THIRTY FIRST

193 6 0
                                    


THIRTY FIRST

? ? ? ' S P O V

Maaga akong pumasok ngayon. Nilagay ko yung bag ko sa labas ng classroom namin dahil bawal pumasok sa loob kapag walang klase.

Inaayos ko yung bag ko at may nahulog na papel. Yun yung certificate na nagpapatunay na kasama ako sa Top.

May kumuha nun at inabot sa akin.

"Oh ikaw pala. Thanks." Sabi ko sabay kuha ng papel kaso nilayo niya

"Hindi ka pa rin nagbabago noh. Lahat gagawin mo para masama sa Top. Lahat gagawin mo kahit pumatay. Gaya dati, pinatay mo si Eric." Sabi niya at hinagis yung papel sa akin

"Pag ako di nakapagpigil papatayin kita." Sabi niya

"A-anong i-ibig mong sabihin?" ako

"Ako yung hinahanap niyo. Ako yung killer." Sabi niya

" **gasps** I-ikaw?" ako

"Oo nga. Paulit-ulit? Sige mag-sumbong ka na ako yun. Ikakalat ko ang sikreto mo. Pareho lang tayong killer. Ako nakapatay, ikaw pumatay!" Siya

"H-hindi. Hindi ako killer. Ikaw lang. Isusumbong kita." Ako at tatakbo na sana pero mabilis ang pangyayari

Hinatak niya ako at sinandal sa pader at tinutukan ng kutsilyo sa leeg. Padiin ito nang padiin.

"Bago ka makapagsumbong patay ka na. Ano? Magsusumbong ka pa?" siya

"H-hindi." Ako

"Good." At binitawan na niya ako.

Hinawakan ko ang leeg ko at may dugo ito. Hindi naman kalaliman ang sugat.

Pagkatapos kong magpagamot sa clinic ay lumabas na ako. Natatakpan naman ng buhok ko yung sugat dahil sa bandang gilid ito.

S O M E O N E ' S P O V

Matapos sa kanya, kay Sean naman ako. Alam kong nakita niya ako nung biniktima ko si Drace. Baka nga nakita niya rin ako ngayon kasi nung pumunta ako sa bench kung saan tambayan ng section namin ay nandun siya, nakikipagkwentuhan at napatingin pa siya sa akin ngunit agad din namang binawi.

Wait ka lang Sean, ikaw naman ang susunod.

C L A U D I A ' S P O V

Kakapasok ko lang sa school. Nilapag ko na ang bag ko sa labas ng classroom namin. Napatingin ako sa loob ng room namin. Nakita ko nanaman siya, ang batang lalaking duguan.

Tumalikod na ako at nakita ko siya sa harapan ko.

'T-tulungan m-mo k-ko..'

Pinikit ko ang mata ko para di siya makita pero pagpikit ko ay nakita ko siya. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko na lang ang sarili ko na nasa classroom. Nakikita ko ang mga nangyari na nakita ko na dati nung pumunta ako sa classroom para kunin ang libro ko.

Nakita ko ang buong pangyayari. Yung batang lalaking laging nagpapakita sa akin ay siya yung binubugbog ng mga kaklase ko. Oo alam kong mga kaklase ko yung dahil kahit naman bata pa ang itsura nila ay namukhaan ko naman.

Napapikit ako nang makita ko ang dahilan kung bakit siya, yung batang lalaki, namatay. At pagdilat ko ay nasa labas na ako ng classroom kung nasaan ako kanina. Wala na yung batang lalaki.

Yun ang akala ko dahil lalakad na ako pero may bumulong sa tainga ko ng 'T-tulungan m-mo k-ko..' . Tumalikod ako at nakita ko nanaman siya.

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko

At sinabi niya sa akin ang kailangan niya.

S E A N ' S P O V

"Knock Knock!" sabi ni Drace

Nandito kami nina Drace, Marion, Mark, Laurence, Philip, at Jimuel sa isang bench habang nag-aantay sa flag ceremony.

"Who's there?" sagot namin

"Saging Tutong." Sabi niya

"Saging Tutong who?" sagot namin

"Akala ko ikaw ay SAGING, TUTONG sa aking paningin~~" kanta niya at nagtawanan kami

Habang tumatawa ako ay may nahagip ang mga mata ko. Nakita ko siya na nakangisi at tinitingnan ako ng matalim. Nawala ang mga ngiti ko sa labi ngunit agad ko rin namang binawi at nakipagtawanan ulit.

"Ako naman may joke." Sabi ni Jimuel "Ano tawag sa maliit na kambing?"

"Ano?" sabay sabay naming sabi

"Edi kapirangGOAT."

Lumingon ako ulit at wala na siya duon. Alam kong siya ang gumagawa nito. Ang pumatay kay Miggy, ang nangbiktima sa bawat naming kaklase. Sigurado akong siya yun hindi lang dahil sa nakilala kong siya ang gumawa nun kay Drace nung tumakas siya pero may isa pang dahilan.

Kailangan kong sundan siya. Kailangan kong maghanap ng ibidensya na siya talaga yun. Pero di ko alam kung paano.

Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa mga kaibigan ko at sinabing "Ako naman ang may joke."

============================

Anong pwedeng mangyari kay Sean?

Ano nga ba ang kailangan nung batang lalaki kay Claudia?

Abangan sa susunod na kabanata↠

Find out next chapter⇛

Wait for my next update...➜

V o t e

(if nagustuhan niyo)

C O M M E N T

(if there's something opinions, violent reactions, or anything na magpapatahimik sa kaluluwa niyo about TCOA6G =)) or baka naman may hinanakit kayo sa characters)

S h a r e

(share and spread TCOA6G =)) thank you)

01-07-16

©CrishaneAen❞



The Classroom of a 6th GraderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon