Chapter 21: Finding Mr. Monreal
Lorraine's POV
"Ingat Lorraine"
"Ikaw rin. Ingat ah?"
"Hahaha! Baliw! Diyan lang sa kabila yung bahay namin"
"Tsk. Sige na. Sige na, umalis kana!"
Tatalikod na sana ako...
Ng...
Bigla niya akong hinawakan sa balikat ko. Napaharap ako sa kanya at nanlaki yung mata ko sa ginawa niya.
"I-ngat" at bigla nalang siyang nawala na para bang bula
Napahawak ako sa labi ko...
Did Six just stole a kiss from me?
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Andito na ako sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito. Basta lutang yung pag-iisip ko kanina. At tulala sa kawalan.
Eh sino ba naman yung hindi matutulala?! Hinatid ako ni Six na galing sa resort (resort ata). Nag paalam siya sa akin. Nag paalam rin ako sa kanya.
Tumalikod na ako. Pero hinawakan niya ako sa balikat ko at HINALIKAN AKO SA LABI! OH DIBA ABER?! SINO YUNG HINDI MATUTULALA DOON?!
Tapos bigla nalang siyang nawala! At sino naman yung hindi magtataka doon?! Diba?
Napahawak ulit ako sa labi ko. S-second kiss ko siya?
O___________O
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!! Bakit ganon?! Bakit sa ibang tao napupunta yung mga kiss ko?! Bakit hindi kay Lance?!
Kainis! Wala naman ako sa mga movie na napapanood ko ah! Bakit nangyayari sa akin 'to ngayon?! May camera ba sa paligid? Sabihin niyo lang ng mapaghandaan ko 'yun!
Waaaaaaaaah! Huhu! Wala na! Yung first kiss at second kiss ko nawala na! Huhu! Ano na yung gagawin ko?
Eh kung magpatay-patayan kaya ako tapos hahalikan ako ni Lance at mabubuhay ulit ako?
Yung parang ganun sa snow white? Kunyari, ako si Snow white. Si Lance yung prince charming. At si Jach yung magbibigay sa akin ng mansanas.
Oh bakit? Bagay naman kay Jach 'yun diba? Mukha naman siyang mangkukulam ah. (Pogi version nga lang)
Eh kung ganun kaya yung gawin ko? Oha! Edi magkakaroon na kami ni Lance ng kissing scene sa story na'to? Ayiee! Agree ako diyan!
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko ng bigla itong bumukas at niluwa nun si Nanay na mukhang galing lang sa pakikipag boxing. Ang sama kasi ng itsura eh. Parang umiyak siya na buhaghag pa yung buhok at may hawak pa siyang itim na rosas.
Huh?
"Anyare Nanay?" tanong ko sa kanya
Agad siyang lumapit sa akin at...
*Pack*
"Aray!" napahawak ako sa pisngi ko
"Bakit mo ako sinampal?!" tanong ko kay Nanay
"Mang-aagaw! Akala mo hindi ko nakita yung nangyari kanina! Bakit kayo naghahalikan ni Six?! Bakit? Anak! Hindi kita pinakali ng ganyan! Umayos ka!" sigaw niya sa akin
Napatayo ako "Pambihira naman Nanay! Sa ganun lang nagalit kana? Grabe! Argh! Para sabihin ko sa'yo, hindi kami naghahalikan okay? Hinalikan niya lang ako sa labi bilang..."
"Bilang ano? Ano?!" at lumapit pa siya sa akin sabay yugyog ng malakas
Aray ah! Masakit kaya! "Bilang...pagpapaalam. Nanay umalis kasi kami at hinatid niya ako" sabi ko
BINABASA MO ANG
Maid For Rent (On Going)
Teen Fiction|On Going| I'm Lorraine Olivia Lavinia and this is how my --- well our life begins.