Prologue

82 5 8
                                    

Hindi ba kayo nabobored sa mga buhay niyo?

Magigising sa isang alarm clock o sa ingay ng tilaok ng mga manok...

Babangon ka na may naka-abang na sermon kaya nga mas gugustusin mong mahiga na lang...

Kakain ka ng kinain mo na nung minsan, kahapon, kanina at kakainin mo pa bukas. Inshort paulit-ulit na lang ang mga ulam na kinakain mo.

Lalabas ka sa bahay mo, na makikita ang mga kapitbahay na kaaga-aga nagtsitsismisan na.

Papunta ka sa eskwela mo, hahabulin ka pa ng mga asong pakalat-kalat sa daan.

Pagpasok mo sa silid-aralan mo ay pagagalitan ka na agad ng guro mo at kahit anong ibigay mong rason ay hindi niya pakikinggan...

Pagtatawanan, ibubully ng mga kaklase mong walang alam gawin sa buhay kundi manglait...

Pag-uwi sa bahay, pagod at stress na stress ka sa buong araw. Akala mong makakapagpahinga ka na ay hindi pa pala. Magtatrabaho ka pa ng mga gawaing bahay...

At sa wakas matutulog ka na may pagkakataon na mabangungot ka pa...

Hindi ba nakakasawa?!

Magigising

Masesersermon

Pupunta sa eskwela

Masesermon na naman

Mabubully

Uuwi

Masesermon

Gawaing bahay

Matutulog

Mababangungot

Magigising sa bangungot

Hindi na makakatulog

Magigising ng hindi maaga

Mahuhuli sa klase

Masesermon

Pag-uwi sa bahay sermon

ANU BA YAN?! PAULIT-PAULIT NA LANG!! NAKAKASAWA NA!

In the end, marerealize mo ikaw rin pala ang makakapagpabago sa buhay mo.

Ako si Rodrigo Merrabada at ito ang kwento ko.

The Adventure Of Rodrigo

Published on:
March 23, 2016

The Adventure Of Rodrigo (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon