Love & Conflict 8

26 4 2
                                    

Shane's POV

"Oh" sabi niya at ibinigay sa akin ang tissue.

"Salamat." Tapos pinunasan ko ang lahat ng paligid ng aking bibig. "Yan?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Yup." Sabi niya while popping the "p". Tinuloy ko na ang pagkain, pati rin siya. Mukhang sarap na sarap din siya sa kanyang pagkain. Alam mo sa mukha eh, laging nags-smile. Litaw ang mga gums niya, hahaha!

Natapos na rin kaming kumain at nagpahinga muna. Nag-usap usap ng konti concerning sa mga topics at life... magka-klase kami kasi sa lahat ng subjects eh.

Krrriiiinnngg! Krrrrrriiiiiinnggg!

Nag-ring na ang bell which means tapos na ang lunch break. Kinuha ko na ang mga gamit ko at tumayo.

"Tara na Kenneth, baka ma-late pa tayo kung hindi pa tayo aalis ngayon." Sabi ko at nakita ko ring nagmamadali ang mga tao sa canteen. May natapilok pa nga eh, pinagtatawan siya ngayon. Wait. Kaklase ko yon ah!

"Kenneth, hindi ba si Louie yun?" Sabi ko kay Kenneth at tinuro kung sino ang natapilok. Pinaka tignan niya, liniit pa niya ang mga mata niya eh. Malabo na siguro.

Ng parang nakilala na niya si Louie ay bigla siyang tumakbo papunta sa kanya. Sumunod din naman ako since papunta naman sa exit ng canteen kung saan banda si Louie.

Huminto si Kenneth sa likod ni Louie, na nakatayo na ngayon, at bin-low ang kanyang leeg.

"Eeeeck!" A strange sound came from Louie tapos napatalon pa siya. "W-who- Kenneth! Sabi ko sayo, huwag na huwag mo akong kikilitiin sa leeg!" Galit na sabi ni Louie at sinuntok-suntok pa si Kenneth ng pabiro.

"Hahahaha! You looked funny!" Sabi naman ni Kenneth at pinunasan pa ang tumulong luha sa kakatawa.

"Ehem." I fake coughed. Mukhang close na close sila ah.

"Oh! Hi Shane! Nice to meet you pala, sorry ganyan ang first encounter mo sa akin. Kenneth ruined it." Sabi ni Louie tapos mukhang malungkot na galit. Sad-mad ang word ko para dun.

"Ikaw ang nadapa eh!" Asar naman ni Kenneth. Namula ang tenga bigla ni Louie, mukhang hindi makapag-salita. "Well, tara na! Male-late pa tayo niyan!" Sabi ko dahil puro nalang tawa ni Kenneth while si Louie naman ay hindi na umimik.

Pumunta na kami sa aming 5th subject sa araw na ito which is ang music, my favorite! Yung school na ito ay may pang normal na tao at may subject naman para sa mga not ordinary na tao din which is kami.

Ng makapasok kami sa room ay super duper uper gulo. Lahat ng mga chairs ay nasa likod, parang pinag-hagis. Pati rin ang mga tables. Wala ang aming guro at wala din yung mga kaklase namin.

"What the? What happened here? Ito ba yung room natin?" Tanong ni Kenneth. Lumabas ako at tinignan ang sign sa taas ng door. May lumulutang na kulay blue na words na Room 12, yung classroom ba nakasulat sa aking schedule.

"Ito naman ang room natin ah... Anong nangyari dito?" Sabi ko at nagtingin tingin. Tinignan ko ang mga bookshelves at gulong gulo ang mga books. May nasa floor, sa black board, at siguro sa lahat ng lugar dito sa classroom namin. Tinignan ko naman ang mga bintana at hindi naman sila sira or nakabukas, sila ay nakarasa which is odd kasi hindi talaga sinasara ito maliban lang sa gabi.

"Guys? We're in trouble. Look at this..." sabi ni Louie at may pinakitang sulat.

' You three are late! This is what you get! Now clean this all up and go to the music room after you finish all this mess.
Clue: it's just a trick, find a way to solve it. -your homeroom teacher. '

Nanginig ang buong katawan ko. Parang may aura ni Jean to. Sad life. At nagsimula na kaming hanapin kung ano ang trick dito.. Hindi ba to over-torture? Ang hirap T~T

Jean's POV

"Achoo!" Sisipunin ata ako ah? Sana naman hindi. Masakit sa ulo at ilong!

Nasa rooftop ako sa ngayon, iniisip kung iibahin ko na ba ang pagiging silent type ko. Hindi naman talaga kasi ako silent type dati eh.

In the past, madaldal ako. Like kasing daldal siguro ni Shane. Pero ang pagkadaldal kong iyon ay naging dahilan kung bakit namatay ang aking mga magulang. Tandang tanda ko pa noon na pagkapasok ko sa bahay namin at tinawag ko ang aking nanay at tatay....

[Flashback]

"Eomma! Appa! I'm home!" Sabi ko in a 8 year old body. Galing ako kina Shane, bestfriend ko siya.

Ngunit wala akong narinig na sumagot sa akin. Dead silence lang...

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tumakbo ako papunta sa kusina, wala sila. Pumunta ako sa aming banyo, wala rin sila. Then...

Tumuloy ako sa kanilang kwarto at iyon... They're all bloody and... dead.

Si Eomma ay nakahiga sa kanilang kama at may malalalim na sugat sa kanyang hita at kamay. May bakas siya sa leeg na parang lubid.

Si Appa, nasa floor. Halos putol na ang kanyang leeg. Nakamulat ang kanyang mata at may mga saksak pa siya sa kanyang katawan.

"AAAHHHHHH!!!!"

[End of Flashback]

Alam ko nang may nagtanong sa aking mysterious man tungkol sa aming bahay ay isa na iyong dahilan kung bakit patay na aking mga magulang.

Eomma told me not to talk to strangers because the world is a dangerous place but I was young back then. Malapit lang kasi ang bahay nina Shane sa bahay namin eh, 2 streets siguro, kaya pinapayagan nina eomma at appa na lumabas at pumunta kina Shane. Pero habang naglalakad ako papunta kina Shane, may kumausap sa akin. Yun nga, si mysterious man. Nakahood siya na sleeveless. May tatoo na dragon sa right arm niya.

"Hey kiddo! Parents mo ba sina Anesthesia Velasco at Zack Velasco?" Iyon ang tanong niya saakin.

"Uh-huh! They are the best parents ever! Why?" Sabi ko in a kiddy tone.

"Saan kayo nakatira? I'm a friend, a long, long, time friend." Sabi niya in a dark tone.

"Umm, dun!" Sabi ko at tinuro kung ssan banda ang bahay namin.

Tumango nalang siya at biglang naglaho. Pero I just shrugged it. Alam ko namang lahat ng friend nina eomma ay may powers. Hindi ko pala alam, pati pala ang kanilang mga kaaway....

-------

Free time daw namin hanggang 3. 1:57 pm palang laya nasa rooftop ako.

I started to play with my frost power. Paborito ko tong power eh, parang relate na relate ako.

Ramdam kong dumadaan na ang lamig sa mga kamay ko. Then pinalabas ko ito. May trail na ice mula sa hintuturo ko. Then gumawa ako ng snowflake na may iba't ibang design.

Habang gumagawa ako ay may isang trail na ice na pumulupot sa wrist ko. Hindi iyon sa akin.

"W-what?" I stopped and saw a pair of eyes staring at me. They were quite sharp but beautiful.

"Oh, I see that you have ice power." Sabi niya. He melted the ice that was circling my wrist.

"I'm Xavier." Pakilala niya.

"I'm Jean. Catastrophe Jean Velasco." Sabi ko naman. Tapos nag smile ng kakaunti.

His aura is cold yet... warm. How did I know that? I don't know, I just feel it.

Nag smile din siya ng kakaunti pero nagstraight line kaagad ang kanyang labi.

Biglang nag-awkward ang hangin kaya nagpatuloy nalang ako ng paggawa ng mga snowflakes.

Well, this is awkward.

--------
Atlast alam na natin kung bakit tahimik si Jean. At na meet na niya si Xavier! The Ice Prince sa story na ito. Siya din pala ang nasa picture. Sorry po for the long wait!
At sa mga typos.

Please Vote, comment, and share! Thanks!

-MoonlightGirl88

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love & ConflictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon