. Nastress kasi ako bigla sa sinabi ni Sir Matt. Nakakaloka!
BINABASA MO ANG
Unchained Melody (On-HOLD)
Romance"Wag mong sanayin ang sarili mo sa mga bagay na alam mong mawawala din sayo." Unchained Melody~ It means love story. A man who hungered for a woman's love; A woman who had lost her faith in love. It's about heartache. It's about chances. This is a s...