>> KAIBIGAN,...
NASAWI KA NA BA SA PAG-IBIG?
TOTOY pa ako nun, takang-taka ako, yung inzan ko kasing kelot nagkulong sa kwarto niya ayaw kumain, kahit nga friedchicken ang ulam namin, NO-pansin sa kanya, dehins ko kaya ang ganun, abah! may tao palang NO-pansin ang friedchicken..
Ang ginawa ko, pinuntahan ko si inzan, aba, ayaw buksan ang pinto ng kwarto niya, sige ulit ng katok ko pero ayaw niyang sumagot, sinilip ko siya sa seradura, hayun, walang patid sa pag-inom ng alak..
At eto pa ang masaya, si inzan, umiiyak, akala ko pawis, pero pinagpapawisan ba naman ang mata?
Saka nakita ko yung picture ng syota niya sa frame na fiberglass. Punit-punit na nakakalat sa study table.. Sayang, ang ganda pa naman ng syota niya sa picture na yun..
Punta ako kay momy, kinuwento ko yung nakita ko..
Nangiti lang si momy kinusot-kusot niya ang buhok ko, sabay sabing..
" BATA ka pa, hindi mo pa maiintindihan yan, nasawi lang sa pag-ibig iyang inzan mo.. "
Sawi sa pag-ibig?
Ano ang ibig sabihin nun?
Ano ba yang pag-ibig?
Paano ba ang masawi?
Napakabata ko pa nga nung mga araw na yun..
Ngayon, iba na..
Medyo alam ko na ang ibig sabihin ng pag-ibig..
Dahil ako ngayo'y SAWI... ='(
Tangnang buhay 'to,
talagang hindi ka makakain, kahit nga pala friedchicken, talagang mano-NO pansin..
At namputsa!
Kahit nangangalamuta ka na dahil sa puyat hindi ka pa rin makatulog,.
O PAG-IBIG..
MEMORIES KA NA LANG NGAYON...
Ang mga tampuhan sa ulan..
Ang pagshare sa isang boteng coke..
Ang pagpapakuha ng picture na magkayakap..
Ang pagsakay sa cutterpillar..
ang pagligo ng sabay..
Ang pag aaway tungkol sa kung anong kulay ng t-shirt ang mas maganda..
Ang pagkataranta sa pagbili ng neozep kapag may sipon ang isa..
Ang lambingan kapag dumarating ang monthly anniversary..
Six years din ang itinagal ng relasyon..
Anim na taong pag e-eksperimento kung nag-uugma ang ating likes and dislikes, turn-ons and turn-offs...
Six years ding pinaghele-hele nating dalawa ang ating mga dreams..
Mga plano..
Mga paggawa ng castles in the air..
Pero kahit papaano..
Hindi rin naman sayang ang anim na taon..
Dahil athough each broken love affair leaves us battered and hurt and pained, inevitably, we triumph over it and become better persons..
Sabi nga ng isa kong ka brod, therapy daw ang pagkasawi sa pag-ibig..
First love din 'tong sumapul sa akin, matindi, mabuti na lang wala akong maisip na pinaka-dramatic na suicide act..
Dahil baka deadbol na rin ako..
Ang gusto ko kasing suicide..
Yung cinematic..
Yung may production design..
Yung pwedeng madyaryo dahil ibang klase..
At dahil matagal ang pag-iisip ko..
Dumating ang point na naisip kong it's not worth it.
Naisip kong life is worth living pa rin..
Yan ang sinasabing i've survived, i've become a better person..
Totoo yan, Kaibigan..
" IKAW, NASAWI KA NA BA SA PAG-IBIG? "
-------------------
TRUE TO LIFE
LOVESTORY by::
mr_hearthunter
-------------------
last movie na pinanood namin ng x-gf ko.
ONE MORE CHANCE
< the movie >
Sabi nga
ni POPOY:
" Kaya daw tayo
iniiwan ng taong
mahal natin kasi baka
mayroong bagong
darating..
Na mas okay..
Na mas mamahalin tayo..
Yung taong
hindi tayo sasaktan
at papaasahin,
yung nag iisang taong
magtatama ng mali
sa buhay natin.. "
-------------------
Pagkatapos ng ulan, may pitong kulay na biglang susulpot na magsisilbing tanda na may pag-asa sa bawat pasakit..
Parang sa pag-ibig din yan pagkatapos ng malupit na kabiguan, may mga tao pang pwedeng paglaanan ng iyong wagas na pagmamahal..
Kaya lang ang problema,.
sa dinami-rami ng kulay na pagpipilian,
yung dati paring kulay ang paborito mo.. =(
-------------------
Makakabalik ka nga sa lugar
pero hindi sa panahon..
Makikita mo ulit ang taong minamahal mo..
Pero hindi na mauulit ang naramdaman ninyo noon..
Lahat ng nangyari noon ay isa na lamang masayang gunita ngayon..
at isang bintana ng kahapon... =(
-------------------
DON'T FORGET TO LIKE AND VOTE
THANK YOU VERY MUCH! =)
add me
facebook, tagged & skype
mr_hearthunter0502@y.c.
Text me kung
nagustuhan niyo! Tnxsmart - 09999173087
tm - 09353060502
-------------------