A stranger in my wedding

27 2 0
                                    

Isa lang ang masasabi ko...... ang sakit maiwan. Yung akala mo okay lang ang lahat. Walang problemang nakaharang sa inyong dalawa. In short, walang sagabal sa pagmamahalan nyong dalawa. Tapos bigla-bigla syang mang-iiwan? Tangna ang sakit! Damn it hurts!

Yung isang araw ang saya –saya nyo. Nangako pa nga kayo sa isa't isa na sabay kayong haharap sa altar. Bubuo ng sariling pamilya. Ansaya lang talaga diba? Shit! Umiiyak na naman ako. Ano ba! Di pa ba nauubos 'tong pesteng luhang 'to?! Ilang drum ba ng luha ang nakastock sa mata ko? Lupet lang!

Pero alam mo kung anong malupet? Yun yungg saksi ang mga magulang mo sa bawat sakit na dinanas mo. Saksi sila sa hirap na naramdaman mo pero nagawa ka pa nilang i-arrange marriage. Yeah right, uso pa ang arrange marriage. Lintek na arrange marriage yan! Putangina lang! sasabihin nila sayo "Anak para to sa ikasasaya mo". Panu ako sasayana ikasal sa taong di ko mahal at di ko kilala? Ha?! Sabihin mo nga sakin Justine Lim, damn you jerk! Mahal na mahal kitang bwisit ka!!! Bat mo kasi ako iniwan eh. Bat ka ba kasi umalis eh ;-(.

Oh! Nakalimutan kong sabihin, today's my wedding day. My bullshit wedding. Kung pwede lang tumakas eh. But what the heck! Tatlong guwardiya ang nakabantay sa labas ng kwartong pinag-aayusan sakin tapos may iba pang nakakalat sa labas ng bahay. Arghh! This is ridiculous! Ganun ba sila kadesperadong ipakasal ako? Ganun ba kasigurista ang lalaking papakasalan ko? Tss.

>>> fast forward<<<

The day of the wedding is the day that every woman is waiting for. Eto yung araw na sobrang saya ng bride kasi finally ikakasal na siya sa taong mahal niya at nagmamahal sa kanya. Pero para sa akin eto yung worst day ng buhay ko dahil ikakasal ako sa taong ni hindi ko nga nakilala na kahit mukha nito ay wala akong idea. I mean sino nga naman kasi ang matutuwa ng ganun diba?

Kaya heto ako ngayon nasa labas ng simbahan at nakayuko. Pinipigilan ang luha hindi dahil sa sobrang galak kundi dahil sa sobrang lungkot. Naalala ko na naman kasi yung mga pinagsamahan namin ni Justine nung hindi pa nya ko iniwan. Ugh! Tatlong taon na rin pala ang lumipas pero masakit pa din eh. Kung sana sya yung taong nakatakda kong pakasalan ngayon. Kung sana sya yung naghihintay sa akin sa harap ng altar. Funny! Stop daydreaming Katherine Wesley. Napangiti na lang ako na mapait

Biglang bumukas yung pintuan kaya naglakad na ako sa aisle ng simbahan while my parents are on my both side. Nakayuko lang ako pero ramdam ko na masaya silang dalawa. Ganun na ba nila kagustong mawala ako sa buhay nila? Ayokong humarap sa mga taong dumalo dahil ayokong makitang masaya silang nanunuod sa akin habang naglalakad samantalang parang unti- unti naming nadudurog ang puso ko. Ayokong ikasal pero wala din akong magagawa. Labag ito sa kalooban ko pero ayoko na ring maging pabigat sa mga magulang ko.

Nakarating na ako sa harap ng altar at nagsimula na ang seremonya nang hindi ko man lang tinatapunan ng tingin ang lalaking katabi ko. Bakit pa? eh magsasawa rin naman ako sa mukha nya kapag nagging mag-asawa na kami. Buti sana kung si Justine to dahil siguradong hinding hindi ako magsasawa sa kanya.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang may bumulong sa tenga ko. "Ready na ba ng vow mo??" tanong nya. Bakit pa ako mamomroblema sa pag-iisip ng vow na yan eh ang kelangan ko lang naming gawin dito ay magsabi ng "I DO". Pero iba ang naramdaman ko. Ang boses na yun. Hinding hindi ko makakalimutan ang boses na yun. The voice that I've been longing to hear. Naiiyak akong lumingon sa kanya at

.

.

.

"J-Justine"

                                                                                         >>>END<<<


ang ikli ba hahaha sorry sabog ako ngayon #kaepican xD. anyway thanks in advance if merong magbabasa nito ^___^


-InnocentButterfly








A Stranger in my Wedding [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon