Note:. hindi talaga ito romance. joke lang yung nasa description. Peace tayo.
So.. Dahil hindi naman talaga ako writer, wag mong asahang maganda tong binabasa mo..
Reader? Medyo lang . Tagalog lang hilig kong basahin.. Mga books ni bob ong ganun.. Tyaka dito sa wattpad. Kasi hindi boring .. digaya nung mga textbooks sa school. -.-
.....Tyaka hindi ka na gagastos sa watty. Hehe. *ayus*
Ako nga pala si Genoa. Gadz nickname ko. Anlayo diba? Gusto mo kwento ko kung pano naging ganyan palayaw ko?
Ganto yan..
... Eh kung hindi naman kasi nagmaepal yung tita ko nung new comer palang ako sa mundong ibabaw , edi sana ok at walang problema sa birth certificate ko .. Eh kasi , pag labas ko non sa tiyan ng mama ko, ang pinarecord ni mama, "Gada" ... So ayun yung sinulat nung nurse. Eh ayaw nung tita ko yung gada..(note: sa munisipyo nagtatrabaho tita ko) pinalitan nya ng Genoa. Tas nagpagawa siya ng birth certificate na Genoa ang nakalagay palibhasa eh sa munisipyo nagttrabaho kaya madali para sa kanya.. Edi ayun na yung ginamit kong pangalan. Ginawa nalang palayaw ko yung gada..
Eto eksena.. Dahil nga Genoa na yung hawak naming birth certificate, edi yun na yung ginagamit ko sa school (malamang) .. Kaso, one time nung fourth year ko sa high school, nawala birth certificate ko.. Nagrequest kami sa NSO ng "penge po birthcertificate. Nawala po eh" .. Mga ganong eksena.. Anyare? GADA VILLANUEVA yung lumabas na name. Hindi genoa. Kasi nga naman, gada daw yung unang nairecord. Yung hospital record at hindi yung edited version ng tita kong .... AMP. Kakaloka kaya. Malapit na graduation nun tas mali pa yung pangalan ko? Na danger zone pa tuloy yung diploma ko.
Kaya ayun. Dami naming gastos para gawing GENOA yung GADA sa record ko ng birth certificate. Hindi ko na kasi pwedeng gamitin yung gada.. Eh kasi sa mga id ko.. Tska diploma nung elementary eh Genoa na nga. Ayun...
Ngayon ok na. Nakakuha na kami ng birth certificate na Genoa at Palayaw ko nalang yung gada. Na nag evolve bilang GADZ. (Yun tawag sakin ng friends ko eh. Masyado silang tamad para gawing two syllables yung palayaw ko.)
Ayun. Happy ending naman. (Huh? Nudaw?)
"Gadz knows. Gadz is good.. Oh my GADZ !.. Looooollll!!! XD.........
.
.
.......... *corny.*"
So ... Yun lang... Bilib ako sa yo kung natapos mo basahin ang walang kakwenta kwentang kwento naaaaang..... Ten tereren teren! Pangalan ko. -,- ..
P.S. ... Apilyedo ko Villanueva. At ito ang first story ko sa watty . :) <3
- leave your comments..or should i say complaints, and do follow mga ati at koya! :) xoxo.
BINABASA MO ANG
A name story.
RandomShare ko ang storya ng pangalan ko. Prepare your 3D glasses coz you are about to witness a cool and exciting adventure of a name. .... (Hanudaw?)