FLASHBACK***17th of january, 2011, alas nuebe na ng gabi ng lumuwas ako patungong ilocos, sobrang excited ako that time, makakauwi nako makikita ko nanaman mga mahal ko sa buhay...
Napakamot ako sa ulo ko nang maalala kong may nakalimutan pala ako "Hay! Sa sobrang excited ko nakalimutan kong bumili ng pasalubong"
Alas sais na ng umaga january 18 nang makarating ako sa home town ko deretso agad ako sa bahay nagpahinga....
Nakahiga na'ko sa kama nang tumunog cellphone ko may nagtext...
Couz Bry: "uhy!!! Couz nkauwi kana pala, musta biyahe? Nga pala if you need work agad punta ka dito sinabi ko na kay ate she said yes"
Me: "nakakapagod magbiyahe pero okay lang nasa bahay nako taking a huge rest :) sige couz punta ako bukas"Sumagi sa isipan ko'kakaresign ko lang sa dati kong work magkakawork ako agad :) 1st blessing for this year... Excited na'ko para bukas sana maging maayos ang takbo ng buhay ko ngaung taon na'to'
End of flashback***
~~~~~~
'Nga pala ako si jazz 26 at isa akong lesbian, 22 ako nung mameet ko ang true love ko, 5 years na kami sa february 1, 2016... We're happy and contented with each other our relationship is going stronger everyday:)'
~~~~
Flashback***
Masaya ako sa unang araw ng trabaho ko pero sobrang nakakapagod kasi fastfood chain dapat alerto madaming costumer. Friendly akong tao at joker din minsan kaya mabilis kong nakuha loob ng mga kasamahan ko sa trabaho. After work nakikipagkulitan ako sa kanila yung iba may sariling mundo nakaupo sa tabi nakatulala sa kawalan.