Jeepney Love Story (One Shot)

459 12 20
                                    

Alam ko..   Di kapanipaniwala..

dahil ako mismo hindi makapaniwala..

Nainlove lang naman ako sa lalaking sa iisang lugar ko lang nakakausap, nakakasama, at nakikita..

at ang lugar na ito ay walang iba kung hindi sa..

Jeepney

Margie nga pala.  Margie Angeles. Ordinaryong High School Student at boring akong tao.. Swear.

wala akong ibang ginawa kung hindi ang matulog ng matulog kahit saan ko man gustuhin.

at dahil malayo ang bahay namin papuntang school.. ginagawa kong tulugan ang jeep.

Halos araw-araw na ata habit ko na yun..

ang matulog sa loob ng jeep.

_______________________________________________________

One time papasok na ko ng school. As usual maaga ako nagising para maaga din akong makarating sa school.

7 am pa lang nag-aabang na ko sa tapat ng bulok na gate namin.

Kaurat kasi di pa nila palitan. hahaha.

"Manong bayad po"   

pagkatapos na pagkatapos kong iabot ang bayad, umupo na ako sa pinakadulo ng jeep kung saan makakababa agad ako.

Gawain ko na to kaya sanay na ako.  Iilan pa lang ang tao sa jeep kaya lagi akong nasa dulo at  umiidlip..

Dinalaw na ako ng antok ko.  Dibale.. Isang oras pa naman bago ako makarating.

Isinandal ko na ang ulo ko at umidlip..

Sarap matulog eh.  

"Pasay! Pasay! Marami pang bakante oh!"

Dito na napupurnada ang tulog ko kapag nagtatawag na si Manong Driver.  Pero dedma lang.  Nakapikit lang ako kahit ramdam ko ang pag-akyat panaog ng mga pasahero.

PPPPerrrooo may isang P-A-S-A-W-A-Y

"AAAARRRRAAAAAYYY!!!" 

may walanghiyang tumarantado sa paa ko.  parang nabali at nagkalasog lasog ang mga daliri ko sa paa.. asar!

Jeepney Love Story (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon