Lahat tayo may kinaiinisan, kung ano man un, kayo na bahalang umalam. Basta ako, mga LALAKI ang kinaiinisan ko. Well, no one can blame me dahil ang unang lalaking nakilala ko sa buhay ko, ang ama ko, ay sya pang hindi nagpakita sa akin at sa mama ko ng pagmamahal. Lagi nya kaming binubugbog. Lagi pa nyang sinasabi kay mama na hindi daw nila ako anak,pero ang sabi ni mama anak daw nila ako. Hanggang sa malaman namin na may ibang babae si papa. Never kong naramdaman ang pagmamahal ng ama.
Kaya HIRAP NA AKONG MAGTIWALA SA MGA LALAKE.
Etong mga lalakeng to ang gugulo ng buhay ko.
Lim Alcantara - siya ang pinakasikat sa batch namin at sa buong school, mas popular pa sya sa mga 4th yr. Siya ang leader ng grupo nila at ng banda nilang MAVEN. Drummer sya ng banda nila. Siya ang isa sa pinakamayaman dito sa school, ang mommy nya ang may-ari ng isa sa sikat na clothing line sa buong Asia at Europe. Ang daddy naman nya ay isa sa sikat na businessman dito sa Pilipinas at may-ari ng mga resort. Sa barkada nila, siya ang pinakabully, mayabang at hindi pa nagkakagf sa kanilang lahat. Ewan ko ba kung bakit hindi pa nagkakagf yan. Siya ang numero unong magpapahirap sa buhay ko.
Lance Perez - isa sya sa tinitilian sa grupo nila. Dreamboy nga daw kumbaga. Bassist sya sa banda nila,kung minsan sya din ang nagpa-piano. Siya ang pinakatahimik pero matinik sa chicks, kahit sa ibang schools. Lagi lang syang nakaheadphones pag break at uwian. Siguro para hindi nya marinig ang tilian ng babae sa paligid nya, nakakairita din kasi. Ang parents nya ay parehong nasa ibang bansa at may-ari ng isang brewery company. Siya ang manager sa isang club sa The Fort, ang batang manager dba? Sa club nya laging tumatambay ang grupo nila.
Ken Ventura- siya naman ang tinatawag na baby face ng grupo. Lagi kasi siyang nakangiti sa lahat. Tsaka sya lang ang pumapayag na magpapicture. Vain kasi sya. Laging may bagong post na picture siya sa instagram. Siya ung may pinakamagandang aura sa kanilang tatlo. Siya naman ang vocalist at guitarist ng grupo nila. Madami ding nagkakagusto sa kanya dahil sa ugali at sa cute nyang smile. Ang lolo nya ang may-ari ng school namin. Ang daddy nya ay isa ding bussinessman at bestfriend ng daddy ni Lim.
at ako, si Dani Ballesteros - scholar ako sa school na to. Nakafull bangs ako lagi, dahil ayoko ding makita ng tao ang mukha ko. Wala akong naging kaibigan. Palipat lipat kasi kami ng bahay ni mama nung elementary palang ako dahil lagi kaming hindi nakakabayad ng renta sa mga tinutuluyan namin kaya pinilit ako ni mama na mag-enroll dito dahil may dorm at sya naman daw ay magya-yaya na lang daw. Ako ang matuturing na pinakamahirap sa buong school namin. Buti na lang libre ang school uniform at books dito. Part time ako sa isang fast food. Ang sweldo ko dun ang ginagamit ko para sa pagkain at sa ibang gastusin.
Nung 1st yr and 2nd yr ako, tahimik ang buhay ko. Puro lang ako aral.
Nerd.
Yan na ang naging tawag sakin.
Idagdag mo pa ang parang manang kong pananamit. Ang fashion kasi dito sa school namin pag babae, magagandang jacket at cute na hoodies ang sinusuot nila dahil sa laging naka-aircon. Samantalang ako, sweater na luma na binili pa ni mama sa ukay-ukay. Tapos ang gaganda pa ng mga buhok nila. Ung buhok ko, buhaghag at mahaba at may bangs.
Hay. Kaya wala talagang pumapansin sakin sa buong school.
Pero nagbago ang lahat sa loob lang ng isang araw.
May nagtransfer na bagong student sa class namin.
"Class, may bago tayong classmate. Siya si Sabrina. Magpakilala ka na." utos ng adviser namin
"I'm Sabrina Alcantara. Sab na lang." sabi ng babae sa harapan. Parang siga sya kung magsalita. Walang tono. Parang hindi masaya.
Nakayuko lang ako nung nagpakilala sya. Hindi ko sya tinignan kasi wala naman akong balak kilalanin. Hindi naman nya ako makikilala. Hindi sya magkakainteres.
BINABASA MO ANG
The Bully Likes Me?
De TodoNerd lang ako sa school namin pero nung nakilala ko si Lim, isa sa member ng pinakapopular na grupo sa school namin, nagkandagulo gulo na ang buhay ko. Eto na nga ata ang sinasabi nilang LIVING HELL... oh my gosh! Actually, hindi lang si Lim ang m...