JEROME'S POV
Bakit kailangang kumplikado? Bakit pareho kaming dehado? Alam kong 'yung desisyon niya ay kailangan niya, hindi kagustuhan niya. Pero tangina lang kasi, ang hirap ng ganito.
I can choose another girl. Heck, Iris is even just one call away. Gusto ko ng maging masaya.
Bullshit! Sinong niloloko ko? Mas gusto kong maging miserable para kay Janella kaysa piliting magpakasaya sa iba. Damn! Baliw na baliw na ako!
"I'll give you what you want.. space 'di ba? Ibibigay ko.." umiiyak na sabi ko. "Huwag mo lang ako pigilang sabihin ang nararamdaman ko, I'll keep quiet unless someone ask me kung totoong may naramdaman ako sa 'yo kasi hanggang ngayon, nadito pa rin, hindi na mawawala.."
"Do what you want," walang buhay na sabi niya. "It's our job anyway.."
Tumalikod siya, natuyo na ang mga luha sa mata niya. Pagod na pagod na nga siya. She's too tired to stay.
Gustong-gusto ko ng magkaayos kami. Gustong-gusto ko ng magkasama kami ulit. 'Yung walang drama, walang sakitan. 'Yung pareho kaming masaya, katulad ng dati.
Pagkatapos ng araw na 'yon, pareho kaming naging abala sa trabaho. Pero halata namang iniiwasan niya talaga ako kaya wala na akong magagawa. Imposibleng hindi kami magkita dahil magkatrabaho kami, nasa iisang network lang kami. Pero nagagawa niya pa ring makaiwas sa 'kin. Ganon ba siya kagalit sa akin? Na sa liit ng mundong ginagalawan namin, pati butas ng karayom nagagawa niyang pasukin maiwasan lang ako.
"Bro," may tumapik sa 'kin kaya lumingon ako, si Elmo pala. Halatang pagod kasi kakarehearse lang para sa Kapamilya Special prod niya. Nilingon ko siya nang nakakunot-noo.
"Bakit bro?"
Ngumuso siya sa likod. "She look odd today."
"Ha? Sino?" tanong ko.
"Janella," iling niya. Nakangiti siyang nakatitig kay Janella na malayo at nakatalikod. Dahil sa sinabi niya ay nakuha niya ang buong atensyon ko. "But she's a really nice girl."
"Not just nice." Hinugot ko ang lahat ng pagtitimpi na makukuha ko para lang mapigilan ang sarili kong gumawa ng eskandalo. Pagod na pagod na ako sa lahat ng nangyayari at hindi siya nakakatulong. Huminga ako ng malalim. "Siya 'yung hinihiling ng bawat lalaking nasa katinuan ang pag-iisip. She's everything a lucky guy could have."
Humalukipkip siya at tumango, diretso pa rin ang tingin kay Janella. "If I didn't have a girlfriend, I would definitely fall for her."
Parang nag-alab ang sistema ko. But you have a goddamn girlfriend so leave my girl alone! Ang sarap isigaw sa kanya 'yon. Tangina kung may karapatan lang ako. Damn kung pwede lang!
"Buti na lang may girlfriend ka na."
Napalingon kaagad siya sa 'kin. Pinagmamasdan ko si Janella habang tahimik siyang nakaupo sa kabilang dulo, nakatalikod at nakikinig lang ng music gamit ang earphones. Kung pwede ko lang siyang lapitan at ipagtabuyan ang ibang halatang may gusto sa kanya, gagawin ko. Nakakamatay magbantay mula sa malayo, lalo na't kayo mismo hindi magkasundo.
"Yes and I love her. I wouldn't trade our relationship for the sake of this management," seryosong-seryoso na sabi niya. "You know how this industry works. Alam mo, for sure kung anong kayang gawin ng management pumatok lang ang gusto nilang pumatok."
"Alam ko." Alam na alam ko.
"Then protect her from myself."
This time, ako naman ang napalingon sa kanya. Halatang dismayado siya sa mga nangyayari, o sa nakikita niyang mangyayari. Shit..
"By protecting her, I'll destroy her. Ano pa bang gagawin ko?" kahit ako, nabigla sa nasabi ko. Hindi ko alam na ganito pala talaga kakumplikado magmahal.
"Dude, does she look okay? I honestly don't know what's with you two. But she's a wreck these past few days," buntong-hininga niya. "I haven't known her for so long but I know when a lady is broken. I have a girl, I know when she's happy, upset, angry or broken."
Sumandal si Janella sa pader. Parang patulog na nang lapitan siya ni Liza at masayang kinausap.
"Gusto ko siyang protektahan pero alam kong pwede siyang masira. Lalo na kung alam kong ako mismo, pwede ko rin siyang masira," bumaba ang tingin ko sa sahig. "Bro. Stay in love with your girlfriend."
Narinig ko ang mahinang paghalakhak niya. "Walang problema doon. I'm loyal and in love. You only have to protect her from me when I have nothing left to do but follow the management. And we both don't want that to happen."
Tumango ako at tinapik siya sa balikat. "Glad to know your side."
Ngumisi na lang siya at tumango pabalik. I have to admit, hindi ko inaasahang magkakasundo kami. Hindi nga lang siya 'yong tipong mabilis na mapapalapit kay Janella. Janella's weird and fun to be with, pero mahiyain siya sa simula. With Elmo being naturally serious, mature and busy, alam kong hindi agad sila mapapalapit dahil hindi rin si Elmo 'yong tipo na unang nakikipaglapit sa babae. At may girlfriend si Elmo, malamang naiilang si Janella na maipartner sa kanya.
"Bilisan niyo, bukas na 'yan."
Napabuntong-hininga ako at humarap kay Janella. "Sa isang sulyap mo?" mahina kong sabi.
Hindi siya tumitingin sa 'kin kahit anong gawin ko.
"Ikaw bahala." Ang lamig naman.
"Sure ka? Baka may iba kang gusto? H'wag lang 'yung bibirit," halakhak ko.
Umiling lang siya at nagpatuloy sa pagkakalikot ng cellphone niya.
"Sa tingin mo ba kikiligin ka sa Sa Isang Sulyap Mo?" nakangiting tanong ko. Kumunot ang noo niya kaya iniba ko 'yung tanong. "Kung ikaw 'yung manonood, kikiligin ka ba?"
"No."
"Pero bagay naman tayo."
Para siyang nasamid bigla. Tinitigan niya ako ng matalim. "Ligaya na lang nga."
Napangiti ako, sa wakas nagsuggest rin siya. Pero hindi ko hahayaang masunod agad siya. I'll make you remember how you fell for me, Janella. Babalik tayo sa simula kung kinakailangan.
"Ligaya? 'Yung sagutin mo lang ako aking sinta'y walang humpay na ligaya.. ba?" kinanta ko pa 'yung part ng kanta. Tumango siya pero hindi pa rin nakatingin sa akin.
"Mas maganda pa rin 'yung Sa Isang Sulyap Mo. Mas nakakakilig 'yon."
"Ligaya is classic. Mas maganda."
"Modern kahit pa'no 'yung Sa Isang Sulyap Mo. Mas magugustuhan ng mga tao," pumangalumbaba ako sa lamesa. "Saka hindi naman bagay sa boses mo 'yung ligaya. Mga English na kanta lang naman bagay sa 'yo."
"Excuse me?!"
Nilabas ko ang cellphone ko nang makalaro ng CoC. Tuwang-tuwa naman ako kasi nakikita kong irita siyang nakatingin sa akin. Ayos! It's better this way, mainis kaysa walang pakialam.
"We're working, mamaya na nga 'yan!" tumagilid lang ako habang naglalaro para hindi ako maistorbo. "You're unbelievable!"
"Thanks."
"Okay. Magrecord na tayo mamaya ng Ligaya."
"Ayoko nga non," naiirita kunwaring sabi ko.
"Edi wag! Wag na rin tayo magduet!" Hinampas niya sa lamesa 'yong bag niya. Tumango lang ako.
"Ano bang problema mo?"
Sumulyap ako sa kanya. Seryosong-seryoso siya na nakatingin sa 'kin.
Nakangiti kong nilapag ang cellphone ko at mas lumapit sa kanya. "Hindi naman tayo masaya para kumanta ng ligaya. Pero sige. Kung 'yun talaga ang gusto mo."
BINABASA MO ANG
What's The Real Score? [JerNella]
De TodoWhat's the Real Score between Janella Salvador and Jerome Ponce? Reminder: This is a FAN FICTION Book Two of The Real Scenes BUT unlike other stories, offcam fanfic ito. You don't have to read the book one kung ayaw niyo. Parang updates lang kasi it...