Untold Story of Ella

44 3 0
                                    

UNTOLD STORY OF ELLA

Sound Track - Ikaw Na Nga Yata (Kathryn Bernardo)

"May mga taong darating at aalis sa buhay natin. Lahat ng mga taong iyon ay may dahilan."

I'm Gabrielle Sebastian. Nineteen years old,fourth year highschool student. Bakit highschool pa lang ako? Well,kung hindi ako kinikick-out sa school ay nagdadrop ako.

I'm not a writer but I want you to read my story.

I met this girl four years ago. Galing akong bar at pauwi na ako sa bahay ko. Nang muntik ko siyang masagasaan. Nagdadalawang isip ako nun kung dadalhin ko siya sa hospital o iuuwi dahil nawalan siya ng malay.

Napagpasyahan kong iuwi na lang siya dahil wala naman siyang gasgas o kahit anong galos. Sanay na ako sa mga magagandang Babae pero iba ang ganda niya. Masiyadong maputla ang itsura niya at wala man lang kaayos-ayos sa sarili.

Kinabukasan nun,naghanda na ako ng tseke na ibibigay sa kanya bilang areglo sa nangyari. Tinitigan niya ang tseke ng matagal at nagulat ako dahil bigla niya itong isinubo at nginuya.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo kinain yon?"~ gulat kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya. "Hindi ba yon pagkain?"

Napakamot ako nung ulo. Napangiti ako.Tongue Inerns nagkaamnesia siya? Pinadudura ko sa kanya yung papel pero nalunok niya ng lahat. Patay ako nito paghinanap ito ng magulang niya. Ipapakulong ako panigurado. Naamnesia ang anak nila ng dahil sa pagkakabangga ko sa kanya. Pero mahina lang naman yon ah.

Pinatira ko muna siya sa bahay ko para magkaroon na ng alaala pero ang alam niya lang ay ang pangalan niya. "Ella" raw.

Pati toothpaste paborito niyang papakin dahil masarap daw sa bibig. Gagawin ba yon ng matinong tao? Okay lang naman dahil sa twing papasok ako (gagala lang naman) ay pag-uwi ko malinis na ang bahay.

Yung mga damit ni Mommy ang pinasusuot ko sa kanya. Maluwag sa kanya pero okay naman. Minsang naglalaro ako sa laptop ko ay nagtanong siya.

"Anong ginagawa mo sa bagay na yan Gab?"

"Nagbabasa ako. May exam kami bukas" - masungit kong sabi.

"Anong binabasa mo? Gusto ko rin magbasa Gab" - pagmamakaawa niya.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang paglalaro ko. Nagmamakaawa pa rin siya kaya tinuro ko sa kanya yung mini library malapit sa kwarto at tinuro ang mga hindi nagagalaw na libro. Masaya siyang tumakbo roon para kumuha ng libro. Isip-bata talaga.

"Parang mas maganda yung napili mong libro Gab. Bakit may pindutan yung sayo at umiilaw? Pero okay na to. Anong magandang basahin dito Gab? Itong kulay black na libro o itong lalaking may hawak ng baril?" - makulit na tanong nito. Hindi ko lang siya pinansin. " Ah ito nalang babaeng may kasamang lalaki. Ang ganda ng babae oh" - nakita kong nakatitig siya sa libro.

Napabuntong hininga ako. Kailan kaya gagaling yan para makauwi na sa kanila.

"Gab ang ganda talaga ng babae oh." - sabi niya. Lumapit pa sakin para ipakita ang libro. Nagame over tuloy ako. Iniwan ko siya doon at pinabayaang basahin ang libro na hawak niya. Para manahimik naman ang buhay ko.

Kinabukasan nun kinukulit niya na ako pumuntang park. Ayoko nga atsaka baka may nakakakilala sa kaniya ron diba? Tinanong ko siya kung bakit gusto niyang pumunta sa park.

"Dun sa nabasa ko si Rufert at Elsa namamasyal sa park eh. Baka andun pa sila. Gusto ko makita sa personal si Rufert kasi gwapo raw siya at mabait sabi sa libro. Tapos gusto ko rin makilala si Elsa kasi marami siyang ginagamit na pampaganda. Hihingi ako." - mahabang paliwanag niya. Potek sa libro niya lang yon nabasa akala niya siguro totoo. Natawa ako sa kanya. "Sige na Gab. Nakakakilig silang dalawa promise." - tinaas pa nito ang kanang kamay.

Untold Story of EllaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon