IV. Assignment

2.6K 83 2
                                    



Prince Yonard Greffin



Kumakain na ako kasama sina Mommy at Daddy. Ilang minuto narin ang pagiging tahimik namin dito, hanggang sa nagsalita si Daddy.


"I have to leave hon, may mga business akong naiwan dun sa Korea.." sabi ni Daddy kay Mommy. Napatingin ako kay Mommy na medyo natigilan pa sa sinabi ni Daddy.




"Kailan ka aalis?" kaswal na tanong ni Mommy.




"This afternoon. I don't know kailan ako makakababalik." sagot naman ni Daddy.


"It's okay. Just take care there, hon." sabi ulit ni Mommy. Nagulat pa ako ng tumingin sa 'kin si Dad.



"Yon, be sure na hindi na naman ako makakatangap ng red slip from your school." sabi ni Daddy.
Tumango lang ako sa kanya at saka ako napayuko. Wala namang bahid na galit ang tono niya pero ramdam ko ang pagka disappoint na naman niya sakin at di na ako magugulat pa dun.


"I have to go, bye honey. Bye Yon." paalam ni Daddy sa amin. Hinalikan niya si Mommy sa pisngi at tiningnan lang ako ni Daddy ng seryoso bago siya tuluyang umalis.


Nang kami nalang ni Mommy ang natira ay napatingin siya sa 'kin na may bahid na pagtataka at saka siya nagtanong siya.



"What happened about that red slip son?" takang tanong ni Mommy. Si Daddy lang ang may alam sa red slip na binigay ni Mr. Manuel.




"Mom..." kinakabahan kong sambit sa pangalan ni Mommy. Nandun parin sa mukha niya ang pagtataka.



"May ginawa ka bang mali sa school mo?" tanong muli ni Mommy. Napalunok pa ako bago sumagot.




"No, mom- I mean I didn't hurt any people.. it's just.." sagot ko at nagdadalawang isip na sasabihin ko ba ang dahilan o hindi.




"It seems you can't say it directly.." sabi ni Mommy. Napayuko ako at napabuntong hininga.



Say it, Prince.. Say it..




"Ikwento mo nalang anak.." dagdag ni Mommy kaya napatingin ako sa kanya. Napalunok na naman ako bago nagkwento




Flashback..


-1 week ago-



"Pass your assignments. To those who haven't did there assignments? Stand up and go in front." sabi ni Prof. Nagpass na naman ang iba. Tumingin ako sa katabi ko na wala man lang pakialam sa nangyayari. Diretso lang siyang nakatingin sa harap na para bang balewala sa kanya ang sinasabi ni Prof.




Oh I see, she didn't do her assignment.




Patungo na si Prof sa table namin. Nagdadalawang isip pa ako kung ibibigay ko itong assignment sa katabi ko o hindi, ayokong ibigay pero kinokonsensya niya ako. Wala naman siyang ginagawa pero nakokonsensya ako na makita siyang nakatayong nag-iisang babae doon sa harapan dahil nakatayo na doon ang iba kung kaklase pero lahat ay lalaki. Nang nakarating na si Prof sa table namin ay tinulak ko ang notebook ko sa side niya at tumayo na sa harap. Alam kong na bigla siya sa ginawa ko pero wala na siyang magagawa dahil nandito na ako sa harap.




"To those students who are standing in front. Sit in the air." galit na sabi ni Prof at matalim pa kaming tiningnan isa-isa. Sinunod ko nalang ang sinabi ni Prof.



Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon