Family

25 2 0
                                    

Pinagmamasdan kung mabuti ang araw na papalubog. The sky look so amazing. Araw-araw lagi ko itong inaabangan. Kahit ilang beses ko itong tinitignan hindi ako magsasawa. Ang sarap pa ng simoy ng hangin. Fresh air kung fresh air. Ibang iba kaysa sa syudad. I should just stay here and won't come back in the city.

Hmm. I should ask my parents.

Andito ako sa may dalampasigan. Nakaupo sa buhangin. Hindi ko na inalintana kung madumihan man ang damit ko. I can feel the sand in my feet, my toes and even took a few in my hands. Pinaglalaruan ko pa ang mga buhangin hanggang papalubog na ang araw. Unti unti ng nagdidilim. Nagsisialisan na rin ung mga ibang namangka at namasyal dto sa dalampasigan. Ako na lang ata naiwan.

Sigh. I should get going. Baka hinahanap na ako.

Tumayo na ako. Pinagpagan ko ang shorts ko para mawala ang mga buhangin. At sinuot ko na ang tsinelas ko. Naglakad na ako pauwi sa rest house. Andito ako sa bahay bakasyunan ng pamilya ko dahil summer naman na. Kasama ko lang yung isang kasambahay namin para may makakasama ako. Busy mga parents at kuya ko sa business namin. Ayaw naman nila na mag isa ako kaya pinasama nila sa akin si Ate Myrna. Sabi naman nila susunod sila. Pero nakalipas na ang isang buwan ng bakasyon wala parin sila. Hindi na ako nag expect dahil alam ko naman kung gaano kaimportante sa kanila yung negosyo dahil ilang taon na rin na nung muntikan ng mabankrupt eto. Ginagawan nila ng paraan para maibalik nila ang dating katanyagan neto na sinimulan ni Lolo Sebastian.

Ilang taon ko nang hindi nakakabonding ang parents ko. Si kuya naman pagkagraduate niya 5 years ago ay tinutukan na rin niya ang negosyo. Kaya mas napabilis ang pag lago ulit neto. Kaso kulang parin daw kaya mas nagpaka busy pa sila. Hinayaan ko na lang.

Pagkabalik ko sa bahay. Kakatapos lang magluto ni Ate Myrna ng pang dinner. Kaya inaaya niya na akong kumain. Sabi ko naman maliligo lang ako saglit. Para mawala rin yung mga buhangin sa katawan ko. Tinanggal ko isa-isa mga damit ko. Pinagmasdan ko sarili kong katawan sa salamin. Nangitim ako. I can see the tan lines. Walang araw na hindi ako nagpupunta sa dalampasigan. Gustong gusto kung pakinggan ang mga alon. Yung magandang ihip ng hangin. Habang tinitignan ko ung katawan ko. Napansin ko yung scar ko bandang dibdib. Hindi siya ganong halata. Hinawakan ko ung peklat kong iyon. Sari saring ala ala ang bumabalik. Sakit. Lungkot. Galit. Bago pa tumulo ang luha ko. Pinigilan ko na ang mga ala alang bumabalik at dumiretsyo na ako ng banyo.

Pilit kinakalimutan ko ang trahedya na parang kahapon lang nangyari kahit 8 years ago na iyon. Minadali ko ng maligo. Pagkatapos nagbihis na ako at tumungo na ako ng kusina para makakain na kami. Nakahain na ang mga pagkain. Umupo na ako, naupo na rin si Ate Myrna na harapan ko. Nag umpisa na kaming kumain. Nilantakan ko itong pritong bangus. Paborito ko kasi eto.

"Sabi ng mama mo baka next week makapunta na sila dito"

Napatigil ako sa pagkain.

"Baka? So hindi pa pala sila sigurado. Wag ka ng mag expect Ate at for sure parang last week lang yan na nagpromise si mama na makakasunod na sila pero hindi naman natuloy" at tinuloy ko ng kumain. Nawalan na ako ng gana. Kaya napatagal na ang pagkain ko.

Nalungkot naman si Ate Myrna at inoobserbahan na lang niya ako habang kumakain kami.

"Alam mo naman busy sila. Para rin naman sayo yung ginagawa nila eh. Intindihin mo na lang"

Intindihin? Ano ba ang ginagawa ko. Half of my life yun na ang ang ginagawa ko. Naasar ako sa sinabi ni Ate Myrna kaya hindi ko na napigilan sabihin hinanahing ko.

"Busy? Saan? Sa negosyo? Matagal ko ng alam yun. Almost 8 years. 8 years! Wala na silang ginawa kundi magtrabaho. Since nung aksidente at muntik ng ikabankrupt ng negosyo wala na silang ginawa kondi Magtrabaho ng magtrabaho. Hindi man lang ba nila maisip na kailangan ko rin sila. Na may anak na nangangailangan ng aruga at presensya nila. Physically! Yung nakakasama. Nagpapakalunod sila sa trabaho para mabigyan ako ng karangyaan? Hindi ko kailangan yung material na mga bagay. Konting presensya man lang sana nila. Kahit isang oras sa isang araw. Hindi ba nila kayang gawin yon? Even 30 minutes? Hindi ba nila kayang ibigay yun sa anak nila. Mangangamusta nga sila pero swerte ko na kung umabot ng 10 minutes. Ang masaklap pa doon. Sa phone ko lang sila nakakausap. Daig ko pa ang parents na asa abroad." Puno ng hinahing ang sinasabi ko kay Ate Myrna. Kita ko rin sa kanya ang lungkot at awa.

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang aking kamay. Tinuloy ko ang mga matagal ko ng kinikimkim sa sarili ko.

"Noong una. Masaya pa dahil nakakasama ko si kuya. Pero ng malapit na siyang mag graduate pinressure na siya ni Daddy na magtrabaho. Kaya konti na lang rin time ni kuya sa akin. Nang nakagraduate naman siya. Ayun pati si kuya nawalan na rin ng oras sa akin. Naiwan akong magisa sa bahay. Walang makausap. Kundi kayo lang. Uuwi lang ata sila sa bahay para magbihis" hindi ko na napigilan umiyak uli. Bumuhos na mga luha ko. Lalapitan na sana ako ni Ate Myrna.

"NO! Don't come near me! Wag mo ako kaawaan" Pasigaw ko sa kanya.

"Sige. Hindi na ako lalapit. Huminahon ka lang. Hindi naman siguro nila sinasadya yun. Mahal na mahal ka ng pamilya mo Eunice"

"Mahal?" Napatawa ako saglit at tumulo lang uli mga luha ko. Umiling ako

"Nagkakamali ka. Hindi nila ako mahal. Kahit sana man lang kahit isang linggo lang nakuha nila akong puntahan dito. O kung natatagalan man sila sa isang linggo kahit sana isang araw man lang. Pagod na akong manghingi ng atensyon sa kanila. Pagod na pagod na ako. Ayos pa nung dati eh. Nung naguumpisa pa lang nilang ibangon ung negosyo. May oras pa sila sa amin. After 2 years wala na. WALA NA! Hindi ko na sila makausap ng maayos. Kundi sa telepeno na lang dahil hindi na kami nagkaka abutan sa bahay. " huminto muna ako saglit. Unti unting inaalala mga nangyari sa akin. Disappointments, sadness, and insecurities.

"Buong high school ko. Tuwing kailangan pumunta ng parent sa school si Nanay Criselda ang laging nagpupunta. Unang nagkaroon ako ng period ikaw tumulong sa akin at ikaw pa nagbigay ng mga tips. Even sa mismong debut ko. Andoon lang sila for an hour and they immediately left. 1st rose ko pa man doon si daddy. Si Kuya rin escort ko but he had to go. Living me family-less at that time. Yun dapat ang pinaka masayang araw ng buhay ko. Pero nalugmok ako ng sobrang disappointment. Kita ko rin sa mga bisita ko na kinakaawaan nila ako. I felt there pity on me. Kaya nga ang agang natapos yun eh. Graduation ko ng high school hindi man lang sila nakadalo. Ako lang umakyat sa stage. Si Ma'am Jennyvive pa ang nagsuot ng medalya ko. Now tell me? Do they still even love me? Kung wala silang ginawa kundi neglect me? HUH?!!" I look at Ate Myrna full of sadness. And I saw her divert her eyes at my back and saw her paled. May narinig akong hikbi. I turned around I saw them.

Mom silently crying while dad is comforting her and Kuya looking at me with sorry eyes.

I stop crying and just look at them. Frozen in place. Regret. No! I shouldn't feel this. This is all there fault.

"Sweety-" mom tried to come near me.

"Stop! Don't you dare touch me." And I run as fast as I can.

Lumabas ako ng bahay dumiretsyo ako sa shore. I let the water come near my feet. Hindi ako umatras. Pinakirdam ko ang paligid. Paonti onti akong palapit sa dagat hanggang bandang tuhod ko na ang tubig. Hinayaan ko lang ang alon. I open my arms and close my eyes and feel the breeze. Feeling calm. Habang dinaramdam ang tubig, araw at hangin.

Dumiretsyo ako ng lakad. Pataas ng pataas ang tubig hanggang asa bandang chest area ko na to. Lumakas ang alon. Nabasa ang mukha ko. I open my eyes. Malalim na pala. Lumangoy pa ako ng onti. Palayo. I can feel na bumibigat ang shorts ko, naka maong short pa man din kasi ako. I tried floating pero pagod na rin ako. Kaya naisipan ko ng bumalik sa shore. Hindi pa ako masyadong nakakalayo ng I felt sudden numbness in my legs. Hindi ako makagalaw. Parang may mabigat na humihila pababa sa akin. I tried flapping my arms. Para hindi ako lumubog. I close my mouth and eyes and tried to waddle really hard para maka ahon pero parang mas lumalalim.

Konti na lang ang lung capacity ko. I need air. Oxygen

Napagod na mga muscles ko sa braso. I just calm my self and let the water floats me away.

I just stop. No use for me to still fight kaya hinayaan ko na.

Slowly. I remembered her. Scar. Chest.

Sis i'm close. We'll see each other again. Wait for me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon