Yeah, yeah. Enough with this introduction. Please~ Don't you dare continue. Sigh~ Wala na. Ayan na turn ko na. Tsk tsk.
"Yes, Ms. Perez. Go ahead." sabi ni Sir Hiro
Sir Hiro is our instructor in College English. Tapos na siyang mag-introduce ng sarili niya. Hiro Manalo ang full name niya. Instructor III na siya dito sa TERP University na hindi namin alam kung anong terp [trip] nila at 'yan ang pinangalan dito. Well kidding aside,maybe you're all wondering kung bakit hindi ko alam. Yes, I am a student in this school and I must know what kind of school I am attending kaya lang wala talaga akong maresearch about sa pangalan ng school na pinapasukan ko.
"Good morning! Sharina Perez is my name but calling me Rina will do. I honestly don't like to share something about myself. Sorry Sir. I have reasons. That's all." umupo na ako at nakinig na lang
Sir Hiro smiled at me. "Your turn." sabi niya sa katabi ko
Nagpakilala lahat ng classmates ko. The usual thing during the first day of classes. Kaya ayaw ko kapag first week eh puro introduction palang nangyayari sa mga klase. Hindi lang kasi pangalan ang sasabihin mo, dapat may kahit konting details about sa sarili mo at 'yun ang ayaw ko. Nabasa niyo naman di ba kung anong pangalan ko? So I assume na kilala niyo na ko? Kilala by name oh. Sana, kasi ayaw ko na ulitin pa. Hahaba lang 'tong chapter na 'to.
Anyways, dinismiss na kaagad ni Sir Hiro ang klase. May 30 minutes pa dapat siya to introduce the subject but I guess he gave the rest of the time for us to do kung ano man ang gusto namin gawin. After lumabas ni Sir, may lumapit sakin.
"Hi, Rina right? You look familiar. Have we met before? Ooh, I am Joli by the way." nakangiti siya sa akin habang ako naman nakatingin ng diretso sa kanya. Maputi siya at angelic ang mukha. I like her eyes, very expressive.
"Your name doesn't ring a bell and I am sure that we haven't met before." nawala bigla ang ngiti niya at sinundan ko lang siya ng tingin habang pabalik siya sa upuan niya. Sorry~
Hala. Pumapangit ata ang pakikisama ko sa mga tao ah. Huhuhu. Tipid lang talaga ako makipag-usap. One question, one answer lang ang peg ko. Ewan ko. Ganoon lang talaga ako e. Lumabas muna ako ng room. Sa gilid kasi nito ay waiting area para sa mga students. Walang tao kaya umupo muna ako doon at nagmuni muni. Parang ang tagal tuloy ng oras. May umupong lalaki sa tabi ko kaya aalis na sana ako ng magsalita siya.
"Oops, are you leaving 'cause I came?" assuming naman 'to oh
Pinagmasdan ko muna siya. I think I can stay for 5 more minutes. Hmmmm, this guy is good-looking. Woah! I am not staying because of that huh. Dito muna ako kasi mukha namang walang gagawing masama 'to e tsaka nauna ko sa kanya sa lugar na 'to.
Silence enveloped the waiting area for 3 minutes. Good. Very good. Pagtingin ko sa lalaki, nakasandal siya sa pader at nakapikit. Kaya pala hahaha. Hindi ko naman sinasabi na kung hindi siya nakapikit ay mag-iingay siya, ang feeling ko naman.Ah basta. Iniwan ko na lang muna siya doon at bumalik sa classroom.
Just after entering the room, I heard a scream from one of my classmates. She's looking at the back.
"Sunoooog! Omg may sunog!" nagtakbuhan palabas ang mga kaklase ko. It's true, nasusunog yung back part ng classroom namin kaya tumakbo na rin ako palabas sa may field. Grabe. Lahat kami dito hindi makapaniwala. Humingi na sila kanina ng tulong from the authorities. May mga dumating na rin na mga bumbero. Thank goodness! Oh my God! Yung gamit ko naiwan ko sa loob. Silang lahat nadala nila gamit nila. Asar! Huhu. Bumalik ako sa may building at pupunta sana sa room ng pigilan ako ng mga bumbero.
"Kuya, I left my bag inside. If you could just-" napaupo na lang ako dahil umiling si Kuyang bumbero. My phone, my wallet, my laptop, my everythiiing waaaaah. Wala na akong nagawa. Natauhan na lang ako ng itayo ako ng isang lalaki.
"Ah, ate. Delikado dito. Tara sa may field." inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa field.
"Excuse me, thank you! Thank you na rin kahit hindi mo naman talaga ako natulungan sa totoo lang." sarkastiko kong sabi pero he just smiled
"Rina, are you okay? What happened?" ang bait naman ng mga classmates ko nakakatouched
"I'm okay. I'm okay." 'yan nalang sinabi ko para tapos na ang usapan
"No, she's not." sabi nung lalaking tumulong sa akin na hindi naman talaga
Huh. Asar dito sa lalaking 'to. He doesn't even know me.
"Why? Tell us Rina, what's the matter?" follow up question nila
What the hell? Hahaba pa tuloy 'to. This guy is really getting on my nerves. Kala mo kung sino siya. Calm down, Rina. You don't have to waste your time with this guy. Okay lang yan. Pabayaan mo na siya. I assured my classmates that I am really okay, na wala talagang problema. Mabuti nalang at hindi na nakisali pa 'tong matangkad na lalaking 'to.
Wala ng apoy. Nakaalis na rin ang mga bumbero. Pinauwi tuloy kami ng maaga dahil sa nangyari. And that's how my first day ended. Naah, hindi pa pala tapos.
"I am Ryan, Ryan Cruz. Are you free today?" siya yung lalaki kanina
"Sorry, I am not supposed to talk to you, right?" di ko naman talaga kasi siya kilala
"That's not the answer I am expecting. Haha just answer me with a Yes" weird nito
"Well, I would say no." umalis na ako at iniwan siyang nakangiti? Baliw ata 'yon. Weird. 'Di man lang ako pinapili kung 'YES or NO'.
BINABASA MO ANG
Strangers to BestFriends to Lovers?
Teen FictionDays, months and years. Those times you spent with very special people are really for keeps. Making memories that will be forever cherished and treasured. Maybe all of you will agree that these memories are best when made with your friends or I'd ra...