Chapter Three
Holy Yellow Lambhorgini!
(Lexine’s POV)
Sino bang nagpauso ng facebook? Hayup na ‘yan oh. Ang lakas magpasabog ng notification nitong si Bryce. Hindi pa ba naiimbento ang dislike button at lahat na yata ng pinost kong status at wall posts ay nila-like niya? Wagas siyang makapindot, ah.
“Ba’t ba kasi sobrang hot mo d’yan kay Bryce? Tingin ko naman okay siya, ah. Babaero nga lang daw.”
“De magsama kayo.” -______-
“Kung pwede nga lang, eh. Kaso ikaw ang gusto at hindi ako.”
Tsk. Bakit nga kaya bigla na lang naging gano’n ka-determinado ‘yon ngayon? Something smells fishy. Teka nga at malaman ang katotohanan. Kapag si Bryce, laging may kababalaghan. Kailangan kong malaman kung anong itinatagong baho nung walking one night stand na ‘yon.
Bryce Soriano
Hi-ho Lex-babe! ^_^
Argh! Kainis! May inire-research pa ako, eh. Kita na. Nang dahil sa kanya kailangan ko nang isarado ang laptop ko. Ang lakas talaga niyang mambwisit. Nakakainis. Bakit kasi nag-exist ang mga ganyang nilalang? Dapat ‘yan ikinukulong na sa oven at tinutusta ng bonggang-bongga, eh.
xxxOxxx
“Ang ganda talaga ng sasakyan niya. I wonder how much he pays for taxes and everything.” Sheena murmured habang nakatanga kami sa pumaradang lambhorgini sa harapan ng Wizardy Land.
I work as a part time controller ng rides at in the same time ay crew din kami ng kapatid ko sa Mickey Mouse club house sa loob ng amusement park na ‘yon. Daming work, noh? Ganyan talaga kapag masipag.
Pinagbuksan niya ng kotse ang babaeng kasama niya. Sa itsura palang eh mukhang mahihiya ang mga alipunga ng kapitbahay namin sa kakatihan nitong babaeng ‘to. Bakit ba laging ganyan ang mga kinukuha niya? Iwness to death. Tapos gusto niya akong ihilera sa mga ganyan?
Buni niya. -______-++
“Saan na naman kaya niya napulot ‘yan?”
De saan pa? Sa Ayala. Ayala boy ‘yan, eh.
“Huy! Ano na naman ba ‘yang binabasa mo d’yan at ayaw mong makinig at magsalita man lang?”
Kinuha niya sa akin ang magazine ko tapos tinignan niya. Ang bastos. Ba’t ba lumaki ‘tong walang manners? Ibalik ko kaya ‘to sa sinapupunan ni Inang Mahal at nang matuto namang tratuhin akong NAKATATANDANG kapatid?
“Kaya naman pala. Pinagmamasdan ang pagmumukha ni Zone Ashton. Tsk, Ate, wala nang lunas sa kaadikan mo.”
“Alam mo, kung sakit man ‘to, hindi ko gugustuhing gumaling ‘to, noh.”
“Kaya nga kaadikan ang tawag, eh. Bakit, may adik bang gustong itigil ang pagda-drugs nila?”
Oo nga naman. -_____-
“Miss, magkano sa big ferris?”
Resume ulit ako sa pagbabasa habang nakasandal sa booth ng big ferris na binabantayan ni Sheena. Malay namin kung nasaan si Manong ticket basta proxy si Sheena ngayon.
YOU ARE READING
He Says, She Says
HumorPlayboys are simply playboys. But with a hot loveable womanizer who's madly in love with a girl who hates him the most, how can a playboy cope with the emptiness and mostly... the abandonment issues? He says she's boring. She says he's a walking o...