Nicole's POV
Ako?
Chismosa?
Ako?
Ako?
Ako?
Chismosa agad? Di ba pwedeng curious lang? Na nagtatanong lang? Na gusto ko lang malaman? Chismosa talaga agad?
Kainis!
Bad trip!
Intramurals pa naman ngayon, bad trip ako. Yung Jack na yun kasi eh! Napakaepal! Nakakainis! Papansin!
Ngayon, mag-isa ako.
Di man lang ako sinundan ng mga bests ko! Mas pinili pa nila yung mga lalaking yun kesa sa akin na mas matagal na nilang kilala at bestfriend pa! Nakakatampo sila!
Pero joke lang!
Alam kong love nila ako. Tinawag pa nga ako ni Jennifer eh.
Napabilis lang ata ang pagtakbo ko? Hahahaha..
Pwede na pala akong sumali sa Track and Field? Sayang! Bakit ngayon ko lang nalaman ang talent ko sa pagtakbo kung kelan aalis na kami sa school nato? Sayang talaga! Marami na sana siguro akong medals, trophies at certificates na natanggap. For sure naman na ako ang mananalo! Ang hangin ko na masyado! Hahahaha..
Biro lang.
Pinapatawa ko lang ang sarili kong nadudurog dahil sa sinabi ni Jack.
Charot!
Nadurog talaga? Edi patay na ako ngayon.
Anyways, san ako pupunta ngayon?
Uuuuhmmm?
Tambayan?
Ayoko! Baka andun si Tristan. Pag-buntungan pa ako ng galit nun dahil naalala niya ang girlfriend niya. But it's not my fault kung bakit nabuksan ang topic na yun. Alam ko sa sarili ko at nakita ni Lord ang pangyayari kanina na hindi talaga ako.
Sa pagmuni-muni ko, nakita ako ng kaklase ko.
"Nicole? Okay ka lang?" Jason
"Ui Jason! Yeah! I'm fine." Ako
"Kanina pa kasi nakasimangot yang mukha mo at parang malalim ang iniisip mo." Jason
"Hahahaha.. Hindi. Kanina mo pa napansin?" Ako
"Oo. Pagdating mo dito sa school garden." Jason
"Ahh.. hahaha.. Ganun ba? Nasa garden na pala ako ng school? Hahahaha.." ako
Dito pala ako dinala ng mga paa ko.
"See? Malalim nga ang iniisip mo kasi di mo man lang alam na nasa garden ka na." Jason
"Hahaha.. Siguro nga. Bakit ka pa la andito?" Ako
"Kanina pa ako dito. Tumatambay lang. Ikaw? Nasan yung mga kaibigan mo?" Jason
"Ahh.. Humiwalay lang ako sa kanila. Gusto ko munang mag-isa." Ako
"Gusto mong mag-isa?" Jason
"Oo." Ako
"You mean, papaalisin mo ako dito kasi gusto mong mapag-isa?" Jason
"Ui hindi naman. Hahaha.. Grabe ka naman. Para namang ako ang may-ari ng garden nato. Hahaha.." ako
"So ikaw na lang ang aalis?" Jason
"Hahaha.. Hindi rin. Dito na lang ako. Hahaha.." ako
"Akala ko ba gusto mong mag-isa?" Jason
BINABASA MO ANG
He's Mine. She's Mine.
Teen FictionSundan ang story ng mga magbabarkadang sina Rebecca, Queenie, Hyacinth, Jennifer, Nicole, Charilou, at Emerald kasama ang pitong nagagwapuhan na mga lalaki na sina Tristan, Kim, Christopher, Alex, Oliver, Jack, at Ricco.