Author's Note:
Ano nag enjoy ba kayo sa kwento nung first chapter?. Well well well hindi ko kayo bibitinin, in this chapter ikukwento ni Kristine yung nangyari sa date nila ni Papa Chun. Tingin niyo natuloy kaya o hindi? O siya sige tama na ang chismisan. Gorabels basa na!. :)
____________________________________
Kristine's POV:
Dahil sa alarm clock ko ay nagising ako ng bonggang bongga. Naalala ko ngayon pala yung date namin ni Chunnie my loves sa Crowne Plaza Hotel. At mangyayari yun mamayang 12 pm. Nang tignan ko yung oras, shet 10 am na!. Naku naku, dalawang oras nalang... Sana naman hindi ako malate. Susme hindi pa naman ako masusundo ni Bestie ngayon dahil sira yung kotse niya. Dali dali akong nagpunta sa banyo at naligo. Pagkatapos ay tuloy tuloy ako pumasok sa kwarto ko at saka nagbihis ng damit. Alam kong hinuhulaan niyo yung suot ko ngayong araw., naka cocktail dress ako na color blue na tinernuhan ko ng highheels na color blue din. Hindi na ako nag abalang mag make up pa dahil alam kong maganda na ako charot!. Kahit papano naglagay din naman ako ng lipstick sa bibig ko at konting foundation sa pagmumukha ko noh!. Atleast nagmukha na akong tao. Hehehe.
Paglabas ko sa kwarto ko, sakto naman na nakita ako ng lola Gina ko.
"Oh nagmukha ka yatang tao ngayon?"-Lola Gina.
"Lola naman eh."-Ako.
"Saan ba punta mo niyan?"-Lola Gina.
"Lola sinabi ko po sa inyo diba? Na ngayon yung date ko kay Wu Chun?"-Ako.
"Ah ganun ba? Oh sige ipagpatuloy mo lang yang pag iilusyon mo ha?."-Lola Gina.
"Lola naman hindi ka talaga naniniwala?. Hmp, alis na nga po ako."-Ako.After 2 hours ng byahe mula sa bahay hanggang sa crowne plaza hotel. Nakarating naman ako ng matiwasay., at ang nakakatawa pa, saan ka ba naman nakakita ng naka cocktail dress na sakay ng isang tricycle at tanghaling tapat pa talaga. Aww buti nalang walang masyadong tao sa mga dinadaanan namin.
Pagdating ko sa sikat na hotel sinundo ako ng isang lalaki na sa tingin ko ay isang chinese, nakasuot ito ng Amerikana...
"Excuse me miss are you Kristine Macaraeg?"-Lalaki.
Tinanguan ko yung lalaki., tapos namalayan ko nalang na pasakay na kami sa elevator at dinala niya ako sa isang room..Makikita dun sa room na yun ay nasa gitna yung mesa, dalawang upuan, may pagkain, champagne,. Sa paligid naman ng room may mga bulaklak na nagkalat., feeling ko rose petals yun. Grabe, naayos nila yun sa loob lang ng isang gabi? My goodness.,
"Mam i will leave you here, i am going to call Sir Wu Chun now."-Lalaki.
"Okay!"-Ako.
Nung lumabas yung lalaki, nilibot ko muna ang buong kwarto. Nagpunta ako sa may balcony. Napamangha ako sa nakita kong view sa labas. Parang kita na ang buong Metro Manila., abalang abala ako sa pagtanaw sa labas ng may nagsalita sa likod ko.
"Nice view right?"-Wu Chun
Grabe nanigas talaga ang buong katawan ko. Boses palang yun ah, pano pa kaya kapag kaharap ko na siya.
" Yeah. Nice view, from Metro Manila".-Ako
"Lets eat."-Wu Chun.Ipinaghila ako ni Wu Chun ng upuan, pagkatapos nun ay umupo na rin siya sa bakanteng upuan na katapat ko. Tinitigan ko yung mesa, ang daming kubyertos na nakalagay sa tabi ng pinggan ko, susme hindi ko alam kung paano gamitin yung iba dun. Buti nalang may tinidor at kutsara., kaysa naman mapahiya pa ako eh yun nalang ang ginamit ko. Sa una ay tahimik lang kaming kumakain, tila tinatantya muna namin ang isa't isa. Di nagtagal ay natupad din yung pangarap ko na makausap siya ng harap harapan.
"So where do you live?"-Wu Chun
"Ahm obviously i live here in Metro Manila..."- nakita kong kumunot ang noo niya., naku parang hindi natuwa sa sinabi ko., kailangan kong makabawi. "Ah im joking"-Nakita ko na medyo lumuwag na yung mukha niya kaya ginanahan akong ipagpatuloy yung kwento ko. "Actually i live in project 6 Quezon city, that was 2 hours away from here".-Ako.
"Ah okay, so you use a ride just to come here?"-Wu Chun
Nakangiti akong tumango tango sa kanya. "I use to ride tricycle".-Ayan naman nakita ko na naman yung pagkunot ng noo niya. Grabe na iteyyyy. Kahit naka kunot ang noo gwapo pa din!.
"What is tricycle?"-Wu Chun
"Tricycle, is a filipino ride. Its a kind of motor you know".-Medyo alanganin kong sagot sa kanya. Na sinabayan ko rin ng medyo alanganing ngiti. Pagkatapos naming kumain dinala niya ako aa balcony, doon kami sabay kumain ng dessert, cake po iyon. Para hindi kami mabore, naglakas loob. Akong magkwento sa kanya.,
"You know what Wu Chun, me and my Lola Gina really idolize you".-Ako
"Really??? But how come?-Wu Chun
"When my bestfriend told me that there is a new asianovela that will air on Abs-cbn, we switch on our tv and that is Hana kimi. And then my lola came out from the outside of my house, she shouted there's a fire!. The three of us we got panic. And then my lola stop when she saw you on tv. That was the first time when i saw my lola hooked by someone and that was you. That was the start and the rest was a history!."-Ako.
"Ohh thank you for supporting me. By the way what is the meaning of Lola?"- Wu Chun
"Oh ow, Lola means grand mother in english".-Ako
Nakangiti siyang tumango tango, sign na nagustuhan niya yung kwento ko.
"Can i ask you a favor?"-Wu Chun
"Ahm yeah what is it?"-excited kong tanong sa kanya.
"Can you bring your grandmother here?"-Wu Chun
"Now?"-Ako.
"Yeah, now."-Tinignan ni Wu Chun yung kanyang relo. "We still have 3 hours on our date., so we still have time".-Wu Chun
"Okay. But how can we see my lola?"-Ako.
"Can you wait for me here just for a minute?"-Wu Chun
Tinanguan ko nalang siya.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
RandomIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...