Chapter 5 - Muling Pagkikita (Part 2)

59 5 0
                                    

Mag-aalas-siyete na nang umaga noon. Inoobserbahan ng doktor si Justin upang tignan ang kaniyang lagay. Samantalang nasa labas naman ng kaniyang kuwarto sina Tina at Mang Roberto. Napatayo ang dalawa nang lumabas ang doktor.

Nakangiting humarap ang doktor sa kanila. "Hindi pa talaga naghihilom ang sugat niya. Pero maganda ang ipinapakita ng pasyente. Sarado na yung sugat. All his vital signs are in good condition. Saka maganda ang reaction ng katawan niya sa mga gamot na iniject namin na nagpabilis sa paghihilom ng sugat. Mukhang mapapabilis ang recovery niya."

Agad nagtanong si Mang Roberto. "Ah, bale, makakalabas na po ba siya agad ng ospital, dok?"

"Sa ngayon, hindi pa." Tugon ng doktor. "Alam niyo, sa totoo lang, tumatagal ng mga anim hanggang pitong linggo ang gamutan para sa ganoong pagkakasaksak. And then, it will take more time, depende kung may vital signs na natamaan. Nasaksak siya sa may bandang dibdib at abdomen. Pero mabuti na lang at hindi tumagos sa puso at bato niya yung mga stab wounds. Besides, like I said, effective yung mga medications na binibigay namin, na nagpabilis sa pagsasara ng sugat niya. So I anticipate na makakalabas siya rito ng mga 3 weeks or less. And then pag nakalabas siya ng ospital, kailangan hindi muna siya magtrabaho ng mga mabigat. Usually, additional four weeks yun."

Bagamat maganda ang balita ng doktor, nagulat pa rin si Mang Roberto sa sinabi nito "Ganoon pa ho katagal?!"

"Oho, ganoon pa ho."

Napabuntong si Mang Roberto sa pagkadismaya. "Magtatagal pa siya rito." aniya.

"Wag na po kayong mag-alala, tay." Ani Tina. "Tama yung doktor, matagal po talaga ang pagpapagaling sa mga nasaksak. Sa totoo lang, nagulat nga rin ako na mas mapapabilis ang pananatili niya rito sa ospital."

Hindi umimik si Mang Roberto.

"Tay, kung gastusin ang iniisip niyo, wag kayong mag-alala kasi tutulungan namin kayo nina kuya at papa."

"Eh, hindi naman yung gastusin yung inaalala ko. May natatanggap pa naman akong pensyon kahit papaano." Tugon ni Mang Roberto. "Kaya ko pa namang ipunin yun para panggastos. Pero ang iniisip ko, magtatagal pa siya rito. Alam ko, gustong gusto na niyang umuwi. Isa pa, alam mo namang hindi ako mapalagay sa tuwing wala siya sa bahay, hindi ba. At saka, hindi kumportable dito sa ospital. Hindi rin masarap ang pagkain. Tapos, pag dito pa ako manatili, wala namang magbabantay sa bahay. Tutal, gising na naman siya, siguro, pwede na siyang lumabas."

"Naiintindihan ko po kayo, 'tay." Ani doktor. "Pero kailangan pa po namin siyang bigyan ng mga gamot para mapabilis ang paggaling ng mga sugat niya. Bukod pa roon, kailangan pa po namin siyang obserbahan. May mga tests pa ho kaming gagawin bago pa namin masabi kung makalalabas na siya. Hindi po namin yun magagawa kung pauuwiin namin siya agad. Kaya sa ngayon, mas maganda po kung dito na po muna siya. Pangako po, aalagaan po namin ang anak niyo hanggang sa pwede na siyang makalabas."

"Saka tay, pwede naman kayong manatili dito muna. Tungkol sa bahay, nagpasabi na ako sa papa ko na doon muna ako sa bahay niyo hangga't hindi pa nakakalabas dito si Justin." dagdag pa ni Tina.

Napa-buntong hininga na lamang si Mang Roberto. "Hay... nakakahiya naman sa iyo."

"Wala iyon, tay. Matagal na po kayong magkaibigan ni papa, kaya wala kayong dapat ikahiya sa mga tulong na binibigay namin sa inyo."

Napakamot na lang ng ulo si Mang Roberto sa mga sinabi ni Tina.

"Ah, nga pala! Tungkol sa bayad." Pagpapatuloy ng doktor. "Wag niyo na pong alalahanin yun. May nag-aasikaso na po sa mga hospital bills ng pasiyente."

Nagulat ang dalawa sa sinabi ng doktor.

"Ha?! Talaga ho?" ani Tina.

"Opo." sagot ng doktor. Katunayan, bayad na po lahat ng araw na nanatili ang pasiyente rito. Bukod pa diyan, sila na raw po ang bahala sa dagdag na bayarin dito pag nagtagal siya."

Crazy True Love (thedrift1988)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon