Deep West

174 8 2
                                    

Deep West (One Shot)

Written by conflictjumper.

***

MISHA

Google Search: Deep West

Pag katype ko ng mga salitang 'yan ay maraming lumabas na results sa google. Hindi ko alam kung anong site ang ic-click ko pero napag desisyunan ko na ang una na lang muna ang titingan ko at pag hindi iyon ay titigil na ko. Past 12 AM na rin kasi at ito ako sa harap ng computer at sinesearch ang 'Deep West'. Kalat kasi ito ngayon all over the social media, mostly in facebook, ang tungkol sa site na iyan kaya nacurious ako at sinearch ko na. Alam rin ito ng mga kaibigan ko, madalas nilang pinag uusapan kapag walang klase. Hindi ako makarelate dahil hindi ko alam, so now I'm giving myself a chance to finally learn about it. Makakapag bahagi na rin ako ng opinyon sa kanila kapag muli nila itong pinag usapan.

Welcome to Deep West
Log in | Sign Up

Kumunot ang noo ko sa nabasa. Kailangan pa gumawa ng account dito para lang malaman kung anong meron dito? I let out a deep sighed at kinlick ang sign up button. Like facebook sign up form, gano'n lang din ang mga naunang pinasagutan sa'kin. Though, some questions at the end are weird and a bit creepy.

Where do you live?

How do you want to die?

Is taking your life worth it?

Hindi ko alam kung seryoso ba ang mga tanong na iyon pero sinagutan ko na lamang at sa huli ay kinlick na ang sign up button. Wala pang ilang segundo ay nakapasok na ko sa mismong site.

DEEP WEST

The site background color is pure black. The letters are all deep red in color except for the word deep west at the very top which is white and in all caps italic and bold. Muntik ko pang katukin ang screen ng computer ko ng makita ko ang ilang glitch sa site. I scroll down and found some weird post from people telling how they want to die. Some are even replying suggestions and I don't seriously get them! What the fuck? Anong klaseng site ba ito?

Kahit naguguluhan na ay pinag patuloy ko pa rin ang pag galaw sa mouse at pag tingin sa ilang laman sa ibaba. Ilang pictures ang nakita ko, karamihan pictures iyon ng mga taong duguan at wala ng buhay. Napaawang ang labi ko at hindi ko mapigilan ang mapakurap-kurap sa mga karumaldumal na nakikita. What the hell?! Nag scroll down muli ako kahit nasusuka na ako sa mga picture na nadaanan ko ng tingin. Nadako ang atensyon ko sa isang malaking collage photo. Red ang pinaka border nito at sa loob ay laman ang mahigit sikwenta na litrato ng mga babae at lalaki. Halos kalahati ng mga litrato ng mga taong nasa collage ay may mark na X at ilan na lamang ang wala.

I gasped when I saw some familiar faces of my friends at the far bottom. Wala pang marka iyon pero dalawang tao na lamang ang agwat nila mula sa may mga marka na. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Lalo na noong makita ko ang litrato ko sa pinaka huli-hulihang bilang. Ang suot ko ay kapareho ng nasa litrato, parang ngayon lamang kinuhanan.

This is really getting creepy.

Nanginginig ang kamay ay agad kong inexit ang site at pinatay ang computer ko. Hindi mawala ang kaba sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay pumasok ako sa isang bagay na ikapapahamak ko. I sighed and raked my fingers through my hair. Pilit kong winawaksi ang mga masasamang naiisip ko ngunit hindi ako pinatahimik nito hanggang sa nakatulog na ko.

Madaling araw ng naalimpungatan ako dahil sa sunod sunod na katok sa aking kwarto. Tumayo ako mula sa pag kakahiga para tingnan kung sino iyon, ngunit pag bukas ko naman ng pinto ay walang tao. Lumabas ako at nag tungo sa barandilya ng ikalawang palapag. Madilim na ang buong bahay dahil nakapatay na ang lahat ng ilaw sa baba, wala na rin akong naririnig na kahit anong kaluskos o nakikitang sign na may gising pa sa pamilya ko. Hating gabi na rin at malamang ay tulog na sila. Kahit ang kapatid kong palaging puyat malamang ay tulog na.

Napailing ako at bumalik na lamang sa loob, guni guni ko lang siguro.

Isinarado ko ang pinto at humarap na muli sa kama ko. Ngunit agad akong napatigil ng makitang nakabukas ang computer ko na sa pag kakatanda ko ay pinatay ko bago ako matulog. Dahan dahan ko itong nilapitan. At naging mabilis ang pag hinga ko ng makita kung nasaang site nakabukas ang computer ko. Deep West.

And it was glitching! The site was glitching. The letters are forming words I don't understand and it's scrolling down even without my command! Napalunok na lamang ako lalo na ng tumigil ito sa mismong collage na nakita ko kagabi. Napansin ko ang ilang pag babago rito at lalo lamang akong nanginig sa takot.

Kung kagabi ay marami pa ang walang X na marka sa litrato, ngayon ay ako na lamang. Ano bang ibig sabihin ng mga marka na 'to? Bakit minamarkahan ng letrang 'to ang bawat litrato na nandirito?

Napaayos ako ng tayo noong may marinig akong kaluskos mula sa'king likuran. Pinilig ko ang ulo para makita kung ano ang meron pero nag kamali ako dahil ang sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan. May biglang humawak ng mahipit sa leeg ko at tinapatan ito ng kutsilyo! Ang balak ko sana ay sumigaw para humingi ng tulong sa'king pamilya ngunit diinan niya ang pag kakahawak sa'kin at ang kutsilyo sa leeg ko. Naramdaman ko ang pag tulo ng dugo mula roon kaya napapikit na lamang ako at naiyak sa takot.

Anong nangyayari? Sino ang taong 'to? Paano siya nakapasok sa bahay namin? Masamang loob? Balak niya ba kong patayin?! Anong ginawa ko sa kanya?!

"Huwag mo ng tangkaing sumigaw. Mamamatay ka rin naman." Isang hindi kilalang boses ng lalaki ang narinig ko.

"S-sino ka?" Nahanap ko ang boses ko para makapag tanong. Narinig ko naman siyang mahinang humalakhak at lalong diniinan ang kutsilyo sa'king leeg. I gasped when I feel it digging a hole on my neck. Sobrang sakit. Hindi na ko makahinga.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Nandito lang naman ako para tupadin ang hiling mo."

"A-anong hiling? Wala akong hinihiling sa'yo!" I cried out.

He snickered. "How do you wanna die?" Makahulugan niyang tanong at pilit akong kinaladkad papunta sa aking salaming bintana. Lalo akong naiyak at sinubukan kumawala sa kanya ngunit masyado siyang malakas at nadala niya pa rin ako sa direksyon kung saan niya gusto. Hinarap niya ko roon at hinawakan ng mahigpit ang aking buhok sa likod.

Wala na akong maintindihan sa mga nangyayari. Tanging pag tangis na lamang ang nagagawa ko at ang kagustuhang makawala. Ang lamig ng hangin ay malamyos na humahampas sa'king mukha. Ang pag tulo ng sariling dugo ay humahalo na rito at lalo pang lumalakas.

"Remember your answer? This is it... this is my only offer." He whispered. "Good bye."

And the next thing I heard was the shattering of glasses and the physical pain of my downfall. My head was aching so badly. Darkness slowly covered my whole vision as the blurry image of the man who's looking down at me disappear.

How do you wanna die?

In any way. In what He could offer. I remembered my answer, finally closing my eyes.

Deep West. I thought that website was just a joke, that it was just made to scare people off. I laughed at it, thinking it was ridiculous, just a bunch of bull from strange people. Mga walang magawa sa buhay. Mga taong ang alam ay manakot at mang loko lang.

Who would have though that it will really lead me to my end? No one.

Not even me.
---

Deep West

Misha Rivera X

-C O L L A G E C O M P L E T E D-
Mission Accomplish

---
Truly, curiosity killed the cat. And even satisfaction can't brought it back to life.

Deep West Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon