Kabanata IV
"Iyan lang dadalhin mo?" tinaasan ko siya ng kilay. Nakikita na nga niya nagtatanung pa! Maka-lang siya e isang malaking bag na nga itong dala dala ko.
"Hindi ba halata?" sarkastikong sabi ko pero nagkibit balikat siya at tumingin sa buong kwarto ko.
"Hindi mo ba kailangan iyon? Iyang mga libro mo o kaya dalhin mo nalang ang buong gamit mo?" inosenteng sabi niya.
"Hindi ako doon titira! Tutuloy lang ako hanggang sa bumalik si Tatay! Pwede kong balikan ito at kung anuman kung kakailanganin ko!" sabi ko. Kinamot ko ang batok ko ng makitang magulo ang kama ko.
"Ang sungit mo sa'kin! Hindi naman kita inaaway!" nakangusong sabi nito. Inirapan ko siya bago kaunting tinulak para maayos ko ng mabuti ang kama kong ginulo niya.
"Asha bakit ang sungit mo sa akin?" sinamaan ko siya ng tingin. Nakakaubos siya ng dugo! Para akong nakikipagusap sa bata.
"Tanungin mo sarili mo!" inis kong singhal. Lumapit ako sa bag ko at kukunin na sana pero inunahan niya ako. Magrereklamo sa ako pero naunahan niya din akong magsalita.
"Ako na. Mabigat. Kunin mo nalang iyong phone ko" sabi nito at nginuso ang likod ko. Tinignan ko ang nginunguso niya at nakita kong nakapatong sa table sa gilid ng kama ko ang phone niya. Bumuntong hininga ako at sinunod siya.
Bumaba kami sa sala at lalo akong nalungkot ng makita ang mga bagahe ni Tatay sa tabi ng table. Dalawang malalaki iyon. Magtatagal nga siya.
"Cheer up! Babalik din naman si Tatay Jaime. Ilang tulog lang iyon!" sabi ni Kris. Nagkibit balikat lang ako at lalong sumimangot. Ayoko ng umalis si Tatay!
"Wala na ba kayong ibang driver? mayaman naman kayo 'di ba? pwede bang h'wag nalang si Tatay ko?" bumuntong hininga si Kris at umiling.
"Marami pero kay Tatay Jaime lang malaki ang tiwala ni Tatay. Importante ang pupuntahan nila sa Batanggas at ang kailangan ni Tatay ay ang mga taong mapagkakatiwalaan. Malapit lang naman ang Batanggas, Asha. Kung namimiss mo si Tatay Jaime pwede natin siya dalawin" wala na talaga akong magagawa.
Isinakay na ni Tatay ang gamit niya at gamit ko sa sasakyan. Tahimik lang ako buong byahe. Kahit ilang beses akong kinulit ni Kris ay hindi ko pinansin.
"Tatay" sambit ko ng makababa kami sa Mansyon nila. Ibinaba ni Kris ang bag ko.
"Naku ang dalaga ko! Hindi naman ako mag-a-abroad. Ilang buwan lang 'yon. Tsaka dadalaw naman kami ni Kristoff" umiling ako at yumakap kay Tatay. Alam ko mukhama akong bata pero hindi kasi ako sanay ng wala si Tatay. Simula nang mawala si Nanay ay ayoko ng napapalayo kay Tatay.
"Tay naman e!" reklamo ko ng kiniliti niya ako. Tumawa ito kaya napatawa na din ako.
"Kapag tumigas ang ulo ng dalaga ko Ysa kurutin mo sa singit o kaya paluin mo sa pwet" biro pa nito. Nasa likod ko na pala sila kasama ang mga anak nila na nakangiti sa amin. Bigla tuloy akong nahiya.
"Tay dalaga na ako! Hindi na ako kinukurot sa singit!" reklamo ko pero hininaan ko ang boses ko. Baka marinig nila na noong bata ako ay talagang kinukurot ako sa singit ni Nanay.
"Dalaga na 'yan Tatay Jaime! Pwede na ngang ligawan!" inirapan ko si Kris.
"Pero h'wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Ysa, Atasha" tumango ako. "Ysa ikaw na bahala sa Dalaga ko" hinalikan ako ni Tatay sa noo at tinapik ni Tito Kristoff. Naramdaman kong may yumakap sa likod ko ay tiningala ko siya. Nanigas ako ng makita si Tita Ysa. Nginitian niya ako at hinaplos ang buhok ko.
"You'll be okay. Isipin mo nalang ako ang Nanay mo" hindi ko alam kung bakit tumango ako. Kinawayan namin ang papalayong kotse.
Kahit wala na iyon ay nakatingin parin ako sa dinaanan non. Umalis na talaga si Tatay.
"Halika na, Atasha. I'll show you your room" tumango ako at wala sa loob na sumunod.
Huminto kami sa isang malaking pinto at nalaglag ang panga ko ng makita ang kaloob looban nito. Ang laki at ang garbo! Parang kwarto ng prinsesa!
"Ang ganda!"
Nilagay ni Kris ang gamit ko sa gitna ng kama at umupo sa gilid nito.
"Ito ang magiging kwarto mo" nanlaki ang mata ko. Ang laki laki naman! Kahit sa maid's room lang ako ok na dahil isang malaking pabor na ang tumira ako dito.
"Ang laki po tsaka... Ok na po ako sa maid's room. H'wag na po dito" iiling iling na sabi ko. Nakakahiya!
"No! you're my guest. Dito ka titira at h'wag ka ng tumanggi. Hindi ka nagpunta dito para magtrabaho Atasha" kinagat ko ang labi ko. Ang laki talaga. Hindi ako sanay pero hindi ako makatanggi pag si Tita Ysa na ang nagsalita.
Ngumiti siya ng tumango.
"Maiwan ko muna kayo. Rest if you want. Kung gutom ka nasa kitchen lang ako, 'kay? Feel at home Atasha" tumango akong muli.
"Behave Kris"
"Opo Nanay" sabi ni Kris pero hindi ko alam kung magbe-behave talaga siya dahil nakangisi na naman.
"Huwag mo ako kausapin!" bigla kong sabi ng makitang magsasalita siya. Ihinilig niya ang ulo at lalong ngumisi sa akin. Para talaga siyang baliw.
"Pero gusto kitang kausap" giit niya.
"H'wag ka magsalita! Quiet ka lang!" sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Inirapan ko nga.
Inikot ko ang tingin ko sa buong paligid. Pinagsamang royal pink at puti ang buong kwarto. Ang wall ay puti pero ang ceiling ay pink, ang bed at pillows ay puti pero ang comforter pink maging ang lamp ay pink. Ang ganda ganda talaga!
"Ang ganda" sambit kong muli pero kahit maganda kung wala si Tatay parang wala din. Natigil lang ako ng may bumato sa akin ng unan.
Sinamaan ko ng tingin si Kris. "Bakit mo ako binatong unggoy ka! Inaano ka ba!" pinulot ko ang unan bago lumapit sa kaniya at piningot siya.
"Ouch! Tama na! Aray!" binitiwan ko ang tenga niya at pinamaywangan siya.
"Ang kulit kulit mo! Nakakasira ka ng ulo! Saan ka ba nagmana? Ang bait bait ng parents mo!" inis kong sabi. Ngumuso siya at hinimas ang tenga niya. Kumalma ako ng makita ang namumula niyang tenga. Ang kulit kulit kasi.
"Hindi na po. Nakasimangot ka na naman kasi. Babalik din si Tay Jaime" bumuntong hininga ako at tumabi sa kaniya.
"Hindi naman kasi ako sanay ng wala siya"
"Di maghapon nalang kitang kukulitin para naman hindi mo maalala si Tatay Jaime!" pinalo ko sa kaniya iyong unan! Panira talaga ng momeng ang lalaking ito!
"Alis ka na nga! Wala ka nang ginawang matino!" tumayo ito at tatawa tawang lumabas. Umiling nalang ako at humiga.
Namimiss ko na si Tatay!
BINABASA MO ANG
Dela Marcel VII: Crazy In Love
Dla nastolatkówKris Night Dela Marcel DELA Marcel Series: Crazy in Love Story Cover by: Krunchey