Lihim na pag-ibig

22 2 1
                                    


Sa isang bakanteng silid ako nakaupo.

Maingay ang mga classmates ko, at mahiyain talaga akong bata kaya hindi ako unang namamansin.

Nakamasid ka sa akin mula sa malayo.

Ang makulot mong maliliit na buhok at mala pula mong mga labi. Ang mata mong maitim ay nakatitig sa akin.

Parang may gusto itong sabihin.

Ikaw yung unang lumapit.

Yinuko ko ang ulo ko.

Ayaw kong makipag-usap, dahil sobrang nakakapagod.

Tumawa ka ang mga mata moy nababaon sa pisngi mong malambot.

"Anong pangalan mo?"

Ang pinakaunang salita na mga sinabi mo.

Kahit nahihiya na ako, ramdam ko na kailangan ko itong gawin.

"Helerres..." Pahina kong sabi.

Ang liit mo, mas maliit ka sa akin. Pero masayahin kang bata.

Ipinakita mo ako ng isang papel.

Iginugit mo doon ang mga paborito mong karakter sa Power Rangers.

Sabi mo ako si Pink, at ikaw si Red.

Hindi natin naalala ang mga pangalan nila, ang tataas kasi.

Pero magmula noon, pumupunta ka na sa bahay namin.

Kapitbahay lang pala tayo, kaya dinadala mo ang mga laruan mo.

Sa pamilya namin ako ang bunso, habang ikaw lang yung nag-iisang anak.

Pag wala ang ate't kuya ko, at pag wala rin ang mama't papa mo, naglalaro tayo ng robots mo.

Ang saya natin kung iisipin. Parang may sarili tayong mundo?

Naglalaro tayo ng kahit ano, pinipilit kitang maglaro ng bahaybahayan, at ang barbie ang anak natin.

Kahit ayaw mo, ginagawa mo pa rin.

Minsan may mga batang lalaking umaway sayo. Dahil ang bait mo at dahil ayaw mo silang saktan, hinayaan mo lang silang naging malupit sa iyo.

Nagalit ako.

Kahit mahiyain akong bata pinilit kong maging malakas, magmukhang malakas.

Tinakot ko sila paalis, at ang nakikita ko lang ay ang mukha mong pasan-pasan na sa suntok.

Isa kang lalake, pero ang hina ng katawan mo. Pero mas mahina ang puso mo.

Madali ka lang mauto, iwan na nasasaktan.

Pinahid ko ang kamay ko sa luha mo.

"Tahan na." At niyakap kita.

Dumating ang araw na ako nanaman.

Nagkagusto ako, o sabihin nating, first crush ko.

Kahit malakas na ako, di ko parin maitatanggi na mahiyain akong bata.

Nung nagkagirlfriend siya, kahit di naging kami umiyak ako ng umiyak.

Nandon ka. Parang di mo alam kung anong gagawin.

Parang nabubulol lahat ng sinasabi mo.

"Tahan na." At niyakap mo ako.

Naramdaman ko ang ibang emosyon. Hindi siya selos? Inggit? Di, parehas lang yun...

Ang bilis. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Ahhh.

Ito pala yun,

Pag-ibig.

Nang nalaman ko ang aking nararamdaman, nahihirapan na akong humarap sa iyo.

Namumula ako sa tuwing nagaabot ang ating tingin.

Ano ba to? Baliw na ba ako?

Baliw na ba ako sa iyo?

Alam kong kaibigan tayo, ayokong masira ang relasyon natin.

Pag naging tayo, kung magbre-break up man tayo, sino nalang ang sasandalan mo?

Ako lang naman ang laging nandito para patigilin ang iyong luha.

Kung naging tayo,

At natapos ang relasyon natin,

Wala ka nang kaibigan na maaakbayan.

Hindi na normal ang magiging relasyon natin.

At isa pa,

Di mo naman ako mahal di ba?

Kaya bubuhatin ko nalang tong mag-isa.

Para sa iyo.

Kung sa araw man na maisipan mo rin lahat ng ito, sana maalala mo.

Pero di ko mapigilan, siguro sa mga oras na iyon masasabi ko na mahal kita.

totoo naman di ba?

alam kong kahit di man natin sinabing dalawa... alam ko.

Alam kong minahal natin and isa't-isa.

Lihim na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon