VII. Nerd

2K 69 0
                                    





Franzine Guillar

Pagdating namin sa bahay ng kaibigan ni Hazel ay tumingin muna ako sa paligid dahil busy pa siya sa pagbabayad ng pamasahe namin. Sobrang dami ng tao kahit nasa labas pa kami dahil narin sa ingay sa loob kaya magpakamalang marami at engrande talaga ang mangyayari ngayon. Pero ang pinagtataka ko..


Bakit may party sa kabilang bahay? Swabeng pagkakataon ah?



Di ko nalang 'yun pinansin dahil baka nagkataon lang na sabay nila 'tong ipinagdiriwang. Papasok na sana ako pero naunanahan na ako dahil nahila na ako ni Hazel. Nang nasa loob na talaga kami ay di ko maiwasang mamangha, totoo nga ang sinabi ko. Maganda at engrande ang party na 'to mukang malaking salo-salo ng lahat.



"Hazel, uuwi na lang ako. Nakaka-bored naman.." walang gana kong sabi. Di ko alam pero naboringan agad ako. Akala ko pa naman sandali lang.


"Boring? Okay ka lang Zi? Masaya kaya magparty. At saka, kararating mo lang uuwi ka na agad?" sabi niya sabay tapik sa balikat ko.


"Halika na nga lang at maghanap nalang tayo ng mauupuan." sabi pa ni Hazel sabay hila sakin. Umupo kami malapit sa mga pagkain kaya partida lang sa 'kin ang pagkuha ko ng pagkain. Nakaramdam narin ako ng gutom kaya kakain na lang ako para narin mawala ang kaboringan.



"Zi, dito ka lang muna huh? Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko." sabi niya sakin. Di ko na siya sinagot at tumango nalang. Bigla siyang umalis pero bigla rin siyang sumigaw.



"Ela—" di ko na narinig ang sinabi niya dahil nawala nalang siya bigla. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagkain. Ilang minuto ang lumipas ay may biglang nagpatugtug ng music kasabay nun ay pagsalita ng isang babae sa harapan.


"Good Evening Everyone. I would like you to know that you are free to dance in the mini stage. I hope you enjoy. And I want to congratulate Ms. Elaze Salazar for graduating as a comlaude. This party is for her. Once again good evening." sabi ng M-C.


Dumalo pala kami ng isang graduation party?



Isa-isa namang nagsitayuan ang mga lalaki at humanap ng babae. Merong lumalapit sakin pero wala ako sa mode para sa kalokohan nilang sayawan na 'yan. Malamig ko lang tinatapunan ng tingin ang magyaya sa 'king sumayaw pero masyado silang makulit kaya kailangan talaga pagsabihan.

"Miss, can I have this dance?" Boy 1


"Ayoko." malamig na sabi ko sabay tingin sa ibang tao.




"May I have this dance?" Boy 2


"Ayoko." malamig na sagot ko na naman.



"Sungit." Pahabol ni Boy 2.


Ako pa talaga ang masungit? Ibang klaseng lalaki, sarap suntukin sa mukha..


"Excuse me—" di ko na siya pinatapos dahil sumingit na ako.



"Pwede ba? Bakit ba lage kayong lumalapit sa 'kin? Ayoko ngang makipagsayaw!" inis ngunit malamig na singhal ko sa lalaki. Namutla naman ang lalaki at daling-dali umalis.


"Miss—" di ko na siya pinatapos dahil naiinis na talaga ako sa kanila.



"Ayoko nga!" malakas na singhal ko sa kanya. Napatulala naman 'yung lalaki at lahat ng tingin ay dumapo sa 'kin. Napatingin ako dun sa lalaki at nagulat ako na may dala siyang tray na may nakapatong na mga drinks.


Gangster Princess meets Campus Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon