MEET THE BESTIE PART THREE

23 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Update update din pag may time., while watching Eat Bulaga! :)
____________________________________
LIESLY'S POV:
"Ay naku Bestie, hindi naman ako maglulupasay sa sahig. Bibitin lang ako sa leeg ni Rain hahaha"-Ako
"Ay grabe siya!"-Bestie Kristine

Nakarating na kami sa Autograph signing section. Medyo mahaba ang pila,.pero ayos lang yun. Nilabas ko yung magazine na si Rain ang cover at yun ang ipapapirma ko sa kanya.
"Hoy bestie ano yang nilalabas mo ha? Baka naman bomba yan ah, naku hindi ka magugustuhan ni Papa Rain kung papasabugin mo tong buong building"-Bestie Kristine
"Ay grabe siya!"-panggagaya ko sa sinabi niya sa akin kanina. Ano ka ba? Hindi bomba tong nilalabas ko, magazine oh magazine!"-ipinakita ko sa kanya yung magazine at mukhang naestatwa ang lola niyo, eh pano ba naman kasi kasama sa cover si Papa Wu Chun niya!. Sana pala di ko nalang pinakita sa kanya aarburin na naman niya at talagang hindi ibabalik sa akin!.
"Hoy bestie wag mong subukan na kunin to sakin dahil hindi ko pwedeng ibigay sayo to".-sabi ko sabay tago ng magazine.
"Hmp damot!"-Narinig kong bulong ni Bestie Kristine.


Nung kami na yung magpapa autograph, hindi ko na mapigilan yung sarili ko na kiligin.
"Hi Rain, a im Liesly your super duper sexy number one fan".-Nakangiti kong pagpapakilala kay Rain. Nakita ko na ngumiti din si Rain,.
"Tsss sexy daw?"-Bulong ni Bestie Kristine.


Nang matapos yung unforgettable concert at autograph signing ay umuwi na kami ni Bestie Kristine.. Kasalukuyan akong nagpapahinga sa aking kwarto nang may kumatok.
"Maam pinapatawag na po kayo ng Daddy mo, kain na daw po kayo"-Sabi ng katulong namin.
"Okay sige susunod na ako"-Ako.



Pagbaba ko, nagtungo agad ako sa aming dining area. Nakita ko si dad pero wala si mom kaya nagtaka ako. Lumapit ako kay dad at hinalikan ang noo niya at saka umupo na.
"Hi dad, where's mom?"-Ako
"Ah nasa mall pa ang mom mo, kasama yung mga amiga niya. Siya nga pala anak gusto ko tawagin mo ulit dito si Kristine tomorrow over dinner".-Dad
"Okay Dad i will"-Ako.
Natapos ang dinner namin na hindi kasama si Mom, first time na nangyari yun eh. Over dinner napansin ko kay Dad na medyo matamlay siya. Pero binalewala ko muna yun dahil iniisip ko yung nangyari kanina sa concert at autograph signing ni Papa Rain ko. Grabe ang gwapo niya talaga., Natigil lang ang pag iisip ko ng may marinig akong ingay sa baba.
"Anjan na siguro si Mom"-Sabi ko sa sarili ko.




Kinabahan ako ng may narinig akong kakaibang ingay sa baba. I decided na bumaba at tignan kung sino yung gumagawa ng ingay. Lalong nadagdagan yung kaba ko ng natapat ako sa aming library, i saw my Mom and Dad there, they are Fighting!. Nagsasalita sila pero hindi masyadong malakas., nagwawala si Mom,. She's throwing any thing na makita niya.
"Ano? Ha? Hindi ka na ba mapakali na i meet mo ulit yung lalaki mo?"-Galit na sabi ni Dad.
"Oo! At hindi ko na maatim na makasama ka pa!"-Mom
"Alam mo sarili mo lang ang iniisip mo. Ano nalang ang sasabihin ng anak natin kapag malaman niyang iiwan mo lang siya para lang sa lalaki mo"-Dad.
Matagal na sandali ang lumipas bago makasagot si Mom.
"Matagal na panahon na ang ginugol ko sa pag aalaga sa kanya. Now, its time na sarili ko naman ang isipin ko"-Mom
Hindi ko na nakayanan ang mga narinig ko mula sa mga magulang ko. Kaya naman patakbo akong umakyat sa kwarto ko at doon ko binuhos ang luhang kanina pa nagtatangkang kumawala mula sa mga mata ko.. I cried a lot..




Kinabukasan maaga akong nagtungo kina Bestie Kristine.
"Hoy Bestie bakit ka tulala jan? May problema ka ba ha?"-Bestie Kristine.
"Ha? Naku wala....wala akong problema Bestie."-Ako
"Weh? Yang matang yan na mugto at tulala walang problema? Hoy Bestie wag mo akong lokohin, kilala kita. So ano sabihin mo na kung ano ang problema mo makikinig ako".-Bestie Kristine.
No choice ako kaya sinabi ko na kay Bestie Kristine ang problema ko., umiyak ako sa harapan niya. I thank god na nakilala ang tulad ko ang tulad niya.
"Bestie naiintindihan kita. Nasasaktan ka dahil sa nangyayari sa mga magulang mo, wala man akong magawa para tulungan kang magbalikan ang parents mo pero choice nila yun eh. Intindihin mo nalang muna siguro ang Mom mo. Im sure balang araw babalikan ka din nun at marerealize niya na mali na iniwan niya kayo ng Dad mo."-pagkasabi nun ni Bestie Kristine ay niyakap niya ako.
Nung pauwi na ako sa bahay ay kasama ko si Bestie Kristine dahil niyaya muli siya ni Dad na mag Dinner kasama namin. Habang nasa hapag kainan kaming tatlo katahimikan ang bumabalot sa loob ng dining area.
"Ehem!"-Basag ni Bestie Kristine. "Ahm Tito, hindi na ho ako magpapaligoy ligoy pa. Ano po yung dahilan at pinatawag niyo po ulit ako dito?"-Bestie Kristine
"Ipinatawag kita dito dahil gusto kong ipaalam sayo na tanggap ka na sa trabaho. Yung mga papeles kasi na isinumete mo sa akin ay pumasa doon sa magiging amo mo".-Dad
Sumigla ang mukha ni Bestie Kristine sa ibinalita ni Dad sa kanya.
"Talaga ho? Naku salamat naman po tito"-Niyakap ni Bestie Kristine si Dad sa sobrang tuwa niya. Pero hindi nagtagal ay muli siyang bumalik sa upuan niya.






"Hoy Bestie bat ang tahimik mo?, may problema ka na naman ba?"-Tanong ni Bestie Kristine sa akin, kasalukuyan kaming nasa garden namin at nakaupo sa isa sa mga bench na nandito.
"Wala to, bestie. Iniisip ko lang si Mom ko., kung nasaan siya ngayon? Kung kumain na kaya siya? O kung natutulog na kaya siya?."-Ako.
"Wag kang magalala bestie sigurado naman ako na nasa mabuting kalagayan ang Mom mo. Di naman yun pababayaan ni Lord".-Bestie Kristine.
"Sana nga Bestie".-Malungkot na sabi ko sa kanya.
"Hay naku Bestie tama na nga yang heavy drama mo na yan, halika nga rito at kikilitiin kita!"-sabi niya sa akin sabay kiliti., nagkilitian kaming dalawa habang tumatawa ng wantosawa., ingay lang namin ang naririnig sa buong mansion. Hindi ko alam na nakatanaw pala sa amin si Dad sa taas sa kanyang kwarto.






____________________________________
Author's Note:
Hanggang dito nalang po muna ang kwento ni Bestie Liesly. Sa susunod na Chapter ay balik tayo sa ating Bida. Thanks for reading :)

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon